(NI ABBY MENDOZA) KINUMPIRMA ng Bureau of Animal Industry (BAI) na dalawang produkto ng Mekeni Food Corp ang nagpositibo sa African Swine Fever (ASF). “Set of samples of longganisa and Picnic Hotdog tested positive for African Swine Fever based on tests conducted,”pagkumpirma ni BAI officer-in-charge Ronnie Domingo. Ayon kay Domingo noong Oktubre 25 isinagawa ang test ng Regional Animal Disease Diagnostics Laboratory sa Central Luzon at muli itong nai-validate ng Bureau of Animal Industry Veterinary Laboratory Division (DA-BAI-VLD) mula samples na nakuha sa produktong nakumpiska sa Calapan Port na mula sa isang…
Read MoreAuthor: Jet
BAWAS-PRESYO SA PRODUKTONG PETROLYO
(NI ROSE PULGAR) MULING magpapatupad ng bawas presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa epektibo bukas (Martes) ng umaga. Pinangunahan ng kompanyang Petron Corporation, Pilipinas Shell, Seaoil, Phoenix Petroleum Philippines, PTT Philippines, Petro Gazz, Chevron, at Total ang bawas presyo na P0.10 sa kada litro ng gasolina, P0.25 sa kada litro ng diesel at P0.10 sa kada litro ng kerosene epektibo bukas ng alas-6:00 ng umaga. Inaasahan naman na susunod na magpalabas ng abiso ng pagbaba sa presyo ng mga produktong petrolyo ang ilan pang…
Read MoreMRT3 MAY LIBRENG SAKAY SA MENOR DE EDAD
(NI KEVIN COLLANTES) MAY libreng sakay ang pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sa mga menor de edad o mga batang nasa edad 18-anyos pababa sa Miyerkoles, Nobyembre 6. Ito, ayon sa Department of Transportation (DOTr), ay bilang pakikiisa umano sa pagdiriwang ng 27th National Children’s Month sa nasabing araw. Batay sa paabiso ng DOTr-MRT3, nabatid na maaaring makasakay nang libre ang mga menor de edad mula alas-7:00 hanggang alas-9:00 ng umaga, at mula alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi sa Miyerkoles. Para sa mga estudyante, maaaring iprisinta…
Read MoreDTI SINABON SA DAGDAG-PRESYO NG NOCHE BUENA PRODUCTS
(NI DANG SAMSON-GARCIA) KINASTIGO ni Senador Imee Marcos ang Department of Trade and Industry (DTI) sa pagpapahintulot sa ilang manufacturer na magtaas ng presyo ng “Noche Buena products” habang papalapit ang araw ng Pasko. Kasunod ito ng pag-apruba ni Trade Secretary Ramon Lopez sa listahan ng mga produkto na pasok sa adjusted Suggested Retail Price (SRP). “Sa inilabas na listahan ng DTI, lumalabas na P3 hanggang P20 ang itinaas sa presyo ng ham. Pero sabi ni Sec. Lopez, maliit lang ang increase. Killjoy naman itong si Secretary. Lalong hindi na…
Read MoreMEAT PRODUCTS GALING CHINA PINAGMULAN NG ASF SA PINAS
(NI ABBY MENDOZA) INAMIN ni Agriculture Secretary William Dar na ang illegal na importation ng pork products galing China ang syang dahilan kung bakit mabilis ang naging pagkalat ng ASF virus sa bansa. Ang smuggled meat na nakumpiska umano noong nakaraang buwan ay nagpositibo sa ASF at maaari na may mga smuggled na nakalusot na syang sanhi ng pagkalat na ng virus. “That concludes really that this has been introduced by bringing it here, smuggling it here, introducing it here,” pahayag ni Dar. Matatandaan na ilang refrigerated container vans na…
Read MoreTREN NG MRT-3 UMUSOK; HIGIT 500 PASAHERO PINABABA
(NI KEVIN COLLANTES) MAHIGIT sa 500 pasahero ang pinababa Lunes ng hapon ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3), na napilitan pang maglimita ng biyahe, matapos umusok ang sinasakyang tren ng mga ito sa area ng Santolan Station, sa oras pa naman ng rush hour. Batay sa inisyung advisory ng Department of Transportation (DOTr)-MRT 3, nabatid na dakong alas-4:08 ng hapon nang mapuna ng driver ang usok mula sa isang tren nila sa northbound ng Santolan Station. Dahil dito, napilitan ang MRT-3 na pababain ang may 530 na pasahero ng…
Read MoreDALOY NG TRAPIKO SA SLEX LULUWAG NA
(NI KIKO CUETO) INAASAHANG luluwag nang bahagya ang trapiko sa bahagi ng South Luzon Expressway (SLEX) bago mag-Pasko dahil bubuksan na ang ikatlong lane na pansamantalang isinara sa katapusan ng Nobyembre. Ito ang pahayag ng private operator na Skyway O&M Corporation. “On track naman po kami, ‘yung pangako namin na ‘yun pong isang lane na isinara namin temporarily dito sa Skyway upgrade ay isasauli natin by the 30th of November, itong katapusan ng Nobyembre, para bago mag-Christmas, bago mag-December ay three lanes na itong nasa ibaba natin,” ayon kay Skyway…
Read MoreCALAMITY FUND NG NDRRMC IPINAIIMBENTARYO SA SENADO
(NI NOEL ABUEL) IPINAIIMBENTARYO ng isang senador ang calamity fund ng National Disaster Risk Reduction and Management Fund (NDRRMC) upang malaman kung may sapat pang pondo para magamit sa darating pang kalamidad sa bansa. Paliwanag ni Senate Pro-Tempore Ralph Recto, kailangang kumilos ng Senado at magsagawa ng post-earthquake assessment upang malaman kung sapat pa ang calamity fund ngayong taon at sa susunod na taon. Layon umano nito na matulungan ang mga pamilyang naapektuhan ng paglindol sa Southern Mindanao. “We should conduct an inventory of funds. There may still be money left…
Read MoreDEPT. OF DISASTER RESILIENCE TAPOS BAGO MAG-PASKO — SOTTO
(NI NOEL ABUEL) TINIYAK ni Senate President Vicente Sotto III na maipapasa bago matapos ang kasalukuyang taon ang batas na magtatatag sa Department of Disaster Resilience. Ayon kay Sotto, malaki ang pag-asang mabuo ang DDR bago ang Christmas break ng Senado at mapipirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte. “A very big chance, talagang kailangang-kailangan. Malaki ang posibilidad at malaki rin ang posibilidad na mapirmahan ng Presidente ito,” aniya pa. Mangyayari umano ito lalo na at certified urgent ito ni Pangulong Duterte maliban pa sa nasa 8 senador na aniya ang sumusuporta…
Read More