2 NAMATAY SA MARTIAL LAW ANNIV, FAKE NEWS

PINASINUNGALINGAN ng Pambansang Pulisya na may nasawi na dalawang indibidwal sa isinagawang kilos-protesta noong Lunes sa anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law.

Ayon kay PNP spokesperson, PCol. Allen Rae Co, “fake news” ang kumakalat na Facebook post.

Batay sa post ng netizen, meron umanong nasawi sa gate ng Malacañang.

Binanatan din nila ang administrasyon at sinabing state-sanctioned ang pagkasawi ng dalawa.

Sinabi ni Co, ang naturang impormasyon ay walang basehan.

Iginiit ng PNP, “generally peaceful” ang kilos-protesta na idinaos noong Lunes ng iba’t ibang mga grupo.

(TOTO NABAJA)

72

Related posts

Leave a Comment