INIHAYAG ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan kung anu-ano ang isasarang mga daan mula alas-10:00 ng gabi nitong Nobyembre 29, at mga alternatibong ruta bilang bahagi ng paggunita sa ika-159 kaarawan ni Andres Bonifacio sa Nobyembre 30. Isasara ang Epifanio delos Santos Avenue (EDSA) mula Bonifacio Monument Circle (BMC) hanggang Serrano; mula Gen. Simon hanggang BMC. Hindi rin maaaring daanan ang Samson Road mula BMC hanggang Villarosa St.; mula New Abbey Road hanggang BMC. Bukod dito, sarado rin ang Rizal Avenue mula BMC hanggang 10th Avenue, parehong linya, at McArthur Hi-way mula…
Read MoreAuthor: admin 2
JOB ORDER EMPLOYEE NG BI, SINIBAK SA PANGINGIKIL
SINIBAK sa serbisyo ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco ang job order employee na naaresto noong Nobyembre 22 sa Muntinlupa City. Ang BI employee ay kasama sa 9 iba pa na naaresto ng mga operatiba ng Southern Police District (SPD) matapos na magpakilala na mula siya sa National Bureau of Investigation (NBI) at pumigil para pagnakawan ang isang Chinese national na nakatira sa Ayala Alabang Village. Nabatid na ang empleyado ay nagpakilala na siya ay isang immigration officer nang siya ay arestuhin. “Upon checking our records, we confirmed…
Read MoreTOTAL BAN SA FIRECRACKERS MULING ISINULONG
SA hindi mabilang na pagkakataon, muling tatangkain ng Kongreso na maipasa ang isang panukalang batas na tuluyang magbabawal sa bentahan, distribusyon at paggamit ng firecrackers o paputok at iba pang pyrotechnic devices. Sa kanyang House Bill (HB) 5914 o “Firecrackers Prohibition Act”, nais ni Valenzuela Rep. Rex Gatchalian na tuluyang ipagbawal ang paggamit ng mga paputok kapag sinasalubong ang bagong taon. Layon umano ng panukala na mabawasan o mapigilan ang mga aksidente sa mga gumagamit ng paputok sa pagsalubong ng bagong taon na kung minsan ay sanhi rin ng mga sunog…
Read More2 MIYEMBRO NG SALVADOR GANG PATAY, 2 PULIS SUGATAN SA BULACAN ENCOUNTER
CAMP GEN. ALEJO SANTOS — Dalawang pinaniniwalaang mga miyembro ng “Salvador Group”, kilalang criminal gang na nag-ooperate sa Central Luzon ang napatay habang dalawang pulis ang sugatan sa engkuwentro sa Barangay Maligaya, San Miguel, Bulacan nitong Lunes. Ang madugong engkwentro ay naganap matapos mag-serve ng warrant of arrest ang mga tauhan ng 3rd Maneuver Platoon, Bulacan 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC) sa nasabing lugar. Kinilala ni Col. Relly Arnedo, Provincial Director, Bulacan PNP ang napaslang na suspek na si Rommel Suarez, miyembro ng Salvador Criminal Group, at nakalista bilang…
Read MoreNapinsala sa pagdagsa ng mga tao CHRISTMAS ATTRACTION SA QUEZON PARK, PANSAMANTALANG ISINARA
QUEZON – Makaraan ang tatlong araw pagkatapos buksan sa publiko ang Christmas display sa Perez Park sa Quezon Capitol sa Lucena City, pansamantala itong isinara sa publiko ng Quezon LGU. Base sa FB post ng Quezon LGU, sinabing isasara muna ang parke upang isaayos ang ilang napinsalang mga dekorasyon at electrical wirings dahil sa pagdagsa ng mga tao noong pagbubukas nito. Noong Nobyembre 25, pinangunahan ni Quezon Governor Angelina Tan ang ‘switch on ceremony’ ng multi-themed park na nagtatampok sa magagandang mga pailaw at mga dekorasyon sa ilang bahagi ng parke at sa…
Read MoreNagpaandar ng generator pinaghahanap LINEMAN NAKURYENTE SA POSTE, PATAY
CAVITE – Nalagutan ng hininga ang 31-anyos na lineman nang nakuryente habang tinatanggal ang lumang wire na nakakabit sa poste ng kuryente sa bayan ng Naic sa lalawigang ito, noong Lunes ng umaga. Isinugod sa San Lorenzo Ruiz Hospital ang biktimang si Heherson Laurente y Gaviola, 31, ng Brgy. Timalan Balsahan, Naic, Cavite subalit hindi umabot nang buhay. Pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang isang Ed Mark Anciano, residente ng Brgy. Malainen Bago, Naic, Cavite na pinaniniwalaang siyang dahilan kaya nakuryente ng biktima. Ayon sa ulat, tinatanggal ng biktima ang lumang…
Read MoreMAGKAKAMAG-ANAK MINASAKER SA BUKIDNON
PATAY ang limang magkakamag-anak matapos atakihin ng anim na armadong kalalakihan nitong nakalipas na Linggo ng madaling araw sa Lantapan, Bukidnon. Ayon sa Lantapan Municipal Police Station, posibleng away sa lupa ang motibo sa pamamaslang sa mga biktima. Nabatid na pinasok ng mga armado ang bahay ng isang Mael Lugnasan at pinagbabaril ang mga taong inabutan sa loob na agad ikinasawi ng apat na magkakamag-anak kabilang ang isang menor de edad. Nakaligtas naman umano si Lugnasan, bagaman nahagip din ito ng bala sa tiyan. Isinunod ng mga salarin ang isang…
Read More25-TAON KULONG SA MAMBABATO NG SASAKYAN
SA hangaring maiwasan ang kabi-kabilang aksidente sa mga pangunahing lansangan, isang panukala ang inihain sa Kamara – 25-taong sentensya sa mga mapapatunayan nambato ng mga tumatakbong sasakyan. Sa inihaing House Bill 6262 na inakda ni Ilocos Norte Rep. Rudy Caesar Fariñas, target nitong bigyang proteksyon ang mga motoristang aniya’y karaniwang nabibiktima ng mga taong walang magawa. Para kay Farinas, lubhang peligroso ang pambabato ng mga umaandar na sasakyan batay sa mga nakalap na impormasyon kung saan lumalabas na patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga motoristang nasawi dahil sa aksidenteng…
Read MoreLEARNING COMPETENCIES DAPAT IPOKUS MUNA SA READING AT MATH
BACK to basic muna dapat ang pagtuturo sa mga estudyante ngayong halos kababalik pa lamang ng face-to-face classes matapos ang dalawang taong online at modular learning. Sinabi ni Senador Sherwin Win Gatchalian na dapat tutukan sa learning competencies ang Reading at Mathematics kasunod na rin ng pag-aaral na 90 percent sa mga sampung taon gulang ang hindi marunong magbasa. Iginiit ni Gatchalian na kung hindi marunong magbasa ang isang bata ay nangangahulugan na hindi rin siya marunong sa matematika. Aminado rin ang senador na mahirap tugunan ang mga kasalukuyang problema…
Read More