SEVERE TROPICAL STORM NA SI ‘QUIEL’

ulan55

(NI ABBY MENDOZA) ITINUTURING nang isang severe tropical storm ang bagyong Quiel na maghahatid ng pag-uulan subalit hindi magla-landfall. Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration (Pagasa) huling namataan ang bagyo sa Coron, Palawan, kumikilos ang bagyo sa bilis na 15kph, taglay ang lakas ng hangin na 95kph at bugsong 115kph. Nakararanas ng katamtaman hanggang malakas na pag-uulan sa Cagayan kabilang ang Babuyan Islands at Kalinga, Apayao, Ilocos Norte, Zambales, Bataan, Palawan, Mindoro provinces, Antique, Iloilo at Guimaras. Nagbabala ang PAGASA ng pagbaha at landslide sa lugar dahil sa…

Read More

PASA LOAD PROCUREMENT SA GOV’T PROJECTS HILING IPAGBAWAL

(NI NOEL ABUEL) DAPAT nang tapusin ng gobyerno ang salot na artipisyal na paggastos sa pamamagitan ng pagpigil sa paglilipat ng mga proyekto sa ibang ahensya ng pamahalaan para lamang maitago ang kabiguan na hindi paggastos sa pondo. “Ang nangyayari kasi ngayon, para lang masabi na ‘obligated’ na ang allotment ay pinapasa ito sa ibang ahensya. Ginagawa ito upang maipagmalaki na obligated na ang isang pondo, at hindi na ma-revert back sa Treasury,” sabi ni Senate Pro-Tempore Ralph Recto. Ngunit sa katotohanan ay hindi nagagastos ang pondo at sa halip…

Read More

PAG-APRUB SA BUDGET MADE-DELAY KUNG … — CAYETANO

(NI ABBY MENDOZA) NANGANGAMBA si House Speaker Alan Peter Cayetano na made-delay ang pag-apruba sa 2020 P4.1T national budget kung gagawing bukas sa publiko ang bicameral conference committee dahil tiyak umanong marami ang maaaring mag-grandstanding na mga mambabatas. Ang pahayag ay ginawa ni Cayetano bilang reaksyon sa panukala ni Lacson na isapubliko ang bicam upang malaman ng publiko kung saan at paano gagastusin ang pambansang pondo. Ani Cayetano, ayaw nilang mangyari na mauuwi sa circus ang bicam dahil lamang sa gusto ng iilan. Giit pa nito na ang mga kongresista ay…

Read More

SHORT CIRCUIT DAHILAN NG UMUSOK NA MRT-3

mrt3

SHORT circuit sa traction motors ang dahilan ng pag-usok ng isa sa mga tren ng Metro Rail Transit – 3 matapos ang imbestigasyon sa insidente ng smoke emission sa isa nilang tren noong November 4 sa Santolan Station (Northbound). Ayon sa Sumitomo-MHI-TESP, nakitaan din ng mataas na daloy ng kuryente ang apektadong bahagi ng tren dahilan para masira ang electrical box at mga katabi nitong parte. Ayon sa MRT-3, upang maiwasan nang maulit ang nasabing insidente ay may ipinatutupad na silang mga hakbang. Kabilang dito ang paglilinis sa lahat ng…

Read More

FIL-AMS RIKE, JOHNSON, NAG-U TURN

(NI JOSEPH BONIFACIO) MARAMI ang nag-aabang kina Fil-Am sensations Franky Johnson at Troy Rike nang magpahayag na sasali sa 2019 PBA Rookie Draft. Pero nag-u turn ang dalawa. Hindi na muna sila sasali sa draft upang pagtuunan ang Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 team na sasabak sa 2020 FIBA 3×3 Olympic Qualifying Tournament at makakalaban nila ang iba pang koponang nakapasok sa top 20. Sina Rike at Johnson ang ikinukunsidera sa final line-up ng Pilipinas na ipapadala sa Marso 2020 sa India, kung saan tatlo mula sa 20 qualified teams ang mabibigyan…

Read More

TUBIG SA ANGAT DAM BAHAGYANG NADAGDAGAN

ANGATDAM

NADAGDAGAN nang bahagya sa nakalipas na magdamag ang antas ng tubig sa Angat dam. Sa update ng PAGASA Hydrology, alas 6:00 ng umaga ngayong Huwebes ay nasa 188.37 meters ang antas ng tubig sa Angat dam. Tumaas nang bahagya kumpara sa 188.34 meters kahapon ng umaga. Nadagdagan din ang water level ng Ipo dam na nasa 100.92 meters. Gayundin ang La Mesa dam na nasa 77.44 meters. Nadagdagan din ang water level sa Ambuklao, San Roque, Pantabangan at Magat dams. Habang kapwa nabawasan naman ang water level sa Binga at…

Read More

DOKTOR SA PMA HOSPITAL PINATATANGGALAN NG LISENSIYA SA PRC

(NI HARVEY PEREZ) PINATATANGGALAN ng lisensiya  sa Professional Regulation Commission (PRC) dahil sa kasong malpractice ang apat na doktor sa Philippine Military Academy (PMA) Hospital dahil sa pagkamatay ng PMA Cadet na si Darwin Dormitorio. Nabatid na inireklamo ng pamilyang  Dormitorio sa PRC ang mga doktor na sumuri kay  Dormitorio noong Setyembre 18  makaraang mabiktima ng hazing o pananakit ng mga upperclass men nito sa PMA. Nabatid na reklamong administratibo o medical malpractice ang ikinaso ng pamilya Dormitorio laban sa mga doktor ng PMA Hospital na sina Captain Flor Apple…

Read More

MAGNITUDE 5.5 YUMANIG SA QUEZON

ISANG magnitude 5.5 na lindol ang yumanig sa lalawigan ng Quezon alas-4:52 Huwebes ng madaling-araw. Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 42 kilometro Hilagang-Silangan ng bayan ng Jomalig. May lalim ang pagyanig na 7 kilometro at tectonic ang origin. Naitala ang sumusunod na intensities: Intensity IV – Guinayangan, Quezon Intensity II – Marikina City; Navotas City; Quezon City Intensity I- Muntinlupa City Instrumental Intensities: Intensity IV – Guinayangan, Quezon; Jose Panganiban, Camarines Norte Intensity III – Pili, Camarines Sur; Mauban, Lopez and Mulanay, Quezon Intensity II…

Read More

ILANG LUGAR, WALANG PASOK SA SEA GAMES

seagames6

(NI BERNARD TAGUINOD) WALANG pasok ang mga estudyante   sa ilang lugar sa panahon ng 30th Southeast Asian Games na gaganapin sa bansa mula Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11, 2019. “In certain areas po (na walang pasok),” ani  House Speaker Alan Peter Cayetano subalit hindi nito tinukoy ang mga lugar na posibleng suspendehin ang klase habang ginaganap ng SEA Games. Ayon kay Cayetano, nagkaroon na  pulong para malaman kung saan-saang lugar ipapatupad ang no-classes dahil tiyak na maaabala umano ang mga estudyante kung papasok ang mga ito. “Hinihimay nila kung saan magandang magkaroon ng…

Read More