APP PARA MALAMAN ANG LAKI NG TSUNAMI, INILUNSAD NG PHIVOLCS

(NI ABBY MENDOZA) ISANG website application na nagbibigay impormasyon sa tsunami risk ang inilunsad ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS). Ang GeoAnalyticsPH ay isang app na isinagawa ng GeoRisk Philippines, isang website na nagbibigay ng summary reports sa tsunami exposure sa mga barangay, municipalities at mga probinsiya. Ang GeoAnalyticsPH ay maaring makita sa  https://geoanalytics.www.georisk.gov.ph/ Ayon kay Mabelline Cahulogan, ng GeoRisk Philippines, ipinakikita ng app ang populasyon na tatamaan ng tsunami gayundin kung gaano kalaki ang parating na tsunami. “The website application aims to be the central source of information…

Read More

PAGPAPALIT NG LUMANG RILES NG MRT-3 UMPISA NA

(NI KEVIN COLLANTES) SINIMULAN na ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ang pagpapalit ng mga lumang riles nito, Lunes ng gabi, upang higit pang mapaghusay ang ipinagkakaloob nilang serbisyo sa publiko. Nabatid na dakong alas-11:00 ng gabi nang isagawa ang rail replacement at nagtagal dakong alas-4:00 ng madaling-araw. Ayon sa MRT-3, nakapaglatag sila ng kabuuang dalawang pirasong Long-Welded Rails (LWRs) na tig-180 metro ang haba sa kahabaan ng Buendia hanggang Ayala Station (Southbound). Matatandaan na nitong buwan ng Oktubre ay sinimulan ang pag-welding ng 4,053 piraso ng riles sa…

Read More

‘WALK THE TALK’

(NI BERNARD TAGUINOD) “IT’S about time for her to walk the talk.” Ito ang tila hamon ni ACT-CIS party-list Rep. Eric Yap kay Leni Robredo matapos itong i-appoint ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang co-chair ng Inter-agency committee on anti-illegal drugs (IACAD). Ayon kay Yap, dapat tanggapin ni Robredo ang kanyang appointment dahil ito na ang kanyang pagkakataon na makatulong upang sugpuin ang ilegal na droga sa bansa na ginegera ngayon ni Duterte. “Sa panahon ngayon na patuloy na laganap ang droga sa bansa, we need all the help that we…

Read More

LENI ITINALAGA NANG CO-CHAIR NG KOMITE VS ILLEGAL DRUGS

ITINALAGA na ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang co-chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs si Leni Robredo. “I am pleased to transmit herewith your designation letter, signed by President Rodrigo Duterte, as co-chairperson of the inter-agency committee on anti-illegal drugs,” ani Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa memorandum, na isinapubliko ngayong Martes. Gayunman, tahimik pa ang kampo ni Robredo kung tatanggapin ang alok sa bagong posisyon. Maaalalang sinabi ni Duterte sa isang talumpati na gusto niyang bigyan si Robredo ng anim na buwan ng law enforcement powers. Ang hakbang ng Pangulo…

Read More

MAYORYA SA SENADO IDINIIN SI ALBAYALDE SA NINJA COPS

(NI DANG SAMSON-GARCIA) MAYORYA na ng mga senador ang lumagda sa report ng Senate Blue Ribbon at Justice Committees hinggil sa isyu ng ninja cops na may kinalaman sa anti-drug operation ng mga awtoridad sa Pampanga noong November 2013. Ayon kay Senador Richard Gordon, 14 sa 17 miyembro ng komite ang lumagda sa report. “Right now, there are 14 of the 17 members of the blue ribbon committee who have signed. Si (Senator Lito) Lapid hindi pumirma, si (Senator (Leila) de Lima hindi pumirma, si (Senator Francis) Pangilinan pipirma pero…

Read More

KAMARA NAG-AMBAGAN SA BIKTIMA NG M’DANAO QUAKE

(NI BERNARD TAGUINOD) NAGSIMULA nang mag-ambagan ang mga miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso para itulong sa mga biktima ng lindol sa Mindanao. Ito ang nabatid kay House Speaker Alan Peter Cayetano kung saan si Presidential son at Davao City Rep, Paolo Duterte umano mismong nag-iikot sa mga kongresista para tumulong. “Si Deputy Speaker Paolo Duterte umikot kaninang umaga. So despite the fact na mayroong siyang activity sa sariling office ngayong lunch, inuna niya talaga iyong  mga naapektuhan ng lindol,” ani Cayetano. Hindi nagtakda ang Kamara kung magkano ang iaambag ng…

Read More

ALBAYALDE NAGSUMITE NG AFFIDAVIT SA DOJ

(NI HARVEY PEREZPHOTO BY KIER CRUZ) LUMUTANG si retired PNP Director General  Oscar Albayalde at P/Major  Rodney Baloloy IV sa pagpapatuloy ng preliminary investigation  sa re-investigation ng  Pampanga drug raid noong 2013. Nagsumite ng kanyang counter affidavit si Albayalde na kanyang pinanumpaan sa panel of prosecutors sa Department of Justice, ngayong Martes, sa pagpapatuloy ng kaso sa umano’y pagkakasangkot nito sa kontrobersiyal na Ninja cops. Maging si Baloloy na nagsumite rin ng kanyang counter affidavit. Matatandaan na unang itinanggi ni Albayalde ang alegasyon na pinoprotektahan niya ang 13 Ninja cops.…

Read More

SOLON: CHINESE CRIMINALS SA PINAS KALUSIN NA

(NI BERNARD TAGUINOD) KAILANGANG paigtingin na ang lahat ng ahensya ng gobyerno ang kanilang kampanya laban sa Chinese nationals na gumagawa ng krimen sa bansa. Ginawa ni ACT-CIS party-list Rep Eric Yap ang panawagan lalo na sa mga law enforcement agencies matapos masakote ang walong  Chinese national na pawang POGO workers at isang Filipino driver, sa Ninoy Aquino Internatinal Airport (NAIA), matapos tangkaing kidnapin ang isa nilang kababayan. “Ito na yung sinasabi natin from the very beginning, may mga cases talaga na yung mga Chinese nationals, sila-sila mismo, involved sa…

Read More

MINDANAO MINING PINATITIGIL SA PAGLINDOL

(NI ABBY MENDOZA) PINATITIGIL ng isang mambabatas ang anumang uri ng mining activities sa Mindanao kasunod ng magkakasunod na lindol sa Mindanao. Ayon kay Agusan del Norte Rep Lawrence Fortun hindi maitatanggi na may nakaambang panganib sa mga minero dala ng naganap na pagyanig. “It would be prudent now for the authorities to suspend mining activities and conduct onsite inspections to ensure the safety of mineworkers. There are accounts showing that many of these mineworkers are not regular employees and thus deprived of benefits due to workers employed in a…

Read More