Kasunod ng pagpanaw ni Rep. Gato SPECIAL ELECTION IDARAOS SA BATANES – COMELEC

NAGPATAWAG ng emergency meeting ang Commission on Elections (Comelec) sa kanilang field officials para paghandaan ang inaasahang special election sa unang distrito ng Batanes.

Kasunod ito ng pagpanaw ni Batanes Lone District Representative Ciriaco Gato Jr.

Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, kailangang idaos ang special election nang hindi mas maaga sa 60-araw at hindi lalampas sa 90-araw mula nang mabakante ang puwesto.

Posible rin aniyang isabay ito sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections kung matutuloy ang BSKE sa Nobyembre 2.

Pero ayon kay Garcia, kailangang ikonsidera ang itinakdang minimum na 60-araw bago maisagawa ang special election.

Si Gato, chairman ng House Committee on Health, ay pumanaw nitong Lunes.

(JOCELYN DOMENDEN)

68

Related posts

Leave a Comment