BATANG ISIS SINASANAY SA LANAO

isis17

MGA bata umano ang nire-recruit ngayon ng terorista at sinasanay sa mga liblib na lugar sa Lanao del Sur, ayon kay 103rd  Brigadier Commander Col. Romeo Brawner. Ayon sa report, ang mga bata ay nire-recruit ng mga tauhan ni ISIS leader Abu Dar o Benito Marahomsar kapalit ng pera na hindi naman umano matanggihan ng pamilya. Nabatid pa na mga naulila at kamag-anak ng  namatay ang target ng grupo ng terorista na himukin upang umanib sa kanilang kilusan. Marami umanong mga bata ang naulila sa Marawi siege at ang karanasan…

Read More

PDEA NAKATUTOK SA LIKOD NG 77 BLOKE NG COCAINE

cocaine1

DIVERSIONARY tactic umano ng sindikato ng droga ang paglaglag ng bloke-blokeng cocaine sa dagat para lituhin ang awtoridad sa nakuhang kalahating bilyon ng cocaine na nakita sa mga dalampasigan ng Surigao del Norte at Dinagat Islads. Sinabi ni PDEA Director General Aaron Aquino na ang modus ng drug syndicate ay ihulong ang mga cocaine sa dagat upang huwag mapansin ang mas malaking shipment. “Inilalaglag nila ng mga sindikato intentionally, but here comes a bigger shipment of shabu sa ibang lugar para lahat ng focus ng law enforcement agencies and law…

Read More

EPAL BAWAL SA GRAD RITES

graduation 1

(NI HARVEY PEREZ) HINIMOK ng Commission on Elections (Comelec) ,ang  mga ahensiya ng gobyerno at mga pampublikong paaralan na huwag mag-imbita ng mga kandidato tatakbo sa nalalapit na mid term elections sa Mayo 13. Sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na sa kabila ng wala naman probisyon na nagbabawal sa mga kandidato na imbitahan para magsalita sa mga aktibidad at graduation, mas mainam na huwag na silang imbitahin para maiwasan na maakusahan na ang isang ahensiya o paaralan ng pagiging partisan. Kasabay nito, hinikayat ng Comelec at ng  Presidential Anti-Corruption…

Read More

‘TAHO GIRL’ SISIPAIN NA PALABAS NG PINAS

taho12

DIRINGGIN na ng Board of Commissioners ng Bureau of Immigration (BI) ang deportation case na isinampa laban sa Chinese national na nansaboy ng taho sa isang pulis na nakadestino sa MRT 3 Boni Station. Sinabi ni BI spokesperson Dana Sandoval, ipina-prayoridad umano nila ang kaso at nais nilang mapaalis agad sa bansa si Zhang Jiale, 23, isang fashion design student sa Makati. Una rito siniguro ng BI na dadaan sa tamang proseso ang deportation case laban sa Chinese national. Nakitaan umano ng kanilang legal team ng probable cause ang ginawa…

Read More

RORO CARGO FEE IBABABA

roro1

(NI ABBY MENDOZA) PINAG-AARALAN na ng technical working group (TWG) ng House Committee on Transportation kung paanong maibababa ang halaga ng pagbibiyahe ng mga kalakal sa pamamagitan ng Roll On-Roll Off (RO-RO) system. Sa meeting ng komite, naikumpara ng mga kongresista na mas mura ang direct shipping kaysa sa Ro-Ro sa pagbibiyahe ng produkto mula Mindanao hanggang Metro Manila sa kabila ng sinasabing ang Ro-Ro ang mas murang alternatibo sa shipping. Ayon kay TWG chair Manuel Zubiri  sa anim na providers, ang pinakamurang quotation ng pagbibiyahe ng kalakal mula Bukidnon…

Read More

MASS VACCINATION VS TIGDAS INUMPISAHAN

turok1

(NI KEVIN COLLANTES) SINIMULAN ng Philippine Red Cross (PRC), Sabado ng umaga, ang pagdaraos ng inilunsad na mass vaccination drive sa lungsod ng Maynila. Ayon kay PRC chair Senador Richard Gordon, sa Corazon Aquino Health Center isinagawa ang pagbabakuna sa mga batang anim na buwang gulang hanggang limang taong gulang lamang. Paliwanag ni Gordon, una silang nagsagawa nang pagbabakuna sa Maynila dahil ito ang itinuturing na hotspot ng outbreak. Plano rin aniya nilang gawin na ito ng regular upang makaagapay sa pagbabakuna, lalo na at malaki aniya ang immunization gap na…

Read More

KRITIKO SA IBANG BANSA INIMBITAHAN SA PINAS

pco

(NI LILIBETH JULIAN) HINAMON ni PCOO Secretary Martin Andanar ang mga kritiko ng administrasyon mula sa international community na bumisita sa Pilipinas para personal na saksihan ang tunay na kalagayan ng kalayaan sa pamamahayag sa bansa. Ito ang tugon ni Andanar sa pagbatikos ng ilang grupo at personalidad mula sa international community kaugnay sa kaso ng pag aresto ng National Bureau of Investigation (NBI) kay Rappler CEO Maria Ressa dahil sa kasong cyberlibel. Sinabi ni Andanar na mas mabuting personal  na saksihan ng mga kritiko kung paano ang pagtrato sa…

Read More

3 PAGSABOG SA MEDICAL MISSION NG PHIL ARMY

pa16

(NI JESSE KABEL) NIYANIG ng tatlong pagsabog ang medical mission na inilunsad Sabado ng umaga ng  11th Infantry Division ng Philippine Army sa Tanum Elementary School sa Patikul , Sulu. Bagama’t walang nasaktan ay nagkagulo naman at binalot ng sindak ang mga residente sa malapit sa pinagdarausan ng medical mission. Bunsod ng tatlong sunud-sunod na pagsabog ay nagtakbuhan ang mga nahintakutang residente  bago magtanghali habang ginaganap ang  medical mission, pahayag pa ng  Western Mindanao Command (Wesmincom). Ayon kay Wesmincom spokesperson Col. Gerry Besana tatlong 60 mm mortar rounds ang sumabog may…

Read More

NDRRMC, OCD TUTULONG KONTRA TIGDAS         

ndrmmc

(NI BETH JULIAN) TUTULONG na ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at ang Office of Civil Defense (OCD) sa kampanya kontra tigdas. Ayon kay NDRRMC spokesman Director Edgar Posadas, makikibahagi na rin ang kanilang mga tauhan sa information dissemination kaugnay ng immunization program ng pamahalaan. Inatasan na rin ang lahat ng kanilang regional offices na magplano kaugnay ng mga hakbang para mapigilan ang pagkalat ng sakit. Nilinaw ni Posadas na ang Department of Health (DOH) pa rin ang mangunguna sa pagbibigay ng bakuna laban sa tigdas. “Hindi…

Read More