(NI JESSE CABEL) NILINAW ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), na may mga ebidensiyang hawak ang Philippine National Police laban sa 46 na tinaguriang narco politicians base sa kanilang isinagawang validation. Ayon kay Usec Derrick Carreon ng PDEA, may hawak silang ebidensiya maging ang PNP laban sa mga nakapaloob sa hawak nilang narco list. Sa pahayag ni Carreon, patuloy lamang umano ang ginagawang pangangalap ng dagdag na ebidensiya para hindi makalusot ang mga ito oras na sampahan sila ng kasong criminal . Inihayag pa ni Carreon na makatutulong nang malaki…
Read MoreAuthor: Jet
SIKAT NA MATINEE IDOL NG KAPAMILYA, P1-M PER NIGHT?
(NI KC GUERRERO) OUR fave Editor BenThought, idol na idol namin si aktor nang kasikatan at prime ng kakisigan niya. Maraming indecent proposal sa kanya ang mga baklush. Turned down lahat. Shocked kami dahil nasa market na siya ngayon. Flesh market, Ben Thought! P10K na lang ang market value niya ngayon. Kaya lang may rate pa rin si aktor na support na lang ngayon sa mga soap. Hindi raw puwedeng i-deep throat ang mahaba niyang *toot*. No touch. No kissing, no touching. As in magme-“Mary Palmer” lang siya sa harap…
Read MoreAFP MAY EBIDENSIYA VS COMMUNIST FRONT ORGANIZATIONS
(NI JESSE KABEL) PINABULAANAN ng Armed Forces of the Philippines ang akusasyon ng ilang organisasyon na sinasabing may kawing o prente ng Communist Party of the Philippines at New People’s Army na walang hawak na ebidensiya ang AFP na magpapatunay sa mga sinasabing communist front organizations. Ayon kay Brig General Antonio Parlade Jr., Asst. Deputy Chief of Staff for CMO, J7, na perpekto na ng grupong Karapatan ang sining ng pagsisinungaling sa loob ng 24 na taong panlilinlang. “I never said I don’t have evidence to show they are communist…
Read MoreALDEN BAKASYON MUNA SA EAT BULAGA KASAMA SI KATHRYN
(NI LOURDES C. FABIAN) TULOY na tuloy na ang pagsasamahang pelikula nina Alden Richards at Kathryn Bernardo na kukunan sa Hong Kong. Ang story daw ay strangers sina Alden at Kathryn na sa HK magkakakilala sa romance-drama movie na may touch ng kaunting comedy. Kung hindi mababago ang schedule ay 21 days daw sina Kathryn at Alden sa HK. Kaya ang ibig sabihin nito ay bakasyon muna ang Pambansang Bae sa “Eat Bulaga.” Tiyak mami-miss ng AlDub fans ang kanilang idolo. Balitang five months in the making bago nagkalinaw ang KathDen movie, ayon sa ABS-CBN Star Music. Since nasa stage…
Read MoreINQUIRY SA WATER SHORTAGE GUGULONG NA SA KAMARA
(NI ABBY MENDOZA/PHOTO BY EDD CASTRO) SISIMULAN na ng House of Representatives sa Lunes, Marso 18, ang imbestigasyon sa ugat ng nararanasang krisis sa tubig. Pangungunahan ng House Committees on Metro Manila Development ni Quezon City Rep. Winnie Castelo at Housing and Urban Development chairman Alfredo Benitez ang gagawing joint hearing. Ayon kay Castelo, gagamitin ng Kamara ang oversight function nito para protektahan ang kapakanan at interes ng publiko. Ani Castelo tutukuyin sa gagawing House Inquiry kung bakit may krisis, ano ang mga dapat gawin at hanggang kailan ito. Layon…
Read MorePART II: 82 PA SA NARCO LIST IHAHAYAG NA
(NI JG TUMBADO) MAGLALABAS pa umano ng 82 pangalan sa narco politician list sa mga susunod na araw. Ang pagkakaroon ng part two sa narco list ay sa dahilang tinatrabaho pang mabuti ang kilos ng mga politikong sangkot sa illegal na droga. Ang 82 ay kasama na umano sa listahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ngunit minabuting huwag munang banggitin hangga’t hindi pa tapos ang balidasyon. Samantala, ibabase naman ng Philippine National Police (PNP) ang susunod na aksyon sa magiging resulta ng gagawing imbestigasyon ng Ombudsman kaugnay sa isinampang reklamo laban…
Read MoreCUSTOMS COLLECTOR NA NAGPASOK NG BASURA NG SOKOR PINASISIBAK
(NI ABBY MENDOZA) INIREKOMENDA ni Iligan City Rep. Frederick Siao na sibakin na sa pwesto ang Customs District Collector na nagpasok sa bansa ng 5,000 metro toneladang basura mula South Korea. Ayon kay Siao, vice-chair ng Committee on Tourism, dapat nang sibakin si Customs Collector Floro Calixihan dahil sa kapabayaan sa tungkulin. Malinaw umano na pinayagan nito at tinulungan ang Verde Soko Philippines na makapagpasok ng tone-toneladang basura mula sa naturang bansa. Sa pagdinig ng komite, kinastigo ng kongresista si Calixihan dahil nagmistula itong empleyado ng Verde Soko sa halip…
Read MorePDEA, PNP, MAGKA-SALUNGAT VS NARCO LIST
(NI JG TUMBADO) WALA pang sapat at matibay na basehan o ebidensya ang gobyerno upang sampahan ng kasong kriminal ang mga politikong isinasangkot at pinangalanan sa narco list ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ang pag-amin ni Philippine National Police (PNP) spokesperson Senior Supt. Bernard Banac kasunod ng paghahain ng reklamo ng administratibo ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa 46 na mga pulitikong isinasangkot sa ilegal na droga bago pa man pangalanan ng pangulo. Salungat naman ang naging pahayag ng PDEA sa PNP na umanoy tumagal ng 14…
Read MoreBAHAY NG EX-MAYOR NI-RAID; SHABU, ARMAS NASAMSAM
(NI JG TUMBADO) SINALAKAY ng awtoridad ang bahay ng dating alkalde ng Midsalip, Zamboanga del Sur, matapos lumabas ang pangalan nito sa narco list na inilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte. Si dating Midsalip Mayor Liwaya Angcap-Paras ay inaresto sa drug raid sa Oroquieta City, Misamis Occidental. Napag-alaman kay Misamis Occidental Provincial Director Senior Supt. Danildo Tumanda, armado ng search warrant nang salakayin ng mga tauhan ng Oroquieta police drug enforcement unit at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 10, ang bahay ni Angcap. Itinuturing din na pang pito sa provincial…
Read More