CAVITE – Nalagutan ng hininga ang isang 44-anyos na traffic enforcer nang mabangga ng isang aluminum van habang nagmamando ng trapiko sa bayan ng Carmona sa lalawigang ito, noong Martes ng hapon. Hindi umabot nang buhay sa Pagamutan ng Carmona ang biktimang si Sammy Martillino Osena, may asawa, residente ng Brgy. Milagrosa, Carmona, Cavite. Kinilala naman ang driver ng Isuzu aluminum van na may plakang CDJ 5745, na si Nelson Amores y Godoy, 67, may asawa, ng Tanauan City, Batangas. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Joel Mendoza ng Carmona Police Station,…
Read MoreAuthor: admin 2
BINATILYO PATAY SA MISTAKEN IDENTITY?
CAVITE – Pinagbabaril hanggang sa napatay ng dalawang kalalakihan ang isang 18-anyos na binatilyo habang nakikipag-usap sa telepono sa Dasmariñas City noong Lunes. Dead on arrival sa ospital ang biktimang si Luis Daniel Frianela, residente ng Barangay Paliparan 3 makaraang biglang pagbabarilin ng mga suspek sa labas ng kanilang bahay. Ayon kay Police chief, Lt .Col. Juan Oruga, maaaring ‘mistaken identity’ ang nangyari dahil ang target ng mga gunman ay ang bayaw nito. Base sa salaysay ng pamilya, napaaway sa paglalaro ng billiards ang bayaw ng biktima sa hinihinalang mga…
Read More21 EMPLEYADO ARESTADO SA 2 ONLINE CASINO
LAGUNA – Arestado ang 21 empleyado ng illegal online casino sa isinagawang magkahiwalay na anti-illegal gambling operation ng Biñan CPS at San Pedro CPS noong Lunes sa lalawigang ito. Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G. Silvio, Acting Provincial Director, Laguna PPO, ang mga suspek na naaresto ng Biñan PNP na sina alyas Heimrich, Jhundel, Denzel, Japhet, Aaron, Jonathan, John, Borgy, Christian, Bren, Jon, Robert, Anthony, Philip John, habang naaresto naman ng San Pedro PNP sina alyas Kimberly, Kent, Darwin, Jezreel, Mary, Dan, at Estefen. Ayon sa ulat ng Biñan…
Read MoreOzamiznons to Greet Christmas with Noche Buenas Aplenty
Mayor Henry “Indy” Oaminal, Jr. (2nd from left), Misamis Occidental 2nd District Rep. Sancho Fernando “Ando” Oaminal (center), and Misamis Occidental Governor Henry Oaminal Sr. distribute the first batch of Pamaskong Handog 2022 packs at the kick off event in Ozamiz City. In Ozamiz City, Misamis Occidental, there’s more for every family to pass around the dinner table this Christmas. Ozamiznons are enjoying triple the gifts in the distribution of the Oaminal family’s “Pamaskong Handog,” where Misamis Occidental Governor Henry Sr., Misamis Occidental 2nd District Representative Ando, and Ozamiz City…
Read MoreBOCAUE PUBLIC HOSPITAL BUKAS NA
PINANGUNAHAN ni Department of Health Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire kasama sina Senador Joel Villanueva, Senador Bong Go, Gob. Daniel Fernando, Mayor Jon-Jon Villanueva, Vice Mayor Sherwin Tugna, Congressman Boy Cruz at Cong. Bro. Eddie Villanueva ang inagurasyon ng Joni Villanueva General Hospital na matatagpuan sa Igulot, Bocaue, Bulacan nitong Lunes, Disyembre 12, 2022. (Photo: PIA) PORMAL nang pinasinayaan ang kauna-unahang pampublikong ospital na matatagpuan sa Barangay Igulot, sa bayan ng Bocaue, Bulacan malapit sa Ciudad De Victoria NLEX entry-exit toll, na dinaluhan ng matataas na opisyal at kawani ng…
Read MoreBUS SUMALPOK SA POSTE; 2 PATAY, 11 SUGATAN
BATAAN – Patay ang dalawang pasahero habang 11 ang sugatan matapos na ang sinasakyan nilang pampasaherong bus ay sumalpok sa poste ng kuryente sa national highway sa Barangay Dona, sa bayan ng Orani sa lalawigang ito, noong Martes ng madaling araw. Kinilala ng Orani Police ang isa sa dalawang namatay na si Eva Oril, 74-anyos, taga bayan ng Orani. Hindi pa nakikilala ang ikalawang biktima na isang batang lalaki. Batay sa imbestigasyon, dakong alas-2:30 ng madaling araw, tinatahak ng Genesis Transport bus ang Roman highway nang mawalan ng kontrol ang…
Read More2 PATAY, 1 SUGATAN SA KARAMBOLA NG 4 TRUCK SA QUEZON
QUEZON – Dalawa ang patay habang isa pa ang sugatan matapos na araruhin ng isang wing van truck ang tatlong kasalubong na kapwa truck sa pababang bahagi ng Pagbilao-Atimonan diversion road sa Brgy. Sta Catalina sa bayan ng Atimonan sa lalawigang ito, dakong alas-8:45 noong Lunes ng gabi. Kinilala ang mga namatay na sina Romeo Dela Cruz Nazar, 60, driver ng wing van truck, ng Sta. Rosa City, Laguna, at Bernardo Baynado Diolta, 43-anyos, pahinante, ng Jose Panganiban, Camarines Norte. Kapwa idineklarang dead on arrival sa Doña Martha Memorial District Hospital ang dalawang…
Read MoreTOP 10 DISTRICT REPRESENTATIVES SA NCR INILABAS NG RPMD
MATAPOS ang komprehensibong national assessment ng mga nangungunang opisyal ng gobyerno at gabinete sa mga tuntunin ng kanilang overall performance, inilabas naman ng RP- Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) ang pambansang survey nito para sa lahat ng miyembro ng House of Representatives – District Representatives sa kanilang overall performance para sa buong taong 2022. Sa National Capital Region, ang Top District Representatives ay sina Cong. Toby Tiangco ng Navotas City (Lone District) ang may pinakamataas na job performance rating na 93 percent. Pumangalawa naman si Cong. Oca Malapitan ng…
Read MoreLaban sa indiscriminate firing NO MERCY POLICY PAIIRALIN NG PNP
HINDI lang pasaway na pulis kundi maging ang kanilang opisyal ay mananagot kapag nagpaputok ng baril ngayong kapaskuhan at sa pagsalubong ng bagong taon. No mercy! Ang babala ni Philippine National Police chief Police General Rodolfo Azurin Jr. sa kanyang mga tauhan. Ayon sa heneral, bukod sa mga pulis na nagkasala ay garantisadong papananagutin din sa ilalim ng batas ang kanilang immediate superior kaya inatasan niya ang mga ito na bantayan ang kanilang mga tauhan. Gayunman, tiwala umano ang PNP Chief na hindi aabusuhin ng mga pulis ang paggamit ng…
Read More