REP. FLOIRENDO BALIK NA SA CA

tony200

(NI BERNARD TAGUINOD) BALIK sa makapangyarihang Commission on Appointment (CA) si Davao del Norte Rep.  Antonio R. Floirendo, Jr, makalipas ang mahigit isang taon. Pinanumpa ni CA Chairman at Senate President Vicente “Tito” Sotto III si Floirendo sa isang simpleng seremonya sa Senado Miyerkoles, Enero 30, 2019, bilang Assistang Majority Leader ng komisyon. Nawala ang posisyon ni Floirendo sa CA noong Mayo 2017 sa gitna ng kanilang hidwaan ng kanyang dating kaibigan at dating House Speaker Pantaleon Alvarez. Tinanggalan din ng membership si Floirendo sa PDP-Laban party kung saan tumatayong…

Read More

PUBLIKO PINAG-IINGAT SA ONLINE FAKE JOBS

job

(NI ROSE PULGAR) INALERTO  kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pinoy na mag ingat sa mga nag aalok ng trabaho sa pamamagitan ng social media upang hindi magaya sa isang Pinay na ikinulong ng kanyang employer hanggang sa tumalon at tumakas sa Dubai. Hinihimok kahapon ng DFA ang mga Pinoy na naghahanap ng trabaho na alamin muna sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) at Philippine Overseas Labor Office (POLO) kung may katotohanan ang alok na trabaho sa ibang bansa. Ang paalala ng DFA ay bunsod  sa nangyari sa isang 27- anyos na Pinay, na pumatol sa…

Read More

IKALAWANG BOL PLEBISCITE TULOY SA PEBRERO  6

bol500

(NI JG TUMBADO) WALANG nakikitang dahilan si Defense Secretary Delfin Lorenzana para irekomenda ang suspensyon ng ikalawang plebesito para sa Bangsamoro Organic Law (BOL) sa Pebrero 6. Diin ng kalihim, malayo sa pinangyarihan ng terorismo ang pagdarausan ng plebesito at wala silang inaasahan na mayruong mananabotahe o kaguluhan sa nasabing aktibidad. Ikinasa nang idaos ang plebesito sa Lanao del Norte, maliban sa Iligan City; mga munisipalidad ng Aleosan, Carmen, Kabacan, Midsayap, Pikit at Pigkawayan sa North Cotabato at sa 28 barangay. “Mukhang wala namang nakikitang kaguluhan diyan, in connection with…

Read More

P3M REWARD SA IMPORMASYON SA PAGPASLANG SA KAPITANA

bengbeng600

(NI ABBY MENDOZA) AGAD nag-alok ng P3M reward ang lungsod ng Quezon City sa sinumang makapagbibigay impormasyon sa insidente. Ayon kay QC Acting Mayor Joy Belmonte inatasan na nya si QC District Director Joselito Esquivel na pangunahan ang imbestigasyon at bilisan ang pagresolba sa kaso. Huwebes ng umaga ay magpapatawag din ng Special Session si Belmonte kaugnay sa nangyari kay Beltran. “I assure the public that we will carefully explore all the motives of the case. This heinous crime has absolutely no place in Quezon City. In fact this is…

Read More

KAPITANA SA QC INAMBUS, PATAY

BELTRAN by EDD CASTRO

(Ni FRANCIS ATALIA / PHOTO by EDD CASTRO) PATAY ang isang babae na tumatakbong kongresista sa 2nd district ng Quezon City matapos pagbabarilin ng apat na suspek sakay ng dalawang motorsiklo. Idineklarang dead on arrival sa FEU Hospital ang biktimang si Crisell “Bheng” Beltran, kapitan ng barangay sa Bagong Silangan sa nabanggit na lungsod. Sa inisyal na ulat, nilapitan ng riding-in-tandem ang Ford Everest ni Beltran na may plakang NDO 612 at saka pinagbabaril sa JP Rizal St.  Patay rin ang driver ni Beltran na si Melchor Salita. Apat naman ang…

Read More

CAVITE MEDICAL CENTER ER SARADO DAHIL SA ‘MENINGO’

nurse

(NI ROSS CORTEZ) SARADO mula pa Miyerkoles ng tanghali ang emergency room ng Cavite Medical Center sa Cavite City sanhi umano ng pagkamatay ng batang lalaki na tinamaan ng sakit na meningococcemia matapos itong maisugod doon Martes ng hapon. Tumangging magbigay ng pahayag ang pamunuan ng ospital dahil magpupulong pa raw ang mga miyembro ng Board of Directors bago maglabas ng opisyal na pahayag sa pangyayari Tikom rin ang bibig ng mga staff at employee sa loob ng ospital dahil hindi raw sila otorisadong magbigay ng pahayag kaugnay rito, lalo’t…

Read More

PEKENG INSECTICIDE KINUMPISKA

bfad

(NI DAVE MEDINA) DAHIL walang permit mula sa Food and  Drugs Administration (FDA), sinakote ng inspection team ng  Bureau of Customs (BOC) ang bodega/pabrika ng isang fake insecticide  manufacturer sa Block 12, Lots 1-A at 1-B sa Global Aseana Business Park, San Simon, Pampanga. Ayon sa BOC, nabigo ang mga manggagawa na magprisinta ng Certificate of Payment (CP) para sa mga imported na makina at mga raw materials, business permit at permit to operate, para gumawa ng mga pesticides na may pangalang BAOLLIAI. Ang “BAOLILAI”, na isang household insecticide ay…

Read More

21 ASPIRANTE SA INIWANG UPUAN NI BERSAMIN

ca

(NI TERESA TAVARES) DALAWAMPU’T ISANG aspirante ang magpapaligsahan para makuha ang nag-iisang puwesto sa Korte Suprema na nabakante ni Chief Justice Lucas Bersamin. Ayon kay Judicial and Bar Council (JBC) Ex Officio member at Justice Secretary Menardo Guevarra, isasagawa ng JBC ang unang deliberasyon sa listahan ng mga aplikante bukas (Enero 31). Kabilang sa mga aspirante ay sina Court Administrator Jose Midas Marquez at Bureau of Internal Revenue (BIR) Deputy Commissioner Lanee Cui-David. Nag-aplay din sa naturang posisyon sina Court of Appeals (CA) Justices Nina Antonio-Valenzuela, Ramon Bato, Jr., Apolinario Bruselas, Jr.,…

Read More

BACLARAN CHURCH BANTAY-SARADO

BANTAY-SARADO by RAFAEL TABOY

(PHOTO BY RAFAEL TABOY) NAGDAGDAG ng mga pulis sa paligid ng Baclaran Church sa Paranaque City matapos ang madugong pagsabog sa simbahan sa Jolo, Sulu at mosque sa Zamboanga. Naging mahigpit ang seguridad at maging ang mga security guards ay iniinspeksiyon na rin ang mga bag ng mga nagsisimba, ayon kay Senior Insp. Joseph Dionaldo, supervisor ng operasyon “Oplan Buhos sa Baclaran”. Nag-iikot ang bomb squad, Special Weapons and Tactics (SWAT) team, at K-9 units bilang bahagi ng karagdagang deployment sa paligid ng simbahan. Daang deboto ang inaasahang daragsa sa…

Read More