(NI JESSE KABEL) TALIWAS sa pahayag ng Philippine National Police (PNP) na wala pa silang hawak na matibay na ebidensiya para sampahan ng kaso ang 46 na tinaguriang narco politician, naglabas naman ng statement ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kung saan sinabing sumailalim sa matinding pagtitiktik ang mga sangkot bago inilabas ang listahan. Ayon sa PDEA ang 46 narco-politicians, na inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte, ay produkto ng mahigit 14 buwan na revalidation ng Philippine National Police (PNP), Philippine Drug Enforcement Agency, National Intelligence Coordinating Agency (NICA), Armed Forces of…
Read MoreAuthor: Jet
DRUG LORDS PARURUSAHAN NG NPA – JOMA
(NI JUN V. TRINIDAD) NAGBABALA si Jose Maria “Joma” Sison, founder ng Communist Party of the Philippines (CPP), na parurusahan ng rebolusyunaryong kilusan ang sinumang opisyales ng pamahalaan, pulitiko at pribadong indibidwal na mapatutunayang may kinalaman o pakikisangkot sa mga sindikato ng iligal na droga. “Sa pagkaalam ko, patakaran ng People’s Democratic Government at New People’s Army (NPA) na hulihin, litisin at parusahan ang mga drug lords at mga kasabwat nila sa militar, pulis at network of distribution,” ani Sison sa panayam mula sa Utrecht, Netherlands, araw ng Sabado. Dagdag pa…
Read MoreKALIWA DAM ‘DI MAGAGAMIT KAHIT MAY KRISIS
(NI BETH JULIAN) INIHAYAG ng Malacanang na malabong matuloy ang planong pagtatayo ng Kaliwa Dam sa Quezon province kahit na nakararanas ng matinding kakapusan sa tubig sa bansa. Ayon kay Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo, marami ang tumututol na maisakatuparan ang plano sa Kaliwa Dam na popondohan sana ng China. Una nang iginiit ni Finance Secretary Carlos Dominguez na kailangan nang matuloy ang konstruksyon ng Kaliwa Dam dahil ito ang nakikitang solusyon sa kakulangan ng suplay ng tubig sa bansa. Nagkakahalaga ng P12.2 bilyon ang pagtatayo ng Kaliwa Dam kung…
Read MoreMAINE MENDOZA, MANGINGIBANG-BAKOD NA NGA BA?
(NI RONNIE CARRASCO III) ANO ba talaga ang network status ni Maine Mendoza? Technically, she’s not a Kapuso (GMA) talent. Ang nilalabasan niyang programa tulad ng “Eat Bulaga,” produced by TAPE, Inc., is a blocktimer. So is “Daddy’s Gurl” na produced naman ng M-Zet na pag-aari ni Vic Sotto. In short, this doesn’t make Maine a Kapuso, kundi an artist whose shows are incidentally aired on the Kapuso network. Ergo, kung hindi kami nagkakamali, there exists no contract — binding or otherwise — between Maine and GMA. Tony Tuviera’s Triple…
Read MorePAGBAWI SA POLICE POWERS NASA KAMAY NG OMBUDSMAN
NASA kamay na ng Ombudsman ang pagbawi sa ibinigay na police powers sa 46 na umano’y narco-politicians na ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte. Kasong administratibo ang kinakaharap ng mga lokal na opisyal sa pagkakasangkot umano sa illegal na droga. Gayunman, inamin ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na wala pa silang sapat na basehan para sampahan ng kasong kriminal ang mga ito. Ayon kay PNP spokesperson, S/Supt. Bernard Banac, ngayong nakasampa na ang kaso, ang Ombudsman na ang magpapatawag sa 46 politicians na kabilang sa…
Read MoreDU30 OK NA MATAPOS ATAKIHIN NG MIGRAINE
NASA maayos nang kalagayan si Pangulong Rodrigo Duterte matapos umanong makaranas ng matinding sakit ng ulo, nitong Biyernes. Kinumpirma ito ni dating special assistant to the President Bong Go at sa katunayan umano ay balik na sa trabaho ang Pangulo gaya ng pagbabasa ng mga dokumento. Sabay din umano silang nag-midnight snack at halos tatlong oras na nagkwentuhan. Hindi nakadalo ang Pangulo sa ilang okasyon kasama na ang pamamahagi ng lupain sa Davao City. Sinalo naman ni Davao City Mayor Sara Duterte ang posisyon ng Pangulo na nanguna sa ceremonial…
Read MoreKARLA ALL OUT ANG SUPPORT PARA KINA KATHRYN, ALDEN
Ipinahayag ni Karla Estrada ang kanyang todong suporta sa upcoming movie nina Kathryn Bernardo at Alden Richards. Si Karla ang nanay ni Daniel Padilla, boyfriend at ka-loveteam ni Kathryn. Sa kanyang IG account, nag-post si Karla ng photo nina Direk Cathy Garcia Molina at Star Cinema managing director Olivia Lamasan. “Mabuhay ang pelikulang Pilipino! Isa na namang obra ito,” ang caption ng larawan. May lagpas 27,000 likes at daan-daang comments na ang nasabing post, at marami sa comments ang pumuri kay Karla sa kanyang malawak na pang-unawa. Sa isang open…
Read MoreNARCO LIST PART 2 ILALABAS DIN NG PANGULO
(NI LILY REYES) HINDI pa umano dapat magdiwang ang iba pang mga narco-politicians partikular na ang mga taga Metro Manila , CALABARZON at Visayas dahil sila umano ang isusunod na papangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte Ayon sa Pangulo , maghintay lang sila dahil may ginagawa pa umanong revalidation sa mga impormasyon laban sa mga hindi pa napapangalanang narco politician, dahil kitang-kita naman umano kung gaano katalamak ang problema sa droga sa Metro Manila, CALABARZON at Visayas. Ang ginagawang revalidation sa mga narco politicians ay para tiyaking tama ang kanilang natatanggap…
Read MoreWATER RESERVOIR BAWAT LUNGSOD, LALAWIGAN MUNGKAHI NG PALASYO
(NI BETH JULIAN) NAKIKITANG solusyon ng Malacanang ang pagkakaroon ng sariling water reservoir sa mga syudad at lalawigan para sa problema sa kakapusan ng tubig. Ito ang inihayag ni Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo kasabay ng pahayag na dedepende ang laki ng gagawing reservoir kung gaano kalaki ang magiging demand ng tubig sa isang partikular na lungsod o sa isang lalawigan. Ayon kay Panelo, itinuturing na artipisyal lamang ang kakulangan ng tubig kaya mas magandang maimbestigahan ang issue upang matuklasan ang sanhi ng kakulangan ng supply at para matiyak na hindi na…
Read More