TUMATAKBONG KONSEHAL PATAY SA DRUG BUST

crime200

ISANG umano’y big-time pusher na tumatakbong konsehal ang napatay sa drug buy-bust sa Pilar, Sorsogon, Miyerkoles ng gabi. Si Roy Lumbao, dating barangay chair ay napatay sa buy-bust operation sa barangay Binauahan, ayon kay acting regional director ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Christian Frivaldo. Nagbenta umano si Lumbao ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P18,000 sa isang undercover PDEA operative bandang alas-8:30 ng gabi. Nang matunugan na operasyon ang nagaganap, agad binunot ni Lumbao ang kanyang .45 caliber sa kanyang baywang kaya’t inunahan na siya ng mga pulis. Si…

Read More

ZOREN FEELING BINATA PA RIN KAY MINA

zoren200

(NI ROMMEL GONZALES) DALAWAMPUNG taon na ang relasyon nina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel. Tinanong namin si Zoren kung ano ang sekreto at tumatagal ang kanilang pagmamahalan… “Dapat kasi marunong…both parties ha… ‘yung give and take. “At saka kanya-kanyang department ba. Kunwari department ng lalake ‘to, hayaan mong ‘yung lalake ang mag-decide, pag department ng babae, hayaan mong mag-decide ‘yung babae. Tapos kailangan meron talagang understanding, kasi ako pakiramdam ko binata pa din ako e, kaya hindi ako nahihirapan.” Hindi siya nasasakal? “Oo, pakiramdam ko binata ako dahil hindi ko…

Read More

JOLO BLAST ‘SUSPECTS’ PINALAYA NA

poi

NILINIS ng militar at ni Mayor Kherkar Tan ang pangalan ng grupo ng mga lalaking unang sinabing ‘persons of interest’ sa twin blasts sa Jolo cathedral nang lumutang at patunayang walang kinalaman sa pagsabog. Ang mga ito ay nahagip ng CCTV na umano’y kahina-hinala ang pagkilos malapit sa pinagsabugan. Pawang mga estudyante habang ang isa ay teacher, ayon pa kay Tan. Sinabi rin ni Col. Gerry Besana, public affairs officer ng Western Mindanao Command na ang apat na lalaki ay sumuko sa Sulu Provincial Police Office dahil sa takot sa…

Read More

P500K REWARD KAY ‘KAMAH’

jolo200

ISANG non-government organization ang nag-alok umano ng P500,000 pabuya sa pagkakadakip sa isang alyas ‘Kamah’ na sinasabing nasa likod ng dalawang pagsabog sa Jolo noong Linggo. Kinumpirma ni Wesmiscom spokesperson Col. Gerry Basana na malaking tulong ang pabuyang ibibigay ng isang non-government organization sa ikabibilis sa paglutas ng kaso. Puspusan pa rin ang pagtugis kay ‘Kamah’ umano’y kapatid ng napaslang na Abu Sayyaf leader. Patuloy ang opensiba ng military sa mga lugar na posibleng pinagkukutaan ni ‘Kamah’. Inaalam din ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang report na Yemeni couple ang…

Read More

DAGDAG 1K SA GSIS PENSIONER, PWD

gsis

MAGANDANG balita sa mga pensiyonado at people with disabilities (PWDs) ng Government Service Insurance System (GSIS). Magkakaroon ng dagdag na P1,000 ang pensiyong matatanggap ng mga retirado at persons with disability, ayon sa pangulo ng ahensiya. Ayon kay GSIS President Jesus Clint Aranas, target nilang mailabas sa susunod na buwan hanggang Marso ang resolusyong magtataas sa minimum basic pension sa P6,000 mula P5,000. “As long as it does not affect our fund life, increase kami so we already passed a resolution increasing it, mararamdaman na ng mga pensioner namin,” sabi…

Read More

RICHARD GUTIERREZ LUSOT SA P38-M TAX EVASION CASE

richard200

NALUSUTAN ng aktor na si Richard Gutierrez ang tax evasion case matapos ibasura ng Department of Justice (DOJ) ang mga kasong isinampa ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na may kinalaman sa P38.5 milyon hindi pagbayad ng tamang buwis. Sa dalawang magkahiwalay na resolusyon na pinirmahan ni ni Assistant State Prosecutor Christine Perolino, inabsuwelto ng DoJ si Gutierrez at ibinasura naman ang reklamong isinampa ng BIR. Unang sinabi ng BIR na nagsumite umano ang aktor ng mga pekeng dokumento at hindi ito nagbayad ng tamang buwis. Gayunman, nabatid na hindi…

Read More

UNLI 20% FARE DISCOUNT SA MGA ESTUDYANTE

jeep

(NI BERNARD TAGUINOD) PASADO na sa ikalawang pagbasa sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas na magbibigay ng discount sa mga estudyante kahit walang pasok sa lahat ng uri ng transportasyon.Sa pamamagitan ng viva voce voting, lumusot ang House Bill 8885 sa ikalawang pagbasa at inaasahang isasalang sa ikatlo at huling pagbasa sa susunod na linggo. Base sa nasabing panukala, kailangang magbigay ng 20% ang lahat ng uri ng transportasyon sa bansa sa mga estudyante kahit sa panahong walang pasok o sa mga weekends at maging sa holidays.Sa ngayon…

Read More

OPISYAL SA DBM P198-B BIDDING KAKASUHAN  

dbm

 KAKASUHAN ang nag-utos sa mga contractual employees ng Department of Budget and Management-Procurement Service (DBM-PS) na ipabidding ang may P198 bilyon halaga ng proyekto ng gobyerno na bahagi ng build-build-build program. Ito ang tiniyak ni House appropriation committee chairman Rolando Andaya Jr., matapos irekomenda ni Leyte ni Rep. Vicente Veloso na pag-aralan na ang pagsasampa ng kaso laban sa mga nag-utos sa mga empleyado ng DBM-PS. “Acting on Rep. Veloso’s motion, I already tasked our legal team to include such recommendation in the committee report to be released after the termination of…

Read More

SENADO DUDA PA RIN SA MISLATEL

telecom

(Ni NOEL ABUEL) INAMIN ni Senador Grace Poe na maraming senador ang nagdadalawang-isip na aprubahan ang prangkisa ng kumpanyang Mislatel para maging ikatlong telecommunications player sa bansa. Tinukoy ng senadora ang pagkakasangkot ng bansang China sa nasabing usapin dahilan upang mangamba ang mga kasamahan nito na bigyan ng pagkakataon na magmay-ari ang isang dayuhan ng isang mahalagang serbisyo sa bansa. Sa ikaapat at huling pagdinig ng Senate committee on public services, hindi malayong makuha ng China ang kontrol sa Mislatel, na binubuo ni Dennis Uy ng  Udenna Corporation at Beijing-led…

Read More