NDRRMC: MISMANAGEMENT SA MANILA WATER DAHILAN NG WATER SHORTAGE

angatdam12

NANINIWALA ang National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) na ‘mismanagement’ sa pamunuan ng Manila Water at hindi ang kakulangan ng supply ng tubig ang dahilan ng nararanasan ngayong water shortage sa malaking bahagi ng Metro Manila. Sinabi ni NDRRMC executive director USec. Ricardo Jalad, na may maling pamamalakad dahilan sa nararanasang kakulangan ng supply ng tubig. Magkakaroon ng pulong sa pagitan ng Manila Waterworks and Sewerage System, Manila Water at Maynilad upang malutas ang nararanasang kakulangan ng supply ng tubig sa east zone. Sinabi ni Jalad na tumaas ang…

Read More

PICHAY PINASUSUSPINDE NG 90-DAYS DAHIL SA GRAFT

pichay12

INIUTOS ng Sandiganbayan ang suspensiyon ni House Deputy Speaker Prospero Pichay dahil sa umano’y chess event na inisponsor nito gamit ang pondo ng gobyerno. Nahaharap si Pichay sa graft at ethics charges dahil sa umano’y illegal na pag-apruba sa pagpapalabas ng P1.5 milyong Local Water Utilities Administration (LWUA) funds noong 2010 para sa chess event. Huwebes ng hapon nang ilabas ang 5-pahinang desisyon na nag-uutos ang Sandiganbayan 4th Division sa Kamara ng 90-araw na suspensiyon kay Pichay. Unang ibinasura ng Sandiganbayan ang argumento ni Pichay na hindi siya maaaring suspendihin…

Read More

DoT TINIYAK NA WALANG LUMOT SA BORACAY

(NI ABBY MENDOZA) TINIYAK ng  Department of Tourism (DoT) na wala nang lumot na makikita sa Boracay taliwas sa kumalat na video sa social media na nagpapakita na may mga lumot sa dalampasigan. Ayon kay Tourism Secretary Berna Romulo-Puyat sa kanilang monitoring sa isla ay walang lumot sa dalampasigan partikular sa Station 1 kung saan sinasabing kinunan ang kumalat na video footage. Ani Puyat, mula nang buksan ang Boracay noong nakaraang taon matapos ang anim na buwang rehabilitasyon ay wala pa silang lumot na nakita kaya maaaring matagal nang footage…

Read More

NORTH COTABATO ISINAILALIM NA SA STATE OF CALAMITY

EL NINO12

(NI BONG PAULO/PHOTO BY EDD CASTRO) ISINAILALIM na sa state of calamity ang buong lalawigan ng North Cotabato. Ito ang sinabi ni Vice Governor Shirlyn ‘Neneng’ Macasarte, batay naman sa rekomendasyon ng tanggapan ni Cotabato Governor Emmylou ‘Lala’ Taliño-Mendoza. Ang deklarasyon ay isinagawa sa regular na session ng Sangguniang Panlalawigan nitong Miyerkoles. Napag-alaman na umakyat na sa P670, 840, 281 ang pinsalang naidulot ng matinding tag-tuyot sa probinsiya. Para sa rice damage report, mayroong P362, 999, 674 para sa mais umabot sa P269,071, 035 at sa high value crop ay…

Read More

ROSARYO GABI-GABI; DINGDONG TUTOK SA PANGANGANAK NI MARIAN

teamdantes12

(NI MELL T. NAVARRO) HALOS kabuwanan na ng panganganak ng asawa ni Dingdong Dantes na si Marian Rivera, dahil in less than a month ay maaaring isinilang na ng magandang aktres ang kanilang ikalawang anak.  Gabi-gabi rin ang pagno-novena ng mag-asawa, praying the Holy Rosary para sa safe delivery ng new baby boy nila. Tutok na nga si Dong kay Marian at wala munang masyadong tinatanggap na trabaho. Halos hindi nito maiwan ang asawa, mula sa regular na check-up ng OB-gyne doctor nito, pag-prepare ng mga gamit sa new baby,…

Read More

NAGBAGO NG ISIP: MGA SENADOR PABOR NA SA DEATH PENALTY

death penalty1

(NI NOEL ABUEL) MARAMI nang senador ang nagbago ng isip at ngayo’y sinusuportahan na ang panukalang muling buhayin ang parusang kamatayan laban sa mga gumagawa ng heinous crime. Ito ang sinabi ni Senate President Tito Sotto III, kung saan malaki ang tiyansang makalusot na ang panukalang batas na nakahain ngayon sa Senado para ipatupad ang death penalty sa bansa. Tugon ito ng senador sa nangyaring karumal-dumal na pagpatay sa 16-anyos na dalagita sa lalawigan ng Cebu. “The way things are happening, marami nang pumapayag sa mga kasama namin. But then…

Read More

SENADO PASOK NA RIN SA MANILA WATER PROBE

titosotto

(NI NOEL ABUEL) MAGSASAGAWA ng imbestigasyon ang Senado sa nangyayaring kaguluhan hinggil sa nararanasang krisis sa tubig sa Metro Manila at ilang karatig lalawigan. Sa inihaing Senate Resolution 1028, ni Senate President Vicente C. Sotto III, hiniling nito sa Senate Committee on Public Services at sa iba pang kinaukulang komite na alamin ang ugat at solusyon sa nasabing iregularidad sa supply ng tubig. Sa susunod ng linggo nakatakdang dinggin ni Senadora Grace Poe, chairman ng nasabing komite ang nasabing imbestigasyon. Sinabi ni Sotto na hindi katanggap-tanggap na libu-libong pamilya, maging…

Read More

CLOUD SEEDING UMPISA NA SA SABADO

cloud seeding1

(NI JG TUMBADO) NAKATAKDA nang isagawa sa Sabado ang cloud-seeding operations sa ilang probinsiya sa Region 11 at 13 na apektado ng matinding tagtuyot dulot ng El Nino phenomenon. Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang pagsasagawa ng cloud-seeding operations ay inirekomenda sa nabanggit na rehiyon. Sa datos ng NDRRMC, nakapagpalabas na ng P18.3 million na pondo sa mga regional office ng Department of Agriculture (DA) para maisagawa ang operasyon katuwang ang Philippine Air Force. Ayon kay NDRRMC Executive Director Usec. Ricardo Jalad, ginagawa ng gobyerno…

Read More

ADMINISTRATIVE CASE VS 46 SA NARCOLIST, ISINAMPA NG DILG

DILG1

SINAMPAHAN ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ng mga kasong administratibo sa Office of the Ombudsman ang 46 incumbet politicians na sangkot umano sa tinatawag na ‘narco-list’ sa gobyerno. Ang 46 na politiko ay haharap sa administrative charges ng grave misconduct, conduct prejudicial to the best interest of the service, conduct unbecoming of a public officer, and gross neglect of duty, ayon sa DILG. Nauna nang ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pangalan ng mga sangkot sa droga sa pamamagitan ng live telecast sa government channel PTV-4…

Read More