(NI ROSE PULGAR) MALUPIT ang sinapit ng isang Pinay domestic helper matapos umano itong limang beses halayin ng isang Arabo na isang kinatawan ng isang recruitment agency na nag-deploy sa kanya sa Saudi Arabia. Pansamantalang hindi muna binanggit ang pangalang ng biktima na limang araw pa lang nagtatrabaho bilang kasambahay nang tumakas sa kanyang amo. Nadakip naman ng mga awtoridad ang suspect na isang Arabo matapos itong bolahin ng biktima na sumaglit muna sila sa tanggapan ng Philippine Consulate. Base sa salaysay ng biktima, nakatakda sana siyang ihatid ng recruitment agency sa Riyadh para ilipat…
Read MoreAuthor: Jet
ARREST WARRANT VS TRILLANES HINILING SA CA
(NI TERESA TAVARES) HINILING ng Office of the Solicitor General (OSG) sa Court Appeals (CA) na magpalabas ng warrant of arrest laban kay Senador Antonio Trillanes IV sa kasong coup d’etat kaugnay sa 2003 Oakwood mutiny. Sa petisyon nito, inihirit ng OSG sa appellate court na ipawalang-bisa ang mga naging kautusan ni Makati RTC Judge Andres Soriano na nagbasura sa mosyon ng Department of Justice (DOJ) na mag-isyu ng arrest order. Ayon sa OSG, nagkaroon ng grave abuse of discretion sa bahagi ni Soriano nang hindi ipaaresto si Trillanes. Umapela rin ang…
Read MoreBI NAGHIGPIT SA AIRPORT, PANTALAN
(NI TERESA TAVARES) ISINAILALIM na ng Bureau of Immigration (BI) sa heightened alert ang mga tauhan nito sa lahat ng mga international airports at seaports sa bansa bunsod ng magkasunod na pagsabog sa Jolo, Sulu. Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, layon nito na maiwasan ang pagpasok sa bansa ng mga dayuhang terorista kasunod ng Jolo bomb attack. Inatasan ng opisyal ang lahat ng immigration officers na doblehin ang pagbabantay at screening sa mga banyagang dumarating sa bansa. Mahigpit ang bilin sa mga BI officers na huwag papasukin sa bansa…
Read More‘SPIDERMAN’ UMAKYAT SA BUILDING, INARESTO
(NI DAVE MEDINA) BINALOT ng tensyon ang paligid ng Ayala Avenue sa Makati City Martes ng magtatanghali dahil sa pag-akyat sa gilid ng isang 45 palapag na gusali ng isang tao na inakalang magpapakamatay. Kinabahan, natakot, at naawa ang maraming taong nasa paligid lamang ng 45-storey GT Tower sa pag-akyat ng lalaki sa naturang gusali. Inakala ng mga nagtatrabaho sa lugar na isa iyong insidente ng suicide o magtatangkang tumalon sa gusali ang lalaki. Gayunman, nang lumabas sa social media ang video footage na kuha ng mga nagtatrabaho malapit sa GT…
Read MoreSAYYAF ‘BOMBER’ PATAY SA ZAMBO
(NI AL JACINTO) ZAMBOANGA CITY – Napatay ng mga police commandos ang isang hinihinalang Abu Sayyaf bomber matapos itong makipaglaban sa Zamboanga City. Sinabi kahapon ng pulisya na natunton ng mga commando si Admar Asilon, na miyembro umano ng Abu Sayyaf’s urban terrorist group sa ilalim ni Marzan Ajijul. Sa halip na sumuko ay nakipag-barilan ito habang tumatakas sa Barangay San Jose bago maghating-gabi nitong Lunes.Nasukol ang 35-anyos na Abu Sayyaf sa isang gusali kung saan ito napaslang. Ayon sa pulisya, si Asilon ay miyembro rin ng isang gun-for-hire syndicate sa Zamboanga City…
Read MoreDILG: ARMED FORCES NALUSUTAN SA JOLO BOMBING
(NI LUISA LEIGH NIEZ) KAPABAYAAN umano security ang itinuturong dahilan sa naganap na magkasunod na pambobomba sa Mt. Carmel Cathedral sa Jolo, Sulo kung saan ay umabot na sa 21 ang namatay. Ito ang pag-amin ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año , isang araw matapos ang magkasunod na pagsabog sa pinakamalaking Catholic church sa Sulu kung saan umabot na sa 21 katao ang namatay at ikinasugat ng 91 katao. Ayon pa rin sa kalihim, nalusutan umano ng mga terorista ang inilagay na securirty measures ng Armed Forces sa nasabing cathedral. “Hindi pa natin nabubuo yung buong picture. Ang masasabi lang natin sa ngayon ay nakalusot yung dalawang bomba sa…
Read MoreP25K CASH GIFT SA 85-ANYOS ‘DI TINUTULAN SA KAMARA
(NI BERNARD TAGUINOD) INAPRUBAHAN sa committee level sa Maabang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang simulan ang cash gift sa mga 85-anyos na mga Filipino at magpapatuloy ito hanggang sa makaabot ang mga ito sa 100 anyos. Walang tumutol nang isalang sa House committee on senior citizens ang substitute bill na nag-aamyenda sa Republic Act (RA) 10868 o mas kilala sa Centenarians Act of 2016 na naglalayong hindi lang ang mga 100 anyos ang makakatanggap ng cash gift. Base sa inaprubahang panukala, makakatanggap ng P25,000 na cash gift ng mga Filipino pagtuntong ng…
Read MoreP30K SAHOD SA BGY CHAIR IPINANUKALA
(NI BERNARD TAGUINOD) KUNG maipapasa ang panukalang batas na ito, magkakaroon na ng regular na sahod ang lahat ng mga barangay officials sa bansa kung saan ang isang barangay captain ay tatanggap ng hindi bababa sa P30,000 kada buwan na suweldo. Sa ilalim ng House Bill (HB) 6033 na inakda ni Kabayan party-list Rep. Ron Salo, ipapako sa Salary Grade (SG) 15 ang sahod ng mga barangay officials na may katumbas na P30,531. Tatanggap naman ng P22,938 na may katumbas ng SG 12 ang lahat ng mga barangay council habang…
Read MoreJOLO ‘BOMBERS’ NAHAGIP NG CCTV
COTABATO CITY – NAGLABAS ang Philippine Army ng mga litrato ng tatlo sa apat na kalalakihan na umano’y suspect sa pagbomba sa Jolo Cathedral noong Linggo ng umaga. Ang mga kabataang lalaki ay nahagip ng CCTV sa lugar. Sinabi ni Lt. Col. Gerry Besana, ng Western Mindanao Command na ang apat na teenager ay pumasok sa simbahan at isa-isa umanong lumabas bago magsimula ang misa bandang alas-8 ng umaga. Ilang minuto ang nakalipas, dalawang pagsabog na ang narinig. Ang naka blue green hooded jacket ay kinilalang si ‘Khama’, umanong kapatid…
Read More