CAVITE – Arestado ang isang lalaki makaraang igapos ng alambre at paluin ng PVC pipe ang kanyang 8-anyos na anak sa Cavite City sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng umaga. Nakakulong sa Bacoor City Custodial Facility ang suspek na si Ryan Baltazar, ng Brgy. Zapote 2, Bacoor City dahil sa reklamo ng kanyang 8-anyos na anak na babae. Ayon sa ulat ni Corporal Florenda Asitogue ng Bacoor City Police, nagbabasa ng kanyang aralin ang biktima sa loob ng kanilang bahay dakong alas-6:00 ng umaga nang malaglag ang dalawang pirasong P20…
Read MoreAuthor: admin 2
P12.5-M DROGANG SABAT SA CLARK NASA PDEA NA
SA hangaring tiyakin ang seguridad ng mga nakumpiskang kontrabando, inilipat ng pamunuan ng Bureau of Customs – Port of Clark (BOC-Clark) sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang pag-iingat ng nasa P12.5-milyong halaga ng iba’t ibang klase ng drogang nasabat sa nakalipas na siyam na buwan. Sa datos ng BOC-Clark, kabilang sa mga inilipat sa kustodiya ng PDEA ang 12 imported shipments na nasilat ng mga alistong operatiba sa tulong ng mga makabagong scanners at trace detectors mula Marso hanggang Nobyembre. Pagtitiyak ng BOC, naisampa na rin ang mga karampatang…
Read MoreSUBASTAHAN KASADO PARA SA P39M SMUGGLED SUGAR
SA hangaring makapagsampa ng karagdagang pondo, ikinasa ng Bureau of Customs (BOC) ang isang public auction para sa mga smuggled refined sugar na nasabat sa Port of Subic kamakailan. Partikular na tinukoy ng BOC sa isang kalatas ang 19 na containers na nasabat ng BOC-Subic sa gitna ng agresibong kampanya kontra agri-smuggling na bahagi ng mga direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. Sa pagtataya ng kawanihan, nasa P39 milyon ang inaasahan madagdag sa koleksyon ng ahensya mula sa refined white sugar na tinangkang ipuslit sa bansa sa gitna ng kapos…
Read MoreDAVAO REGION BILANG ASEAN LOGISTICS HUB
Ni JOSE OPERARIO ALINSUNOD sa rekomendasyon ng National Economic Development Authority (NEDA at Davao Gulf Development Plan (DGDP), nakatakdang umarangkada ang Davao Region bilang logistics hub ng mga bansang kasapi ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Sa isang pulong sa pagitan ng mga opisyal ng mga opisyales ng Bureau of Customs – Port of Davao (BOC-Davao) at Singaporean Ambassador Gerard Ho, tinalakay ang kalakalan ng mga pangunahing produkto ng Mindanao kabilang ang saging, pinya at pamosong durian ng Davao. Sa isang kalatas, nanindigan si BOC-Davao District Collector Erastus Sandino…
Read MoreMASIGLANG KALAKALAN, MAUNLAD NA MINDANAO
IMBESTIGAHAN NATIN Ni JOEL O. AMONGO SA tuwing babanggitin ang Mindanao, karaniwang pumapasok sa isip ng mga tao ay ang negatibong imahe – matinding kahirapan, kabi-kabilang karahasan, bagsak na kabuhayan at matamlay na kalakalan. Sa paglipas ng mga taon, unti-unting nagbago ang kwento. Ang lugar na iniiwasan (kung hindi man kinatatakutan) ng mga turista, negosyante at maging ng mga pangkaraniwang kwento, nasa landas na patungo sa pagbabago. Ang hanapbuhay dumami sa pagsipa ng turismo, mabilis na pagpasok ng mga negosyo at malusog na kalakalan sa mga puerto. Higit na kilala…
Read More2 PULIS NA NASUGATAN SA ENGKWENTRO PINARANGALAN
GINAWARAN ni PRO3 regional director BGen Cesar Pasiwen (kanan) ng “Medalya ng Sugatang Magiting” si Pat Aaron James Ibasco na sinaksihan ni Bulacan PPO director Col Relly Arnedo matapos bisitahin ang mga nasugatang pulis sa Bulacan Medical Center, Malolos City. Kaparehong karangalan ang iginawad at cash assistance kay PCpl Richard Neri na nasugatan din sa engkwentro sa San Miguel, Bulacan. (CONTRIBUTED PHOTO) CAMP GENERAL ALEJO S SANTOS, City of Malolos, Bulacan — Personal na binisita nina Police Regional Office 3 (PRO3) Regional Director PBGen Cesar Pasiwen at Bulacan…
Read More2 NPA PATAY SA BAKBAKAN SA NEGROS OCCIDENTAL
NEGROS OCCIDENTAL – Dalawang hinihinalang miyembro ng rebeldeng grupong New People’s Army ang napatay sa engkwentro laban sa mga tropa ng pamahalaan sa Kabankalan City sa lalawigang ito, nitong Miyerkoles ng madaling araw. Base sa report ng Kabankalan Police, pasado alas-2:00 ng umaga nang makasagupa ng 94th at 47th Infantry Battalion ng Philippine Army ang grupo ng NPA sa Sitio Makilo, Barangay Kamansi. Nangyari ang insidente habang nagsasagawa ng pagpapatrulya ang mga sundalo matapos magreklamo ang mga residente sa extortion activities ng mga armadong grupo sa kanilang lugar. Humihingi umano ng pagkain sa mga residente ang mga…
Read MoreMag-uugnay sa Quezon at Batangas FLOATING WALK BRIDGE ITINAYO NG PCG
KONEKTADO na muli ang mga bayan ng Sariaya sa Quezon at San Juan sa Batangas para sa mga magtatawiran sa dalawang bayan sa pamamagitan ng Bantilan River. Ito ay matapos maglagay ang Philippine Coast Guard (PCG) ng pansamantalang floating pontoon walk bridge sa buong kahabaan ng ilog noong Martes kapalit ng dating tulay na nawasak ng nakaraang Bagyong Paeng. Ayon sa PCG, ang nasabing floating walk bridge ay may lapad na apat na metro at may habang nasa humigit kumulang sa 70 metro. Katuwang ng PCG sa proyekto ang LGU ng mga…
Read MoreMWP SA CARNAPPING TIKLO SA CAVITE
CAVITE – Arestado sa bisa ng warrant of arrest ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Cavite ang tinaguriang most wanted Person (MWP), regional level, sa isinagawang operasyon sa bayan ng Silang sa lalawigang ito, noong Lunes ng gabi. Kinilala ang suspek na si Salvador Arnedo II y Salayog, 20, ng Brgy. Yakal, Silang, Cavite. Ayon sa ulat, sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Assisting Judge Minnelli S. Rocio-Carvajal, ng RTC Branch 18, Tagaytay City, Cavite, dakong alas-6:02 gabi ay nagsagawa ng Oplan Pagtugis ang mga operatiba ng…
Read More