INIHAYAG ni House Speaker Martin Romualdez na mahalagang matiyak ang kahandaan ng pamahalaan, lalo na ang first responders, sakaling tumama ang malakas na lindol o tinatawag na “The Big One” sa bansa, partikular sa National Capital Region (NCR). Una nang nagbabala ang mga eksperto na maaaring libu-libo ang maging biktima ng nasabing lindol, tulad ng nangyari sa Turkey at Syria, kung walang paghahanda ang bawat isa. Dahil dito, sinabi ng House Speaker na, “We want to find out if we are really ready at ano ang dapat gawin ng publiko”. “Na-experience…
Read MoreAuthor: admin 2
DALAGITA GINAHASA NG EX-BF NG KAPATID
ISINELDA ng mga tauhan ng District Special Operation Unit ng Manila Police District ( DSOU) ang isang 52-anyos na negosyante makaraang pagsamantalahan ang 15-anyos na dalagita sa isang motel sa Sta. Mesa, Manila noong gabi ng Valentine’s Day. Sinalakay ng mga operatiba ang isang motel sa Sta. Mesa kung saan naabutan nila si alyas “Allan”, may asawa, ng Barangay Molino 1V, Bacoor City, Cavite. Ayon sa ama ng biktimang itinago sa pangalang “Amor”, ng Sampaloc, Manila, humingi ng tulong ang kanyang anak na sinabing kasama niya sa motel ang suspek.…
Read MoreBEBOT ITINUMBA SA SEMENTERYO
NAMATAY noon din sa pinangyarihan ng krimen ang isang 33-anyos na dalaga, habang sugatan naman ang kasama nito, nang pagbabarilin ng isang hindi pa natukoy na gunman sa loob ng Manila North Cemetery sa Sta. Cruz, Manila noong Martes ng hapon. Kinilala ang biktimang napatay na si Marivic Quison, residente ng Banawe, Quezon City, habang sugatan ang kasama nitong si alyas “Judy Ann”, 28, waitress, inoobserbahan sa Jose Reyes Memorial Medical Center. Samantala, patuloy namang pinaghahahap ng mga pulis ang tumakas na suspek. Ayon kay Police Captain Dennis Turla, hepe…
Read MoreSPECIAL COURT PARA SA MGA SMUGGLER
KASABAY ng pagtatalaga ng bagong Commissioner sa Bureau of Customs (BOC), hinikayat ng isang mambabatas ang paglikha ng special courts na para lang sa paglilitis ng mga kasong may kaugnayan sa puslit kargamento, profiteering at hoarding. Giit ni Committee on Agriculture, Food and Agrarian Reform chair Sen. Cynthia Villar, napapanahon nang pagtuunan ng gobyerno ang mga nanabotahe sa ekonomiya ng bansa, kasabay ng panawagan para sa pagbuo ng tinawag niyang “special team of prosecutors” na walang ibang hahawakang asunto kundi ang mga nabanggit na kaso. “It is high-time that we…
Read MoreSMUGGLED YOSI SILAT SA NEGROS, 3 TIMBOG
TODO tanggi ang tatlong indibidwal na huli sa akto ng pagbibiyahe ng nasa P2-milyong halaga ng pinaniniwalaang smuggled na sigarilyo sa baybaying bahagi ng Cauayan sa lalawigan ng Negros Occidental. Kinilala ang mga arestadong suspek na sina Randy Calago ng Dipolog City, Rolando Lanario at Joel Carvana na kapwa residente ng Hinigaran ng nasabing lalawigan. Sa imbestigasyon, lumalabas na nakatanggap ng timbre ng Cauayan Municipal Police Station hinggil sa paglalayag diumano ng isang bangkang-de-motor na kargado ng mga smuggled na sigarilyo mula sa Dipolog. Dito na nakipag-ugnayan ang lokal na…
Read MoreRIO TUBA PINAGMULTA SA NASABAT NA NIKEL
NANINDIGAN ang Bureau of Customs (BOC) na walang kinikilala ang kawanihan pagdating sa mandatong sa kanila ay nakaatang. Patunay nito ang ipinataw na multa sa isang dambuhalang kumpanya sa likod ng nasabat na 25,000 metriko toneladang nickel ore sa baybaying bahagi ng Zambales kamakailan. Pag-amin ng kumpanyang Rio Tuba Nickel Mining Corporation (RTNMC), nagbayad ang kumpanya ng P100,000 multa sa BOC kaugnay ng pagkakarga ng nickel ore sa MV Jin Yuan nang walang kaukulang permiso sa nasabing ahensya. Sa ipinaskil na disclosure ng Nickel Asia Corp., kinumpirmang subsidiary nila ang…
Read MoreLGU PAPARTEHAN SA KINITA NG BOC
MALAKING bahagi ng record-breaking collection ng Bureau of Customs (BOC) sa nakalipas na taon ang nakatakdang ipamahagi ng pamahalaan sa 81 lalawigan, 143 lungsod at 1,498 munisipyo, ayon sa Department of Budget and Management. Bilang pambungad, P28.9 bilyon ang agad na inilaan ng kagawaran para sa Local Government Support Fund para sa tinawag niyang “capacity-building” ng mga lokal na pamahalaan. “We will formulate capacity-building training, and seminars for our LGUs (local government units) to help them — so that by the time we have full devolution, they can stand on…
Read MoreBAGONG POSISYON, BAGONG PAGSUBOK
IMBESTIGAHAN NATIN Ni JOEL O. AMONGO SA pagkakahirang kay Bienvenido Rubio bilang Commissioner, masusukat ang husay at tapang ng isa pang beterano sa larangan ng operasyon at pangangalap ng impormasyon sa mga bulilyasong sindikato, korapsyon at maging sa antas ng koleksyon. Araw ng Biyernes ng nakalipas ng linggo nang pumutok ang pagsibak kay dating Bureau of Customs (BOC) Commissioner Yogi Filemon Ruiz, na tulad ni Rubio ay bihasa sa pagtugis sa mga kalaban ng estado. Bagama’t walang inilabas na dahilan ang Palasyo, hindi naman lumikha ng intriga ang pagpasok ni…
Read MoreTIRADOR NG PANABONG NA MANOK NG PULIS TIKLO
CAVITE – Arestado ang isang 29-anyos na magsasaka matapos na ibenta ang isang nakaw na sasabunging manok sa kaibigan ng may-ari nito na isang police officer, sa bayan ng Magallanes sa lalawigang ito, noong Lunes ng hapon. Nahaharap sa kasong theft ang suspek na si Norberto Barcenas y Bombit, residente ng Brgy. Caluangan, Magallanes, Cavite dahil sa reklamo ni Corporal Edilardo Vicedo, isa ring barangay councilor, ng Poblacion 3, Magallanes, Cavite. Ayon sa ulat, inalok umano ng suspek sa isang lalaki na kaibigan ng pulis, ang isang sasabunging manok sa halagang…
Read More