TINATAYANG umabot sa P1.2 milyong halaga ng hindi dokumentadong used clothes o ukay-ukay ang nasabat ng Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Customs (BOC) sa Matnog Port sa Sorsogon. Batay sa ulat ng PCG, nadiskubre ang 41 bundles ng mga ukay-ukay sa loob ng isang puting pampasaherong van. Hinanapan ang mga suspek ng mga dokumento subalit wala umanong maipakita kaya kinumpiska ang mga ukay-ukay dahil sa paglabag sa Republic Act No. 4653. Nasa kustodiya na ng Bureau Of Customs ang naturang sasakyan para sa masusing imbestigasyon. (RENE CRISOSTOMO) 616
Read MoreAuthor: admin 2
64-ANYOS NA LOLA PATAY SA BACKHOE
CAVITE – Binawian ng buhay ang isang 64-anyos na lola nang nasagasaan ng isang backhoe habang naglalakad sa bayan ng Silang sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng gabi. Kinilala ang biktimang si Laura Dequena Evangelista, ng Brgy. Tibig, Silang, Cavite, na agad namatay sa lugar ng insidente. Habang hawak na ng pulisya ang operator ng backhoe na si Jackson Movilla Lacandola, 42, ng Brgy. Tibig, Silang, Cavite Ayon sa ulat ni Corporal Menervin Castillo ng Silang Police Station, naglalakad ang biktima dakong alas-7:00 ng gabi ngunit pagsapit sa tapat ng isang Sari-sari store sa…
Read More3,524 TITULO IPAMAMAHAGI NG DAR SA COTABATO
PARA maipatupad ang kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na libreng ipamahagi ang lupang agraryo sa mga walang lupang masasaka, nakatakdang ipamahagi ni Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III ang 3,524 certificates of land ownership award (CLOAs) sa agrarian reform beneficiaries (ARBs) ng Kidapawan, North Cotabato sa Disyembre 10, 2022. Sinabi ng DAR, may kabuuang lawak na 6,103 ektaryang lupain ang ipamamahagi sa 3,273 agrarian reform beneficiaries (ARBs) sa lugar. “I will personally deliver these land titles to give them hope, to let them feel that the government is here ready to…
Read MoreBUMBAY INAMBUSH SA NAVOTAS
SUGATAN ang isang Indian national makaraang dalawang beses na barilin ng hindi kilalang suspek na sakay ng motorsiklo sa Navotas City. Nakaratay sa Tondo Medical Center sanhi ng tama ng bala sa katawan si Kumar Sandeer, 35, ng Gen. T. De Leon, Valenzuela City, habang blangko pa ang pulisya kung sino ang suspek sa krimen. Ayon sa saksing si John Andrei Arag, 35, pedicab driver, ipinipedal niya ang kanyang pedicab habang nasa unahan ang dalawang motorsiklo sa stop light sa Lapu-Lapu corner Dalagang Bukid, Navotas City, dakong 9:50 ng umaga noong Disyembre,…
Read MoreP20-M AGRICULTURAL PRODUCTS NASABAT
NASABAT ng Bureau of Customs ang tinatayang P20.2 milyong halaga ng smuggled na agricultural products sa Port of Subic, katuwang ang Department of Agriculture. Ayon kay Port of Subic District Collector Maritess Martin, naglabas ng Alert Orders noong Disyembre 1 laban sa mga shipment ng Veneta Consumer Goods Trading at Lalavy Aggregates Trading, mula sa China. Isinailalim sa physical examination ang mga container van noong Disyembre 6, sa presensya ng mga opisyal ng BOC at kinatawan ng DA sa pangunguna ni Asst. Secretary James Layug, Subic Bay Metropolitan Authority, Philippine Drug Enforcement…
Read MoreDALAGITA PATAY SA TRIP NG KATROPA
BANGKAY na nang maiahon ang isang 12-anyos na dalagita makaraan umanong pabirong itinulak ng kaibigan sa Ilog Pasig sa Sta. Ana Ferry Station sa Maynila. Kinilala ang suspek na si alyas “Ghie” umano’y nasa kustodiya na ng Department of Social Welfare and Development ng Makati City. Base sa ulat ni Det. Sir Christian Joseph Pineda na isinumite kay Police Lieutenant Dennis Turla, hepe ng Manila Police District – Homicide Section, bandang alas-3:00 ng hapon nang i-report noong Miyerkoles ng Philippine Coast Guard Sub-station ang pagkakadiskubre sa bangkay ng isang menor de…
Read MoreMMDA CONSTABLE TIKLO SA EXTORTION
INIULAT ni Quezon City Police District (QCPD) Director Police Brigadier General Nicolas Torre III ang pagkakaaresto sa isang Metro Manila Development Authority (MMDA) traffic constable dahil sa kasong robbery extortion, sa operasyon ng pinagsamang mga tauhan ng Holy Spirit Police Station (PS-14) at MMDA kahapon ng umaga sa Brgy. Pasong Tamo, Quezon City. Kinilala ni P/Lt. Col. Alex Alberto, station commander ng PS-14, ang nadakip na MMDA traffic constable na si Raul Lapore y Biasong, 53-anyos, residente ng Brgy. Batasan Hills, Quezon City. Si Lapore ay nakatalaga sa MMDA sa…
Read MorePatungong United Kingdom PUPUSLIT NA 4 ARABO NAHARANG SA NAIA
NAPIGILAN ng Immigration officers sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang tangka ng isang human trafficking syndicate na maipuslit ang isang pamilyang Arabo na may apat na miyembro, patungo sa United Kingdom. Ayon kay Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco, ang apat na pasahero ay kinabibilangan ng isang nanay, at kanyang tatlong mga anak na naharang sa NAIA Terminal 3 noong Nobyembre 23 matapos na magtangkang sumakay sa isang Cathay Pacific flight patungong Hong Kong at papunta sa kanilang pinal na destinasyon sa UK. Sinabi pa ni Tansingco, ang mga…
Read MoreMISTER NA NAGHIHINTAY KAY MISIS BINARIL SA PARKING LOT
DEAD on the spot ang isang lalaki na susundo lamang sa kanyang misis matapos na ito ay barilin sa parking lot ng kanyang pinaghihintayang ceramics store sa Brgy. San Antonio, Sto. Tomas City, Batangas, Martes ng hapon. Kinilala ng Sto. Tomas City police ang biktima na si Christopher Baytan, residente ng Blue Isle Subdivision, Brgy. San Antonio, sa nasabing lungsod. Batay sa report ng pulisya, dakong alas-5:00 ng hapon, nakaupo ang biktima sa kanyang motorsiklo sa parking lot nang dumating ang mga suspek na magkaangkas sa isa ring motorsiklo. Bigla…
Read More