K-12 PROGRAM REREBISAHIN SA SENADO

(NI DANG SAMSON-GARCIA) SUSURIIN ng joint congressional oversight committee ang implementasyon ng K-12 program ng gobyerno upang matukoy kung nakakasunod ito sa layunin na maka-develop ng mga competitive na Pinoy at maaga silang maihanda sa pagsabak sa trabaho. Ayon kay Senador Win Gatchalian, rerebisahin nila sa Enero ang implementasyon ng programa upang matiyak na naibibigay nito ang lahat ng pangangailangan ng mga estudyante at pribadong sektor. “The K-12 program is a massive historical educational reform we introduced to produce quality of graduates that our country needs. While the program has…

Read More

PRRC BINUWAG NA NI DU30

(NI CHRISTIAN  DALE) TULUYAN nang binuwag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) sa nakitang bagsak pa rin ang kalidad ng Ilog Pasig. Sa pamamagitan ng Executive Order (EO) 93 ay tuluyan nang nabuwag ang komisyon. Sa isang liham na may petsang Nobyembre 12 at naka- address kay PRRC officer-in-charge Assistant Secretary Joan Lagunda, nagsumite ang Pangulo ng certified copy ng EO 93, kung saan pormal na ipinag-utos ang “disestablishment of the Pasig River Rehabilitation Commission.” Sa ilalim ng EO 93, binigyang diin ni Pangulong Duterte…

Read More

FIL-AM POLE VAULTERS TARGET ANG 1-2 FINISH

(NI JEAN MALANUM) TATANGKAIN nina Fil-Americans Natalie Uy at Alyana Nicolas ang 1-2 finish sa women’s pole vault ng 30th Southeast Asian Games athletics competition. Parehong nasa Amerika sina Uy and Nicolas para sa final phase ng kanilang paghahanda sa SEA Games na idaraos mula Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11  sa 20,000-seater na New Clark City Athletic Stadium sa Capas, Tarlac. “Both Natalie and Alyana are serious and hardworking athletes who always want to improve and push the envelope. Natalie is now in Arkansas training under Sam Bell of the…

Read More

2 YRS PROBATION PERIOD KINONTRA NG MGA OBRERO

(NI BERNARD TAGUINOD) TULAD ng inaasahan, kinontra ng grupo ng mga manggagawa ang panukalang batas na inakda ni Probinsyano Ako party-list Rep. Jose “Bonito” Singson Jr., na gawing 2 taon ang probation period bago gawing regular. Kahapon, Miyerkoles ay sinimulan ng House committee on labor na pinamumunuan ni 1PACMAN party-list Rep. Eric Pineda ang pagdinig sa House Bill 4802 na iniakda ni Singson kung saan ipinaglaban pa rin nito ang kanyang panukala. Sinasabi natin imbes na ma-terminate, let’s give them a chance to continue being employed. What’s so wrong with…

Read More

DRILON PUMALAG SA BANTA NG DND

(NI NOEL ABUEL) UMALMA si Senate Minority Leader Franklin Drilon sa umano’y pamba-blackmail ng Department of Defense (DND) hinggil sa hinihingi nitong pagmamadaling pagpasa sa Human Security Act kapalit ng pagbawi sa batas-militar sa Mindanao. “Do not dangle lifting martial law in Mindanao in exchange for the speedy passage of the Human Security Act,” sagot ni Drilon sa pahayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na posibleng magkaroon ng pagpapalawig ng Martial Law kung hindi aamyendahan ng Kongreso ang Human Security Act. “The passage or non-passage of the amendments to the…

Read More

AFP CHIEF CLEMENT, VICE ADMIRAL CUSI LUSOT SA CA 

(NI NOEL ABUEL) LUMUSOT sa makapangyarihang bicameral Commission on Appointments (CA) ang ad interim appointments nina Armed Forces chief General Noel Clement at Navy Vice Admiral Allan Cusi. Sa ginanap na pagdinig ng CA national defense committee, walang sinumang miyembro ng CA ang nagpahayag ng pagtutol sa appointments ng dalawang military officials. Nabatid na sa Clement ay na-appoint sa AFP noong Setyembre kung saan sa darating na Enero 5, 2020 ay nakatakda itong magretiro. Samantalang si Cusi na pinamunuan ang Philippine Military Academy (PMA) ay nakatakdang magretiro sa Setyembre rin.   521

Read More

KAWALAN NG PONDO SA NAVAL STATION KINUWESTIYON

(NI DANG SAMSON-GARCIA) SA PAGLALATAG ng 2020 budget ng Department of National Defense sa Senado, inungkat ni Senador Francis Tolentino ang kawalan ng pondo para sa pagpapatayo ng mga karagdagang naval stations sa ilang bahagi ng bansa. Sa gitna ito ng  sponsorship ni Sen. Panfilo Lacson, chairman ng Senate Committee on National Defense, sa P258 bilyon pondo ng DND sa susunod na taon. Kinuwestiyon ni Tolentino ang pamunuan ng DND at AFP sa kawalan ng pondo para sa pagkakaroon ng naval chain station sa Pilipinas gayung tumitindi ang tensyon sa…

Read More

OVERWHELMING ANG REACTION SA PAGBUBUNTIS NI ANNE

(NI ASTER AMOYO) HINDI napigilan ni Anne Curtis ang maging emotional nang i-share nito ang kanyang pagbubuntis sa programang “It’s Showtime” at sa madlang people nung nakaraang Lunes, November 11.  Naging malaking bahagi kasi ang programa sa kanyang journey sa loob ng sampung taon (going 11) kung saan siya nagsimula bilang single pa noon, nagka-boyfriend, ikinasal at ngayon ay malapit na siyang maging isang ina. Masayang-masaya para kay Anne ang kanyang mga kasamahal sa “It’s Showtime” na pinangungunahan mismo ni Vice Ganda. Si Anne ang second preggy sa programa.  Nauna…

Read More

12-ANYOS PABABA IPAGBABAWAL SA SOCIAL MEDIA

socmed

(NI BERNARD TAGUINOD) BAWAL nang magkaroon ng access sa social media tulad ng facebook, twitter, instagram at iba pa, ang mga batang edad 12 anyos pababa kapag naipasa ang isang panukalang batas na magkokontrol sa mga platforms. Ito ang isa sa mga nakapaloob sa House Bill (HB) 5307 o “Social Media Regulation and Protection Act of 2019” na inakda ni Laguna Rep. Dan Fernandez dahil nakababahala na umano ang impluwensya ng social media sa mga kabataan. “With the advent and creation of social media, children and adolescents’ every move is…

Read More