RENOBASYON NG RMSC: TAPOS BAGO MAG-SEAG

(NI VT ROMANO) MATATAPOS bago magsimula ang 30th SEA Games ang mga renobasyon ng sports facilities sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex (RMSC). Ito ang kumpiyansang inihayag ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez, base na rin aniya sa pahayag ng mga contractor ng anim na major facilities na gagamitin sa biennial meet sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11. Ayon kay Ramirez, ang Rizal Memorial Coliseum (RMC), na sumasailalim sa major rehabilitation sa unang pagkakataon spol noong 1953, ay inaasahang matatapos sa Nobyembre 14, habang ang Ninoy…

Read More

SOLON KAY LENI: HAMON MAGING DRUG CZAR TANGGAPIN

leni55

(NI NOEL ABUEL) HINAMON ng isang mambabatas si Leni Robredo na tanggapin ang hamon ni Pangulong Rodrigo Duterte na maging drug czar. “Hinahamon ko si Vice President Leni Robredo. Tanggapin niyo po. Subukan niyo po. Malay mo kayanin mo ng 6 months. Tingnan natin, ngayon makikita mo ang trabaho ng isang Presidente,” ayon kay Senador Christopher Lawrence Go. Giit nito, wala itong nakikitang problema kung seseryosohin ni Robredo ang pagiging pinuno ng drug war lalo na at may nakikita itong ibang paraan para masolusyunan ang problema sa droga sa bansa.…

Read More

UST JUNIOR BATTERS, KAMPEON

NAITAKBO ng University of Santo Tomas ang 4-3 panalo laban sa Ateneo sa Game Three at ibulsa ang UAAP Season 82 Juniors’ Baseball crown kahapon sa Rizal Memorial Baseball Stadium. Walang nag-akalang magagawa ng UST na mag-kampeon, matapos ang last place finish sa Season 81. “Overwhelming, yun lang masasabi ko. Lahat ng credit sa laro na ito ay sa mga bata. Lumaban sila,” lahad ni Junior Golden Sox head coach Jeffrey Santiago, matapos nilang angkinin ang ikalawang titulo sa tatlong taon. Angat ng isa sa seventh inning, 4-3, si UST…

Read More

TRABAHO SA PROBINSIYA ISINUSULONG SA SENADO

kiko23

(NI NOEL ABUEL) ITINUTULAK ng isang senador na bigyan ng pansamantalang trabaho ang mga mahihirap na indibiduwal sa mga rural areas sa bansa. Sa inihaing Senate Bill 776 ni Senador Francis ‘Kiko’ Pangilinan, hiniling nito na  magkaroon ng Rural Employment Assistance Program (REAP) na magpapahintulot sa mga mamamayan na kumita ng hindi bababa sa 75 porsiyento ng kasalukuyang  minimum wage para sa bawat araw ng trabaho. “Layon ng panukalang na mabigyan ang mga Pilipino ng pagkakataon para sa makatarungan at sapat na pamumuhay na tutugon sa kahirapan lalo na sa mga kanayunan,”…

Read More

SANGLEY AIRPOT NAG-OPERATIONAL DRY RUN NA

(NI KEVIN COLLANTES) MATAPOS ang apat na buwang puspusang konstruksiyon, isinailalim na sa wakas ng Department of Transportation (DOTr) sa ‘operational dry run’ ang Sangley Airport sa Cavite. Si Transportation Secretary Arthur Tugade mismo ang nanguna sa pag-iinspeksiyon at pangangasiwa sa naturang aktibidad na isinagawa kahapon ng umaga, bilang pagtalima sa naunang kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na tiyaking mabubuksan na ang naturang paliparan sa Nobyembre 2019. Nabatid na isang flight ng Cebu Pacific ang matagumpay na lumapag sa Sangley bilang bahagi ng naturang naturang operational dry run. Matatandaang noong…

Read More

SENADO HATI SA PAGBIGAY NG LAW ENFORCEMENT POWERS KAY LENI

senate

(NI DANG SAMSON-GARCIA) HATI ang mga senador sa hamon ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Leni Robredo na pangunahan ang kampanya kontra droga at resolbahin ito sa loob ng anim na buwan . Ayon kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III, kung seryoso ang Pangulo sa kanyang panukala, mas makabubuting italaga si Robredo bilang chairperson ng Dangerous Drugs Board at concurrent Philippine Drug Enforcement Agency director general. Sinabi naman ni Senador Koko Pimentel na hindi maaaring ibigay ng Pangulo ang kanyang law enforcement powers maliban na lamang sa kanyang mga alter…

Read More

PHIVOLCS NAGBABALA NG MAS MALAKAS NA LINDOL SA MINDANAO

earthquake121

(NI ABBY MENDOZA) PINAGHAHANDA ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang mga residente sa Mindanao sa posibilidad ng pagkakaroon ng mas malakas na lindol kasunod ng dalawang insidente ng lindol na tumama sa North Cotabato. Noong Oktubre 16 ay tumama ang 6.3 magnitude quake sa Tulunan, North Cotabato na kumitil sa buhay ng anim  katao, isang  6.6 magnitude quake ang muling tumama sa nasabing bayan kung saan dalawa ang naiulat na nasawi. Ayon kay Phivolcs Director Renato Solidum, may posibilidad na may mas malakas pa na lindol ang…

Read More

CAYETANO KAY LENI: PLANO SA DRUG WAR, ILATAG

(NI BERNARD TAGUINOD) HINAMON ni House Speaker Alan Peter Cayetano si Leni Robredo na ilatag nito ang kanyang plano kung paaano susugpuin ang giyera kontra ilegal na droga sa bansa. Ginawa ni Cayetano ang hamon matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na handa niyang isuko ang kanyang law enforcement authority kay Robredo sa loob ng 6 na buwan para pamunuan ng Bise Presidente ang war on drugs. Ang pahayag ni Duterte ay kasunod ng pagbatikos ni Robredo sa war on drugs ni Duterte dahil malala pa rin umano ang problema…

Read More

PNP NORTHERN MINDANAO DIRECTOR, SUSPENDIDO

ombudsman

(NI NICK ECHEVARRIA) IPINATUPAD na ni Philippine National Police (PNP) officer-in-charge Lt. Gen. Archie Gamboa nitong Martes ang suspension order na ipinalabas ng  Office of the Ombudsman laban kay Northern Mindanao police regional director, Brig. Gen. Rafael Santiago. Ayon kay Gamboa, si Santiago ay sinuspinde ng anim na buwan kaugnay sa kasong may kinalaman sa logistics na isinampa noon pang 2012. “Yes, he was relieved because he has a suspension order that came out that was dated October 21, 2019. And sayang din (it is a waste) because he was a very good performer but we have to implement the…

Read More