NAGLABAS ng bagong kautusan ang Department of Labor and Employment (DOLE) kung saan bibigyang prayoridad ang mga Filipino na nag-aapply ng trabaho kumpara sa mga foreign nationals sa katulad na trabaho. Sinabi ni Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III na ito ay upang makontrol ang pagdami ng mga dayuhang manggagawa sa bansa. Ilan aniya dito ay ang pagpalabas nila ng pangalan ng dayuhang aplikante at ang trabahong inaaplayan nito at dito mabibigyan ng isang buwan ang sinumang Filipino para kontrahin at kunin na lamang ang trabaho. Hindi na…
Read MoreAuthor: Jet
NAMATAY SA DENGUE NASA 140 NA — DoH
HINDI pa man natatapos ang problema ng Department of Health (DoH) sa epidemya ng tigdas, kaso naman ng dengue ang tinututukan ngayon ng kagawaran. Higit 30,000 na ang naitalang kaso ng dengue sa buong bansa, ayon sa DoH at mula sa inilabas na datos ng Epidemiology Bureau simula Enero 1 hanggang Pebrero 23, tinatayang 36,664 na ang bilang ng dengue cases sa bansa at 140 na namatay. Nababahala naman ang DoH dahil sa mataas na bilang ng kaso ng dengue. Mas mataas umano ito ng 14,703 kung ikukumpara sa parehong…
Read MoreDU30 KUMAMBYO; PLANONG LEGALISASYON NG MARIJUANA BINAWI
(NI BETH JULIAN) MAAARING samantalahin lamang ng mga drug users sakaling legal na ang marijuana para sa medical use. Ito ang laman ng talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdalo nito sa kampanya ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) sa Negros Occidental, kaya nagbago na ang isip at tutol na sa legalisasyon sa paggamit ng marijuana bilang gamot sa karamdaman. Matatandaan na una nang inihayag ng Pangulo na pabor ito sa marijuana legalization dahil nagagamit ito bilang gamot sa sakit. Pero bigla na lamang nagbago ang desisyon ng Pangulo…
Read MorePUWEDE KO NANG IWAN ANG MUSIC SCENE – OGIE ALCASID
(NI KC GUERERRO) “PUWEDE ko nang iwan ang music scene,” sey ni Ogie Alcasid nang makatalamitam ng inyong lingkod sa fave resto, my dear editor BenThought. Nasabi ito ng bida sa Kuya Wes dahil sobrang happy siya sa sigla ng OPM ngayon. Si Ogie ang kasalukuyang presidente ng Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit. “Pinoys are listening to OPM music. Nakatutuwa. May JK, may Moira, bagets/millenials are into Ben & Ben, etc,” masayang kuwento ng UP Diliman batchmate namin, BenThought. Mas sobra ang tuwa ni Ogie dahil ang leading lady niya sa…
Read MorePCSO GENERAL MANAGER SINIBAK NI DU30
KINUMPIRMA ng Malacanang ang pagsibak ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Alexander Balutan dahil sa umano’y seryosong alegasyon ng korupsiyon. Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na ang “governance and public accountability” ay kambal na haligi ng administrasyon ni Duterte. Ito umano ang basehan na ang mga nasa gobyerno ay kailangan dapat na manilbihan ng tapat at may responsibilidad. “Ang mga lalabag ay tyak na lalagapak at daranas ng mabigat na parusa,” sabi pa nito. Idinagdag pa ni Panelo na sana ay magsilbi itong…
Read MoreWALANG ABISO SA PAGKAWALA NG SUPPLY: MANILA WATER KINONDENA
(CONTRIBUTED PHOTO BY ARIEL JOQUICO) KALIWA’T kanang pambabatikos ang tinatanggap ng Manila Water matapos nitong putulin ang supply ng tubig nang walang abiso sa anim na Metro Manila City at pitong bayan sa Rizal province mula Huwebes hanggang Biyernes. Hanggang Sabado ng hatinggabi ay nakapila ang napakahabang residente ng Mandaluyong na mga nabigla sa ‘sorpresang’ pagkawala ng supply ng tubig. Nagkatarantahan ang mga apektadong residente at hindi malaman kung saan kukuha , partikular ng malinis na tubig , para sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan. Sa Mandaluyong, bandang alas-5:00 ng hapon…
Read MoreCOMELEC NAGBAGO NG TAKTIKA VS PASAWAY NA KANDIDATO
(NI HARVEY PEREZ) TINIYAK ng Commission on Elections (Comelec) na hindi sila magpapalabas ng listahan ng mga pasaway na kandidato, maging ang mga kandidato na napadalhan na nila ng notice of violation. Sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na hindi na nila papangalanan o ilalathala ang pangalan ng mga non-compliant na kandidato nang sa gayon ay hindi masayang ang case build-up na isinasagawa laban sa mga ito. Nabatid na ang paglabag ay may kinalaman sa Oplan Baklas na kanilang isinasagawa sa mga nagkalat na illegal campaign posters at billboards sa…
Read More16-M BAHAY MAKIKINABANG SA MURANG KURYENTE BILL
(BERNARD TAGUINOD) MAKIKINABANG ang may 16 milyong pamilyang Filipino sa Murang Kuryente Bill na inaprubahan na ng Bicameral conference committee, ayon sa liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso. Gayunman, inaasahan na sa Hunyo 2019 pa ito mapapakinabangan ng sambayanang Filipino dahil sa Mayo 20 pa inaasahang raratipikahan ng dalawang Kapulungan ng Kongreso bago pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte. “This will lighten the burden of Filipinos from high cost of electricity without hurting the government coffer,” ani Marindue Rep. Lord Allan Velasco, chairman ng House committee on energy. Sa ilalim ng…
Read MoreMAS MARAMING BABAENG WAGI DASAL SA ELEKSIYON
(NI BERNARD TAGUINOD) UMAASA ang isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na mas maraming babaeng kandidato sa iba’t ibang posisyon sa gobyerno ang mananalo sa darating na eleksyon. Kasabay nito, umaasa din si Ifugao Rep. Teddy Baguilat na matigil na ang pagbibiro ng mga lider ng bansa tulad ng rape na nakakasakit sa damdamin ng mga kababaihan. “Sana mas marami pang mahuhusay at marangal na babae ang mahalal sa pwesto para maisulong ang kapayapaan at kaunlaran. Sana ang pagbibiro ng rape, pambabastos ng babae at pangaabuso ng kapwa dahil sya…
Read More