P1.6-B KAILANGAN NG DEPED SA NAWASAK NA SCHOOLS

(NI KEVIN COLLANTES) AABOT sa mahigit P1.6 bilyon ang kakailanganin ng Department of Education (DepEd) para sa gagawin nilang pagpapalit ng daan-daang silid-aralan na napinsala ng serye ng malalakas na paglindol sa Mindanao nitong Oktubre. Ayon kay DepEd Undersecretary at spokesperson Nepomuceno Malaluan, may 500 silid-aralan ang winasak ng tatlong malalakas na lindol na yumanig sa rehiyon noong Oktubre, habang may 700 classrooms pa ang matindi namang napinsala. Sinabi ng opisyal na inaasahan na rin nilang madaragdagan pa ang naturang halaga ng pinsala dahil sa nagpapatuloy pa ang isinasagawa nilang…

Read More

NINJA COP TEAM LEADER SINIBAK NA SA SERBISYO

pnp nacrolist12

(NI JG TUMBADO) TULUYAN nang sinibak sa serbisyo bilang pulis ang isa sa tinaguriang Ninja cops na sinasabing team leader ng maanomalyang drug raid sa Antipolo City sa Rizal noong Mayo 2019. Sa regular na press conference kanina sa Camp Crame, inihayag mismo ni PNP-Officer-in-charge Lt. General Archie Gamboa ang pagsibak sa pagka pulis si Lt. Joven De Guzman matapos makitaan ng grave misconduct ng Internal Affairs Service (IAS). Si De Guzman ay isa sa 13 Ninja cops na nag operate sa Mexico, Pampanga noong 2012 kung saan nakumspika ang…

Read More

CHILD MARRIAGE SA PINAS IPAGBABAWAL NA

(NI BERNARD TAGUINOD) DAHIL parami nang parami ang mga batang nag-aasawa nang maaga, ipinanukala ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na ipagbawal ang pagpapakasal sa mga menor de edad. Sa House Bill (HB) 3899 o Girls Not Brides Act of 2019 na iniakda ni Quezon City Rep. Alfred Vargas, sinabi nito na kailangan na ang batas para ipagbawal ang pagpapakasal sa mga menor de edad. Ginawa ng mambabatas ang panukala matapos maalarma sa report ng UNICEF noong 2017 na ang mga 15% sa mga batang Filipina ang nag-aasawa…

Read More

CAYETANO PINURI NI PING;  MOST BEHAVED SA BUDGET

(NI DANG SAMSON-GARCIA) KINUMPIRMA ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson na mas ‘behave’ ang pamunuan ni House Speaker Alan Peter Cayetano kumpara sa nakaraang mga naging speaker kung ang budget ang pag-uusapan. “In fairness dito sa present HOR, ito yata ang sasabihin kong most behaved na counterparts namin sa panahong ito. Kasi ang in-announce nila na P9.5B na talagang institutional amendments naman na ginalaw sa NEP (National Expenditure Program),” saad ni Lacson. Gayunman, kailangan pa rin anyang mag-ingat at maging mapanuri ang mga senador pagdating sa bicameral conference committee dahil posibleng…

Read More

BILLY NAPIKON; I’M NOT SICK, NOT ON DRUGS

(NI LOURDES C. FABIAN) ISA ang performer-host na si Billy Crawford sa judges ng “Your Moment,” ang pinakabagong 2-in-1 reality talent competition ng ABS-CBN kasama ang Asia’s King of Talk na si Boy Abunda at ang actress-singer na si Nadine Lustre. Sa ipinatawag na press launch para sa bago nilang programa kung saan silang tatlo ang magdi-determine ng winners sa sinasabing original global format, one each from the singing and dancing competitions ay nagkaroon ng pagkakataon ang ilang press people na makausap si Billy. Siyempre pa, happy siya at proud sa kanyang bagong show na sabi nga niya ay…

Read More

BUWIS SA LOTTO ILAAN SA PABAHAY, EDUKASYON – SOLON

lotto44

(NI BERNARDN TAGUINOD) UPANG makabalato ang mga ordinaryong mamamayan sa mga mananalo ng jackpot sa lotto, iminungkahi ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na ilaan ang ipinapataw na buwis dito  sa pabahay at edukasyon. Ito ang nakasaad sa House Bill (HB) 2919 na inakda ni Quezon City Rep. Precious Hipolito-Castelo. Simula noong nakaraang taon, pinatawan ng gobyerno ng 20% na buwis ang napapanalunang jackpot ng mga lotto na dati ay libre sa tax matapos mapanalunan ng isang kababayan nakatira sa ibang bansa ang isang malaking jackpot. Dahil buwis…

Read More

RELIEF SUPPLIES SA APEKTADO NG LINDOL SAPAT — DSWD

(NI KIKO CUETO) TINIYAK ng social welfare department na may sapat silang mga relief supplies para tugunan ang pangangailangan ng mga tinamaan ng lindol sa Soccsksargen at Davao, kung saan 22 na ang namatay dahil sa serye ng malalakas na lindol mula noong October 16. May mga mobile storage units, isang mula sa United Nations World Food Programme, na may kapasidad ng 1,600 cubic metric tons ng goods ang inilagay sa Kidapawan City, Cotabato, ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD). Naglagay na rin ng community kitchen sa Barangay…

Read More

CARLOS YULO: GYMNASTICS PARA RIN SA MAHIHIRAP

(NI EDDIE G. ALINEA) TALIWAS sa paniniwala ng nakararami, si Carlos Yulo ay lumaki sa anino ng kalye-Leveriza sa Malate, Lungsod ng Maynila, kasama ang dalawang kapatid na babae at isang lalake, Lolo at Lola sa tuhod, amang ang pinagkakakitaan ay ang pagiging mensahero at inang part-time caterer. Hindi sila maituturing na mahirap at ‘di rin ganon kayaman gaya ng akala ng marami dahil sa kanilang apelyido na katunog ng angkan ng nagmamay-ari ng isang malaking asyenda ng asukal sa Laguna. Nang manalo si Caloy (tawag sa kanya ng mga…

Read More

ANGEL TINABUNAN ANG BARRETTOS

(NI JERRY OLEA) LAST  year, itinanghal na best actress sina Ai-Ai delas Alas at Pokwang (a.k.a. Marietta Subong) para sa magkaibang indie filmfest. Wagi si Ai-Ai sa Cinemalaya para sa School Service, at panalo si Pokwang sa QCinema para sa Oda Sa Wala. This December, parehong may entry sina Ai-Ai at Pokwang sa forthcoming 45th Metro Manila Film Festival. Si Ai-Ai, co-star nina Coco Martin at Jennylyn Mercado sa 3pol Trobol (Huli Ka, Balbon). Si Pokwang, kasama nina Vic Sotto at Maine Mendoza sa Mission: Unstapabol (The Don Identity). Silang…

Read More