(NI ABBY MENDOZA) BILANG suporta sa kampanya laban sa illegal drugs, iminumungkahi ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga na sumailalim sa drug test ang lahat ng public officials. Sa pulong ng House Dangerous Drugs, sinabi ni Barzaga na isang resolusyon ang nakabimbin sa Kamara na inihain ni Surigao del Norte Rep. Robert Barbers na nagsusulong ng drug test sa mga miyembro ng Kamara subalit sa resolusyon na kanyang nakatakdang ihain ay lahat ng public officials kabilang ang mga senador, gobernador, mayors at hanggang sa barangay level ay dapat sumailalim sa random drug…
Read MoreAuthor: Jet
PING: BICAM REPORT SA P4.1-T NAT’L BUDGET ISAPUBLIKO
(NI NOEL ABUEL) SA halip na idaan sa bulong dapat na isapubliko na lamang ng mga kongresista at senador ang pagtalakay sa P4.1-trillion national budget para sa 2020. Ito ang hamon ni Senador Panfilo Lacson sa mga kapwa nito mambabatas upang mawala ang agam-agam ng taumbayan na may nakatagong pork barrel ang 2020 budget. “Dapat transparent ito sa publiko pati hanggang bicam dahil doon sa bicam, ‘yan ang medyo exclusive, kami-kami lang nag-uusap diyan. Diyan nire-reconcile ang tinatawag na disagreeing provisions. Iba kasi ang version na ipapasa ng Senado, iba ang…
Read MoreFREE PARKING SA SENIORS, PWD, IGINIIT
(NI BERNARD TAGUINOD) MALILIBRE na sa parking fees ang mga senior citizen at mga person with disability (PWD) kapag naipasa ang isang panukalang batas na nakahain sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. Sa House Bill (HB) 5038 na inakda ni Manila Rep. John Marvin ‘Yul Servio’ Nieto, nais nito na amyendahan ang Republic Act (RA) 7432 o Expanded Senior Citizens Act of 2010 at RA 7277 o Magna Carta for Persons with Disability upang dagdagan ang prebilehiyong tinatanggap ng mga ito. Ayon kay Nieto, bagama’t marami nang prebilehiyong tinatanggap ng mga senior…
Read MoreVIRAL VIDEO NG MGA ATLETA SA TRUCK IIMBESTIGAHAN NG DEPED
(NI KIKO CUETO) IIMBESTIGAHAN na ng Department of Education (DEPED)ang mga larawan na nag-viral sa social media, kung saan makikita ang mga atleta na estudyante na isinakay at ibinyahe sa isang truck na nakatayo at may grills pa sa Palawan. Dadalo ang mga kabataan sa isang district meet. Nag-viral ang post ni James Factor na kuha umano noong Nobyembre 3. Doon makikitang walang bubong, nakatayo, at siksikan sa isang trak ang mga batang atleta na karamihan ay mga babae. Galing sa bayan ng Rizal ang mga manlalaro na patungo sa…
Read MoreINCOME SA POGO IPINALALANTAD
(NI BERNARD TAGUINOD) NAIS ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na malaman kung magkano ang totoong kinikita ng gobyerno sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) industry sa bansa. Ayon kay House committee on dangerous drug chairman Robert Ace Barbers pawang mga hula lang ni Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) chairperson Andrea Domingo na umaabot sa P24 Billion ang buwis na nakokolekta sa POGO bukod sa P1.25 Billion na value added tax (VAT). Aabot din umano sa P12.5 Billion ang nagagatos ng mga POGO workers sa bansa at P20…
Read MoreIKAAPAT NA BIKTIMA NG POLIO KINUMPIRMA NG DOH
KINUMPIRMA ng Department of Health (DOH) ang ikaapat na biktima ng polio mula nang lumutang muli ang sakit matapos ang lagpas isang dekada. Ang ikaapat na kaso ng polio ay mula Mindanao. Hindi na nagdagdag pa ng detalye ang DOH sa pagkakakilanlan ng biktima. Ang kumpirmasyon ay inilabas matapos ang pagsusuri ng Research Institute for Tropical Medicine at ng National Institute of Infectious Diseases sa Japan, ayon kay Health Secretary Francisco Duque. Sinabi ni Duque na nagsasagawa na ng vaccination campaign sa lahat ng mga bata na ang edad ay…
Read MoreHARDEN, ROCKETS NAGPASABOG
NAGSUMITE si James Harden ng 44 points at may 10 rebounds nang pangunahan ang Houston Rockets sa 107-100 win laban sa host Memphis Grizzlies. Inakay ni Harden ang koponan para makabawi buhat sa back-to-back losses sa kamay ng Brooklyn Nets at Miami heat nitong weekend. Ang Houston ay lumarong wala si Russell Westbrook na ipinahinga sa unang pagkakataon ngayong season. Sa Minneapolis, nagtala si Giannis Antetokounmpo ng 34 points at 15 rebounds nang kaldagin ng Milwaukee Bucks ang Minnesota Timberwolves, 134-106. Si Antetokounmpo, tinanghal na Eastern Conference Player of the…
Read MoreBAWAS-PRESYO SA GAMOT IGINIIT SA SENADO
(NI NOEL ABUEL) NANAWAGAN ang ilang senador sa pamahalaan na ikonsidera nang ipatupad ang pagbabawas sa presyo ng mga gamot sa bansa. Ayon kina Senador Risa Hontiveros at Senador Christopher Lawrence Go, napapanahon nang ibaba ang presyo ng mga gamot sa Pilipinas na malayong-malayo sa presyo sa pandaigdigang merkado. Sinabi ni Hontiveros na base sa datos ng Department of Health (DOH), ang halaga ng gamot sa bansa ay apat na beses na mas mataas sa international reference prices (IRP) habang 22 beses ding mas mataas sa pribadong sektor. Samantala, ang innovator o…
Read MoreDAGDAG-PONDO SA DEPED SA NASIRANG SCHOOL SA LINDOL
(NI DANG SAMSON-GARCIA) LALONG napinsala ang pondo ng Department of Education (DepEd) para sa pagpapatayo ng mga school building bunsod ng pananalasa ng lindol sa Southern Mindanao. Ito ang binigyang-diin ni Senador Ralph Recto kasabay ng pagsusulong na bigyan ng dagdag na pondo ang DepEd para sa pagsasaayos ng mga paaralan makaraang maiulat na nasa 500 silid-aralan at 700 school buildings ang nawasak. Sinabi ni Recto na hindi dapat maging manhid ang Kongreso sa trahedya na nagsisilbing banta sa pag-aaral ng milyong kabataan. Binigyang-diin ng senador na may responsibilidad ang…
Read More