MAGPAPATULOY ang malamig na umaga at gabi sa Metro Manila at sa iba pang panig ng bansa, ayon sa weather bureau. Nangingibabaw ang northeast monsoon o hanging amihan sa buong bansa, dagdag pa ni Jomaila Garrido ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa). Ang Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Caraga, Davao Region at lalawigan ng Aurora at Quezon ay magkakaroon ng maulap na papawirin at kaunting pag-ulan. Katamtamang lagay ng panahon ang mamamayani sa Metro Manila. 472
Read MoreAuthor: Jet
CRIMINAL LIABILITY NG 12-ANYOS APRUB NA
(NI BERNARD TAGUINOD) APRUB sa 144 Congressmen ang panukalang batas na ibaba sa 12 anyos ang Minimum Age of Criminal Responsibility (MACR). Sa nominal voting para sa ikatlo at huling pagbasa sa House Bill 8858 na nag-aamyenda sa Republic Act (RA) 9344 o Juvenile Justice and Welfare Act of 2006 kahapon, 144 ang pumabor dito habang 34 lamang ang kumontra. Naghihintay na lamang ang Kamara ng counter-bill na ipapasa ng Senado para magharap ang mga ito sa Bicameral conference committee bago ratipikahan at pirmahan ng Pangulo para maging batas. Isinalang…
Read MoreLANDMINE DI KONEKTADO SA JOLO BOMBING
AGAD naglabas ng pahayag ang Philippine National Police (PNP) na walang kinalaman ang pagsabog na naganap sa North Cotabato sa malagim na pagsabog sa katedral ng Jolo noong Linggo ng umaga. Patay ang isang pulis habang sugatan ang pitong iba pa nang sumabog ang hinihinalang anti-personnel mine sa Barangay Poblacion, Magpet, North Cotabato bandang alas-6 ng gabi. Sinasabi na itinanim ang bomba ng mga rebeldeng New People’s Army at sumabog habang nasa checkpoint ang namatay na si PO1 Christopher Anadon. Naganap ang pagsabog matapos makipagsagupa ang 19th Infantry Battalion sa…
Read MoreJOLO BOMBING AFTERMATH
818
Read MoreUTOL NG SAYYAF LEADER SUSPECT SA JOLO BOMBING
(NI JG TUMBADO) SI alyas “Kamah”, kapatid ng napaslang na Abu Sayyaf sub leader Surakah Ingog, ang isa sa dalawang lalaking ‘point of interest’ na natukoy sa pagpapasabog sa Marian Cathedral of Our Lady of Mt. Carmel sa Jolo, Sulu na ikinasawi ng nasa 20 at ikinasugat ng mahigit isandaang indibidwal. Ito ang ipinahayag sa press briefing kahapon ni Philippine National Police chief Dir. Gen. Oscar Albayalde, na si alyas “Kamah” ang siyang nakita sa CCTC footage habang nasa bahagi ng cathedral. Sinabi ni Albayalde na nakita sa CCTV si…
Read More15-ANYOS CHILD WARRIOR NG BIFF SUMUKO
(NI BONG PAULO) SUMUKO sa militar ang isang batang mandirigma na dati umanong miembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF. Ang kinse anyos na BIFF child warrior na kinilala lamang sa alyas na ‘Tiger’ ay dati umanong tauhan ni Kumander Mayo Gantong Bansil. Sumuko ang bata sa Army’s 33rd Infantry Battalion na pinamumunuan ni Lt. Col. Harold Cabunoc. Ayon sa batang si Tiger, napapagod na siya sa umano ay walang kabuluhang pakikipaglaban at pagtatago. Aniya, nais niyang magbagong buhay, makapag-aral at makasama ang pamilya sa tulong ng pamahalaan. Kasabay…
Read MoreTRAVEL TAX-FREE SA KAANAK NG OFWs OK SA KAMARA
(NI BERNARD TAGUINOD) MALILIBRE na sa travel tax ang mga kaanak ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) kapag tuluyang naipasa ang panukalang ito na karagdagang benepisyo ng mga tinaguriang “Bagong Bayani”. Ito ay matapos aprubahan sa House committee on overseas workers affairs ang nasabing panukala na inakda ni Quirino Rep. Dakila Carlo Cua. Sa ilalim ng House Bill 6138 o Travel Tax Exemption, hindi na sisingilin ng buwis ang mga dependent ng mga OFWs kapag bumiyahe ang mga ito, hindi lamang sa iba’t ibang panig ng Pilipinas kundi sa mga…
Read MoreAFP, PNP NAKAALERTO SA 2ND BOL PLEBISCITE
(NI JESSE KABEL/PHOTO BY KIER CRUZ) KASUNOD ng malagim na pagpapasabog sa Jolo, Sulu na ikinasawi ng may 20 katao at malubhang ikinasugat nang 111 iba pa nitong Linggo ay inihayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) magsasagawa sila ng “extra precautionary measures” para ma-secure ang nakatakdang ikalawang Bangsamoro Organic Law (BOL) plebiscite sa Pebrero 6. Ito ang inihayag ni AFP public affairs office chief Col. Noel Detoyato kahapon nang tanungin ito kung may mga pagbabago pa sa inilatag nilang security blanket para sa gaganaping suffrage exercise kasunod ng…
Read More2 ISIS SUICIDE BOMBERS SA JOLO CATHEDRAL
(NI AL JACINTO) ZAMBOANGA CITY – Inako kahapon ng Islamic State in Iraq and Syria o ISIS ang madugong atake sa Jolo cathedral at sinabing dalawang suicide bombers ang nasa likod nito. Sa pahayag ng ISIS na inilabas ng sariling Amaq News Agency, sinabi nito na unang nagpasabog ang isang suicide bomber ng kanyang explosive belt sa Our Lady of Mount Carmel Cathedral at ang ikalawa naman ay sa labas nagpasabog ng sarili na kung saan ay naroon ang maraming mga sundalo. Ito rin ang sinabi ng SITE Intelligence Group,…
Read More