(NI BERNARD TAGUINOD) Hubaran na ng maskara at panagutin ang mga traydor sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na nagbebenta ng armas at bala sa mga kabalan ng estado partikular na ang Abu Sayyaf at Maute group. Ito ang iginiit ni Magdalo party-list Rep. Gary Alejano matapos maaresto ang mag-asawang gun runners na sina Edgardo at Rosemarie Medel, kung saan nakumpiska sa mga ito mga armas at bala ng pag-aari umano ng Philippine Army. Ayon kay Alejano, ang pagbebenta ng mga armas at bala sa mga kalaban ng estado…
Read MoreAuthor: Jet
SUNDALO, PULIS DISMAYADO SA SISTEMA NG PENSYON
Nagbabala ang isang mambabatas sa Kamara na posibleng magkaroon ng mass retirement sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) dahil sa bagong sistema sa pensyon na isinusulong ng Department of National Defense (DND) sa mga retirees at active personnel. Ayon kay Magdalo party-list Rep. Gary Alejano, dismayado ang mga aktibong miyembro ng AFP at PNP dahil dehado umano ang mga ito sa bagong sistema ng kanilang pensyon. “I have received information that officers and personnel of both the AFP and the PNP did not positively…
Read MoreREMITTANCE SA MIDDLE EAST BAGSAK
Hindi lang sa Saudi Arabia bumagsak ang remittances ng mga Overseas Filipino Workers kundi sa ibang bansa sa Middle East ngayong taon, kaya apektado umano ang mga probinsyang pinanggalingan ng mga OFWs. Sa datos na inilabas ni House committee on banks and financial intermediaries chairman Henry Ong ng Leyte na mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas, sinasabing bumagsak ng $1.03 Billion o halos P54.6 Billion ang remittances ng mga OFWs sa Middle East mula Enero hanggang Oktubre 2018. Nabatid na sa kaparehong panahon noong 2017, umaabot sa $6.46 billion ang…
Read MoreCATRIONA BALIK-PINAS NA
BALIK-PINAS na ngayong alas-3 ng hapon si 2018 Ms. Universe Catriona Gray at inaasahang dagsa ang well-wishers nito matapos masungkit ang prestihiyosong beauty pageant noong Lunes sa Bangkok, Thailand. Sinabi ni dating Ilocos Sur governor Luiz “Chavit” Singson na magkakaroon pa ng maikling press conference si Catriona sa Thailand bago lumipad sakay ang isang private jet pabalik ng bansa. Makikipagkita rin ang bagong Ms. Universe kay Pangulong Duterte bago naman ito pumuntang New York City para sa kanyang mga tungkulin. Isang press conference din ang isasagawa gayundin ang pagdalo sa…
Read MoreLAGLAGAN NA!
(BERNARD TAGUINOD) INILALAGLAG na ng kanyang mga tauhan sa Department of Budget and Management (DBM) si Secretary Benjamin Diokno hinggil sa anomalya, hindi lamang sa 2019 national budget kundi simula pa sa pondo noong 2017. Isiniwalat ito ni House Majority Leader Rolando Andaya Jr., matapos makakuha umano ng impormasyon sa loob ng DBM hinggil sa mga kuwestiyonableng alokasyon sa Sorsogon. Ayon kay Andaya, mismong taga-DBM ang nagkumpirma na November 2017 pa lamang ay nai-bid na ang mga proyekto sa Sorsogon para sa taong 2018 gayung tinatrabaho pa lamang ng Kongreso…
Read MoreDAGDAG-PASANIN NG MERALCO CONSUMERS
(NI BERNARD TAGUINOD) TATAAS ang singil ng Manila Electric Company (Meralco) sa kanilang mga customers kapag tuluyang matapos ang kanilang 1,200 megawatt na Atimonan Power Plant na magiging malaking pasanin sa mga naghihirap na consumers. Ito ang babala ng Makabayan bloc sa Kamara matapos aminin ng Meralco na lumobo sa P15 Billion ang nagagastos ng Atimonan One Energy Inc, sa itinatayong planta dahil sa interest expenses sa kanilang utang na ginagamit sa proyektong ito. Ayon sa nasabing grupo, kapag nag-operate na ang Atimonan Power Plant na pag-aari ng Meralco ay magkakaroon…
Read More‘SURRENDER OR DIE’
MULI na namang ipinaalala ni Pangulong Duterte sa mga rebelde na hindi kailangan ang arrest warrant kung kailangan nilang arestuhin. Ito umano ay sa katotohanang ang isang rebelde, lalo na’t gumagawa ng extortion at iba pang taliwas sa gobyerno, ay kailangang mamili lamang sa dalawang bagay: sumuko o mamatay. “Bakit kailangan pa ng warrant? Ang katotohanang isa kang rebelde at lumalabag sa penal code ay sapat nang basehan para arestuhin ka,” sabi ng Pangulo. Ang ‘hidwaan’ ng gobyerno at rebelde ay muling umigting matapos akusahan ng Pangulo ang mga komunistang…
Read MoreGORDON BAKIT TAHIMIK SA P11-B SHABU SHIPMENT?
(NI NOEL ABUEL) MALAKING palaisipan sa ilang senador ang pananahimik ni Senate Blue Ribbon Committee chairperson Richard Gordon kay dating Customs Commissioner Isidro Lapeña kaugnay sa P11 billion shabu shipment sa Cavite. Ipinarating nina Senate President Vicente “Tito” Sotto III at Senador JV Ejercito ang pagtataka sa pananahimik at mistulang pag-absuwelto kay Lapeña na isang command responsibility at kaakibat ng bawat tungkulin. “Command responsibility is everywhere. Unless, ikaw ang makatuklas at ikaw ang umaksyon,” saad ni Sotto. Nilinaw naman ni Sotto na hindi pa niya nababasa ang committee report at…
Read MorePAG-POST NG MALALASWANG KOMENTO SA SOCIAL MEDIA MAY PARUSA
(NI BERNARD TAGUINOD) KABILANG ang pagpost ng malalaswang komento sa social media sa magiging krimen, kasama na ang pagsipol sa mga babae, ang nasa Bill 8794 o proposed ‘Safe Street, Public and Online Spaces Act’ na iniakda ni Siquijor Rep. Ramon Rocamora. Naipasa na sa ikalawang pagbasa ang panukalang-batas na naglalayong igalang ang sinuman, anumang seksuwalidad o paniniwala, edad o background ng tao. Bukod sa pagsipol o cat calling na karaniwang nararanasan ng mga babae, paparusahan din ang mga taong malalaswa ang asta at iba pang uri ng sexual harassment…
Read More