US PAPAPEL SA $81-M BANK HEIST SA RCBC

rcbc1

(NI DAVE MEDINA) PUMAPEL ang US government  sa $81 milyon bank heist sa bank deposit ng Bangladesh sa New York Federal Reserve  sa New York USA makalipas ang halos apat na taon. Noong Biyernes ay kinasuhan ng US District Court ang Rizal Commercial Banking Corporation (RCBC) sa Manhattan kaugnay ng money laundering na nangyari sa pera ng  Bangladesh sa New York Federal Reserve  sa New York. Kasabay halos nito ay nagpahayag ng kahandaan ang US Federal Government na tumulong sa Bangladesh sa paghahabol sa RCBC sa nangyaring cyber heists. Sa kanilang pahayag,…

Read More

LUNGGA NG BIFF MULING BINOMBA

air

MULING naglunsad ng air strike ang militar laban sa pro-Islamic State (IS) rebels sa Maguindanao kasunod na kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na pulbusin ang mga kuta at ubusin ang mga teroristang nanggugulo sa Mindanao. Tinarget ang kuta ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa liblib na lugar sa Sutan sa Barongis town kung saan ayon kay Major Arvin Encinas, spokesperson ng 6th Division ng Army ay naghulog ang dalawang OV-10 planes ng walong tig-250 pounds na bomba. Kinumpirma ito ng mga residente sa kalapit na Pigcauayn town sa North…

Read More

NO-EL SCENARIO NG CBCP KINONTRA NG PALASYO

noel

MALABO umanong mangyari ang hinala ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na ‘no election (no-el)’ scenario. Ito dahil umano sa hindi pa napagkakasunduan bersiyon ng pederalismo sa Kamara na posibleng mauwi sa hindi pagkakaroon ng eleksiyon sa susunod na termino. Gayon man, nilinaw ni Presidential spokesperson Salvador Panelo na walang nakikitang ugnayan sa estado ng pederalismo sa Kongreso sa pangamba ng CBCP kaugnay sa mid-term elections. Nauna nang nagsalita si Pangulong Rodrigo Duterte kasabay ng pagtiyak na magiging malinis, maayos ang kapani-paniwala ang darating na halalan. Tapos na…

Read More

DENGUE HOTSPOTS SA BUTUAN, 20 BGY APEKTADO

dengue1

NASA 20 barangay na sa Butuan City ang idineklarang dengue hotspots base na rin sa inspeksiyon na ginawa ng Deparment of Health (DoH)-Caraga. Kasama ang mga local officials, idineklarang dengue hotspots ang Barangay  Bading, Libertad, San Vicente, Villa Kananga, Ambago, Mahogany, Obrero, JP Rizal, Limaha, Bonbon, Golden Ribbon, Tandang Sora, Baan Riverside, Agusan Pequeño, Maug, Taguibo, Buhangin, Baan Km. 3, Ampayon at Doongan. Ayon kay Butuan City Councilor Cherry Mae Busa, chair ng Committee on Health ng Sangguniang Panlungsod, ang deklarasyon ay kasunod ng patuloy na pagdami ng mga kaso…

Read More

P224-M KICKBACK SA MARAWI FOOD PACKS NAKALKAL

bakwit

(NI JEDI REYES) NAHAHARAP ngayon sa mga reklamong kriminal ang limang opisyal ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) gayundin ang isang mambabatas dahil sa umano’y overpriced na family food packs para sa mga bakwit ng giyera sa Marawi City. Batay sa inihaing complaint sa Office of the Ombudsman, itinaas umano ang presyuhan sa P515 kada family food pack gayung aabot lang sa P318 ang halaga nito sa merkado. Kabilang sa mga sinampahan ay sina DSWD-SOCCSKSARGEN Director Bai Zorahayda Taha, DSWD-SOCCSKSARGEN accountant Rohaifa Calandaba at tatlong iba pa na…

Read More

MGA ‘EX’ NI BELTRAN INIMBITAHAN NG PULISYA

beng200

(NI Luisa Leigh Niez/PHOTO BY JHAY JALBUNA) HINIHINTAY pa rin hanggang ngayon ng mga imbistigador ng  “ Task Force Beltran “  ang isang tomboy na sinasabing dati umanong naka relasyon ng napatay na barangay chair at tumatakbong kongresista ng ika 2 Distrito ng lunsod Quezon. Ayon  kay Chief  Inspector  Elmer  Monsalve, hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng  Quezon City Police District (QCPD) ,  lahat ng nakakakilala kay barangay chair Crissel Beltran, 48, ay ikokonsiderang  ‘person of interests’ at  kabilang na dito  ang  apat na  naka-relasyon ng kapitana.…

Read More

BIYUDA NI BATOCABE TATAKBONG MAYOR

gertie

NAGING panatag ang loob ng pamilya Batocabe matapos tiyakin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaligtasan ni Gertie Batocabe, biyuda ng pinaslang na kongresista, na tatakbong alkalde sa Daraga, Albay. “Lumakas po ang loob dahil tiniyak ng ating Pangulo ang seguridad at kapwa Darageno. Ipagpapatuloy po ang laban ng aking ama,” sabi ni Justin. Matapos mapaslang si Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe, hindi naglabas ng anuman ang pamilya kung sino ang tatakbo at magpapatuloy sa inumpisahang krusada ng kongresista. Subalit ngayong mismong ang Pangulo ang nagtiyak ng kanyang kaligtasan, handa na…

Read More

HARRY BALIK-PALASYO? ‘DEPENDE SA PANGULO’

harry500

(NI BETH JULIAN) HINDI iniaalis ni dating presdiential spokesperson Atty. Harry Rogue ang posibilidad na bumalik ito sa gobyerno kasunod ng pag atras sa kandidatura bilang senador sa May 2019 elections. Biyernes ng hapon ay tinanggap na ng Commission on Elections (Comelec) ang certificate of withdrawal ni Roque bilang senador sa ilalim ng PDP- Laban na pinamumunuan ni Pangulomg Rodrigo Duterte. Ayon kay Roque, hindi naman imposible na bumalik ito sa panunungkulan sa gobyerno pero kailangan munang unahin nito ang pangangailangan ng kanyang kalusugan. “Pangalawang buhay ko kasi ito, kaya…

Read More

TAMBAYAN NG MGA PULITIKO; CEBU CASINO NI-RAID

poker

(NI JG TUMBADO) MATAPOS ang ilang linggong surveillance ay tuluyang nilansag ng pulisya ang dalawang umanoy mini-casino na ilegal na pinapatakbo sa Cebu kung saan karamihan sa mga parokyano nito ay mga prominente at kilalang pulitiko sa lugar. Naaktuhan pang naglalaro ng malakasang pusta ng sugal na ‘poker games’ ang nasa 23 indibidwal na naka puwesto sa malalaking gambling table na kahalintulad sa mga kilalang malalaking casino. Dalawang gambling den ang tinarget ng mga operatiba ng Cebu City Police Office sa pangunguna ni Police Chief Inspector Chuck Barandog, hepe ng…

Read More