(NI ANN ENCARNACION) HINDI man kasing-popular ng Gilas men’s team, hindi magpapahuli ang women’s team sa puso at talento na alas nila upang makamit ang tinatarget ng gintong medalya sa 2019 Southeast Asian Games. Maging si SEA Games 3×3 at basketball competition manager Bernie Atienza ay naniniwalang hinog na hinog na ang Filipina cage belles laban sa mga karibal nitong Thailand, Indonesia, at Malaysia. “I’m wishing for it and it is my prayer always to win the gold. We’ve been frustrated many times especially in the last two SEA Games,”…
Read MoreAuthor: Jet
DAYUHAN PAPASOK SA RETAIL SECTOR, LOCAL RETAILERS NANGANGANIB
(NI BERNARD TAGUINOD) NANGANGANIB maglaho ang mga local retailers sa bansa dahil sa isinusulong na panukalang batas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na ibaba ang paid-up capital ng mga foreign companies na papasok sa retail sectors. Sa press conference nitong Miyerkoles sa Kamara, nangangamba si House minority leader Bienvenido Abante na papatayin ng mga dayuhang retailers ang mga local retailers dahil ibaba sa US$200,000 ang paid-up capital mula sa kasalukuyang US$2.5 hanggang US$7. 5 million. “We are wary of these reduced rates because they remove the protection for Philippines micro,…
Read MoreKAWALAN NG HALAL FOOD ISINISI NG NCMF SA PHISGOC
ISINISI ng National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) sa Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) ang kawalan ng halal food para sa mga delegadong kalahok sa 30th Southeast Asian Games. Binalewala umano ng PHISGOC ang panawagan nila noong Setyembre pa hinggil sa paghahanda ng halal food para sa Muslim athletes at guests. “We waited for some communications. Wala na po eh. So we assumed na they can do it. Mahirap kasi ‘yung singit kami nang singit and they don’t find us important,” sabi ni NCMF Executive Director Tahir Lidasan. Kamakalawa…
Read MoreDEFENDING CHAMP MALAYSIA NA-UPSET NG PH POLO TEAM
(NI ANN ENCARNACION) NANATILING buhay ang tsansa ng Philippine polo team na makapagsukbit ng gintong medalya sa 30th Southeast Asian Games makaraang talunin ang defending champ Malaysia, Martes ng gabi sa Iñigo Zobel Polo Facility sa Calatagan, Batangas. Sinorpresa ng national team ang ranked No. 1 na Malaysia nang magtala ng 8.5-4 panalo para pahigpitin ang labanan sa isa sa pinakamatagal na sports sa mundo at kinikilalang sports ng mga hari at reyna, prinsipe at prinsesa. Ipagpapatuloy ng ating pambansang koponan sa water polo, floorball at polo ngayong araw ang kampanya…
Read MoreCAYETANO ‘DI IIMBESTIGAHAN NG KAMARA
(NI BERNARD TAGUINOD) WALANG plano ang Mababang Kapulungan ng Kongreso na imbestigahan si House Speaker Alan Peter Cayetano hinggil sa mga aberya sa Southeast Asian (SEA) Games. “Sa House kasi, unless we change Cayetano (bilang Speaker), you will always…siyempre speaker namin yan. Tutulungan namin yan di ba?,” pahayag ni Albay Rep. Joey Salceda,. “I don’t think an investigation will prosper in the House. Of course we will try to save our king. We will support our Speaker,” dagdag pa ni Salceda, chairman ng House committee on ways and means. Kung…
Read MoreBAGYONG TISOY PAPASOK SA BANSA KASABAY NG SEAGAMES –PAGASA
(NI ABBY MENDOZA) ISANG bagyo ang papasok sa bansa kasabay ng hosting ng bansa ng SEA Games, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa). Ayon sa Pagasa ang bagyo na may international name na Kammuri ay nasa labas pa ng bansa. Namataan ito sa layong 1,755 km sa Silangang Visayas, taglay ang lakas ng hangin na 85 kph, bugso na 105 kph at kumikilos sa bilis na 25kph. Sinabi ni Pagasa forecaster Raymond Ordinario na maaari pang madagdagan ang pwersa ng hangin na dala ng bagyo habang papalapit…
Read More2020 NATIONAL BUDGET, LUSOT NA SA SENADO
(NI DANG SAMSON-GARCIA) LUSOT na sa Senado ang panukalang P4.1 trillion 2020 national budget matapos ang dalawang linggong deliberasyon. Sa botong 22-0, inaprubahan na sa 2nd, 3rd and final reading ang panukalang Pambansang Budget kung saan bukod sa nakakulong na si Senador Leila de Lima ay hindi nakadalo sa sesyon si Senador Manny Pacquiao. Sa inaprubahang budget ng Senado, itinaas ang pondo para sa Department of Education partikular para sa scholarhip programs lalo na ang voucher program para sa Private Senior High School. Nagkaisa rin ang mga senador sa pagdaragdag…
Read MoreKINATAY NI DRILON NA P2.5 SA SEAG FUND INIUWI SA ILOILO — SOLON
(NI BERNARD TAGUINOD) IBINUNYAG ni Kabayan party-list Rep. Ron Salo sa interpelasyon ni 1SAGIP party-list Rep. Rodante Marcoleta na nailipit ni Senador Franklin Drilon sa Iloilo ang malaking bahagi ng tinanggal ng senador sa budget ng SEA games. Magugunita na P7.5 ang inirekomendang budget ng SEA Games subalit P5 Billion lamang ang naaprubahan matapos itong kuwestiyonin ni Drilon kaya nabawasan ng P2.5 Billion. “Sagot nyo kanina na yung nawala, yung halagang nawala sa budget na yun, parang lumitaw sa isang lugar…may binanggit kayo kanina, puwede pang ulitin nyo,” ani Marcoleta. “Inilipat…
Read MoreNAGPAPAKALAT NG FAKE NEWS VS SEA GAMES KAKASUHAN
(NI BERNARD TAGUINOD) IIMBESTIGAHAN ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang mga kumakalat na fake news hinggil pagho-host ng Pilipinas sa ika-30th Southeast Asian games upang kasuhan ang mga nasa likod nito. Sa kanyang interpelasyon kay Kabayan party-list Rep. Ron Salo na nagdeliber ng privilege speech para manawagan sa sambayanang Filipino na magkaisa imbes na magsiraan sa SEA Games, tinanong ni Anakalusugan Rep. Mike Defensor kung may criminal liability ang mga nagpapakalat ng fake news. “Ito ba ang paninirang ito, ano ba ang criminal liability nito. Is this not tantamount to libel…
Read More