DOH NAGBABALA SA MALAMIG NA PANAHON

foggy

BAGUIO CITY – Pinayuhan ng Department of Health (DoH) sa Cordillera ang mga residnete na manatiling malusog sa harap ng patuloy na pagbaba ng temperature sa lugar. Miyerkoles ng umaga, sinabi ng weather bureau Pagasa na pumalo na sa 9.2 degrees Celsius ang termperatura, itinuturing na pinakamababang naitalaga ngayong taon. Gayunman, sa mga mas malalamig na lugar tulad ng Mount Sto. Tomas sa Tuba, Benguet. Ang lugar na kilala bilang Sitio La Presa, umabot sa 6.2 degrees Celsius ang lamig. Nagrereklamo na sa ubo at lagnat ang mga residente dahil…

Read More

‘GIYERA’ VS SAYYAF UMPISA NA

war

PINALIPAD ang attack helicopters sa Sulu para sa iniutos na ‘all-out-war’ ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa Abu Sayyaf na itinuturong nasa likod ng malagim na pagsabog sa Mt. Carmel Cathedral sa Jolo, Sulu noong Linggo ng umaga. Isinagawa ang air strike sa liblib na Patikul town at hinihintay ng awtoridad ang feedback mula sa tropa, ayon kay Col. Gerry Besana, spokesperson ng Western Mindanao Command. Sa panayam, sinabi ni Besana na ito na umano ang all-out-war laban sa teroristang grupo at ang kautusan ng Pangulo na pulbusin ang Abu…

Read More

NDFP PEACE CONSULTANT BINARIL SA BUS

randya

BINARIL at napatay sa loob ng bus ang National Democratic Front of the Philippines (NDFP) peace consultant na si Randy Felix P. Malayao, sa Aritao, Nueva Vizcaya, madaling araw ng Miyerkules. Ayon sa report, nasa biyahe  si Malayao nang umakyat ang gunman sa bus bandang alas-2:30 ng madaling araw, nilapitan ang natutulog na biktima at pinagbabaril. Namatay noon din si Malayao. Bago kanselahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang peace talks sa NDFP, dumalo si Malayao sa formal peace negotiations sa Europe bilang consultant ng Cagayan Valley, Nagsilbi rin siyang spokesperson…

Read More

BAHAY NG JOLO BOMBING SUSPECT NI-RAID, 1 PATAY

patikul

SINALAKAY ng awtoridad ang bahay ng sinasabing isa sa mga nambomba ng Jolo Cathedral na si ‘Kamah’ subalit wala umano ito roon. Gayunman, isang lalaking nagpakilalang kaanak ng suspect ang nadatnan na kinilalang si Ommal Yusop, 62, na nanlaban umano habang tinatanong ng awtoridad. Binaril at napatay si Yusop. Ang raid ay isinagawa matapos makatanggap ng report na nakita si Kamah sa kanyang bahay sa Kalimayan Village, Barangay Latih, Patikul, Sulu. Nakatakas din ang hindi pa kilalang suspect nang isagawa ang pagsalakay. Nabawi sa bahay ni Kamah hang isang .45…

Read More

“RAPIST’ NG PINAY SA SAUDI ARESTADO

rape200

NASA pulisya na umano ang sinasabing nan-rape sa Pinay worker sa Saudi Arabia base sa kahilingan ng Philippine Consulate General in Jeddah, ayon sa  Department of Foreign Affairs (DFA). Ang suspect na kumakatawan sa recruitment agency ng biktima ay inakusahan ng rape ng Pinay. Ayon kay Consul General Edgar Badajos, sinundo umano ang biktima sa Consulate shelter matapos umanong tiyakin sa Philippine Overseas Labor Office (POLO) na maililipat sa ibang employer ang biktima. Gayunman, sa halip na dalhin sa bagong amo, dinala umano ang biktima sa hotel at doon ay…

Read More

SEGURIDAD HINIGPITAN SA MOSQUE BLAST

muslim

NAGHIGPIT na rin ng seguridad sa Zamboanga City matapos pasabugin ang mosque na ikinamatay ng dalawa katao at ikinasugat ng apat na iba pa Miyerkules lagpas ng hatinggabi. Sinabi ni Zamboanga Peninsula Regional Police Director C/Supt. Emmanuel Luis Licup na binato ng granada ang mosque habang natutulog ang mga biktima sa loob. Nakatakda sanang magturo ng islam ang mga preacher sa mga batang Muslim sa Barangay Talon-Talon, Zamboanga City. Ang pagsabog ay naganap tatlong araw matapos ang malagim na pagsabog sa Mt. Carmel Cathedral sa Jolo, Sulu noong Linggo ng…

Read More

P40-B PONDO NG MANILA BAY REHAB MASASAYANG KUNG…

manila bay

(NI BERNARD TAGUINOD) NAIS ipadeklara ng mga  mambabatas sa Kamara sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na reclamation-free zone ang Manila Bay upang hindi magsayang ng pera ang tax payers sa isinasagawang rehabilitation. Isa ito sa nilalaman ng  ihinaing House Resolution(HR) 2452 ng mga progresibong mambabatas sa Kamara sa pangunguna ni Anakpawis party-list Rep. Ariel Casilao kahapon sa Kamara. Ayon kay Casilao, walang silbi ang ang Manila Bay Rehabilitation na tinguriang “Battle of Manila Bay” kung sa bandang huli ay papayagan ang reclamation activities sa nasabing karagatan. Base…

Read More

BIR KAPOS NG P82-B SA TAX COLLECTION

bir1

(NI BERNARD TAGUINOD) PINAGALITAN ng chairman ng House committee on ways and means ang kinatawan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa pagdinig Martes ng hapon nang malaman na kinapos ang mga ito sa koleksyon sa buwis noong nakaraang taon kung saan nabigo ang mga ito na makolekta ang target sa excise tax sa langis sa ilalim ng Tax Reform Acceleration and Inclusion Law. Sa report ni BIR Assistant Commissioner for Collection Services Alfredo Misajon sa pagdinig na pinamumunuan ni Nueva Ecija Rep. Estrelita Suansing, sinabi nito na P1.961 trilyon lang ang…

Read More

MEDICAL CANNABIS BILL LUSOT NA SA KAMARA

cannabis

(NI ABBY MENDOZA) LUSOT na sa huli at ikatlong pagbasa sa Kamara ang House Bill 6517 o panukalang pagregulate at gawing legal ang paggamit ng marijuana bilang gamot. Ang naging botohan ng mga mambabatas ay 163 ang pabor 5 ang hindi pabor at  3 na abstention. Sa oras na maging ganap na batas ay nakapaloob sa panukala ang pagtatatag ng Medical Cannabis Compassionate Centers (MCCC) na lisensyado ng Department of Health(DoH) na syang tanging awtorisado na magbenta, magsupply at magdispense ng cannabis sa mga kuwalipikadong pasyente sa pamamagitan ng S3-licensed…

Read More