PNP UMAMIN: WALANG EBIDENSYA SA MGA NARCO-POLITICIANS

pnp1

(NI NICK ECHEVARRIA) INAMIN ni Philippine National Police spokesperson S/Supt. Bernard Banac na wala pang matibay na basehan ang gobyerno para sampahan ng kasong kriminal ang mga politikong nasa narcolist na isinapubliko ng Pangulong Rodrigo Duterte. Ginawa ni Banac ang pag-amin makaraang ireklamo ng administrative case ng Department of Interior and Local government (DILG) ang 46 na mga politiko bago pa man pangalanan ng Presidente. Sa kasalukuyan ay nangangalap pa rin ng matitibay na ebidensya ang PNP na magdidiin sa pagkakadawit ng mga tinaguriang narco politicians sa ilegal na operasyon…

Read More

XIAN LIM TODO-TODO MAGTRABAHO SA MGA PROJECTS 

xian123

(NI RK VILLACORTA) HINDI ko alam kung ano ang nag-i-inspire kay Xian Lim para magtrabaho nang todo. Hindi naman siguro nagmamadali ang aktor na magplano na ng kanilang kasal ng girlfriend na si Kim Chiu habang ang ilan sa mga kaliga nila ay “kasalan” na ang pinag-uusapan. Kahit walang TV Network na naka-back-up sa kanya o walang regular drama serye, umaalagwa pa rin ang career ng binata. Halos sunud-sunod ang film projects niya since he moved out of Star Magic Management at pumirma sa Viva Artists Agency. Sagad-sagaran na ang sked ni Xi…

Read More

MABIGAT NA DALOY NG TRAPIKO NGAYONG WEEKEND

MMDA ILLEGAL PARKING

(NI ROSE PULGAR) INABISUHAN  ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista na makararanas ng masikip na daloy na trapiko ngayong weekend dahil isasara ang ilang kalye bunsod ng muling road re-blocking na isasagawa ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Kagabi ng alas-11:00 (Biyernes, Marso 15), isinara  ang Southbound lane na maaapektuhan ang bandang intersection sa C-5 Road at Julia Vargas Ave., maging ang intersection C-5 Road at Lanuza Avenue, sa harap ng SM Aura, parte ng EDSA New York Monte de Piedad; ikatlong lane mula sa sidewalk at ang…

Read More

HINAAN ANG PRESSURE NG TUBIG, INIREKOMENDA SA MANILA WATER

SGMA-6

(NI ABBY MENDOZA) BAGAMA’T maituturing umanong short term solution, naniniwala si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na makatutulong sa nararanasang krisis sa tubig kung hihinaan ang pressure ng tubig sa lahat ng customer sa East zone upang ang lahat ay may makuhang supply. Sa briefing na ipinatawag ni Arroyo kasama ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System  (MWSS) inirekomenda nito kay MWSS Administrator for Engineering Leonor Cleofas at Department Manager for Research Byron Carbon na dapat  magpatupad ng low pressure upang wala nang water interruption at magkaroon ng  maayos na distribution. Nitong Biyernes ay…

Read More

NARCO LIST IDINEPENSA; MGA NASAGASAAN MAGDEMANDA – DU30

duterte15

(NI BETH JULIAN) IDINEPENSA ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ginawa nitong pagbubunyag sa listahan ng mga narco list. Sinabi ng Pangulo na ang trabaho nila ay makahanap ng probable cause na ipiprisinta sa piskalya laban sa mga isinasangkot sa ilegal na droga. Katwiran ng Pangulo, dapat maunawaan ang salitang ‘probable’ na ang kahulugan ay hindi kinakailangan 100 porsyentong  sigurado ang isang alegasyon laban sa inaakusahan. Ayon sa Pangulo, nasa korte na ang bola para suriin ang mga inihaing ebidensya at timbangin ito kung sapat o hindi para maideklara kung guilty…

Read More

DE LIMA MULING HUMARAP SA KORTE 

delima12

(NI ROSE PULGAR) MULING humarap sa Muntinlupa Regional Trial Court Branch 205 si Senador Leila De Lima sa Muntinlupa City sa muling pagdinig sa kasong kinakaharap nito na may kaugnayan sa illegal drug trade sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City, nitong Biyernes. Matapos humarap si De Lima sa pagdinig, sinabi nito na accurate sana ang panibagong “narco list” na inilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte. Dakong alas- 9:00 ng umaga nang sumalang sa witness stand si NBI Agent Jovencio Ablen Jr., sinabi nito na  dalawang beses niyang sinamahan noong 2012 si…

Read More

WINWYN MARQUEZ  BAKIT UMAYAW NA SA BB. PILIPINAS 2019?

win123

(NI JONATHAN ANG) FINAL decision: Hindi na sasali si Winwyn Marquez sa 56th edition ng Binibining Pilipinas sa June 2019. Hinayang na hinayang ang mga supporters ni WinWyn dahil naniniwala ang mga ito na malaki ang tsansa niyang makuha ang Miss Universe Philippines title. Hmmm… Give chance to others? Takot ma-‘Thank you, girls’? No need to join dahil title holder na siya? Matatandaang sumali sa Binibining Pilipinas si Winwyn noong 2015 pero hindi pinalad magwagi. Nakabawi naman siya noong 2017 dahil siya ang kinoronahang Reina Hispanicoamericana, the first Asian beauty…

Read More

12-YR-OLD PABABA BAWAL NA UMUPO SA FRONT SEAT

CARSEAT123

(NI BETH JULIAN) GANAP nang batas ang Child Safety in Motor Vehicles Act. Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naturang batas na naglalayong ipagbawal sa pag-upo sa front seat ang mga batang 12-anyos pababa. Gayunman, kung ang bata ay abot sa height requirement na 4’11 at gagamit ng regular na seat belt ay hindi ito pinagbabawal. Hindi naman sakop ng bagong batas ang mga public utility vehicles gaya ng mga bus, jeep at tricycle. Ang nasabing batas ay suportado naman ni Augusto Lagman, presidente ng Automobile Association of the…

Read More

MWSS PINAKILOS NI DU30 SA WATER SHORTAGE

IGIB500

(NI BETH JULIAN/PHOTO BY KIER CRUZ) IPINAUBAYA ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na utusan ang Manila Water at Maynilad na gumawa ng hakbang para maibsan ang nararanasang water shortage sa Metro Manila at mga bayan sa Rizal. Biyernes ng hapon ay inatasan ng Pangulo ang MWSS na obligahin ang Manila Water Company, Inc., at ang Maynilad Water Services, Inc. at iba pang responsableng ahensya na maglabas ng tubig mula sa Angat Dam epektibo sa lalong madaling panahon. Ayon kay Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo, alam…

Read More