MAAGANG Pamasko ang handog ng pamunuan ng Manila Police District – Forensic Unit (SOCO) sa mahigit 300 benepisyaryong pamilya sa aktibidad na idinaos sa MPD Headquarters, Linggo ng umaga. Ang gift giving at feeding program ay pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Edmar A. Dela Torre, hepe ng MPD Forensic Unit, kasama sina Police Lieutenant Gloria Cortes at Gng. Corazon S. Rodriguez na siyang chairperson ng Advisory Council, Ang mahigit 300 pamilya ay nabigyan ng libreng gamot, bitamina para sa mga bata, grocery items at almusal. Maging ang mga photographer sa…
Read MoreAuthor: admin 2
3 ASO, 7 PUSA PATAY SA SUNOG SA PACO
SINAWING PALAD na makasama sa nasunog na bahay ng kanilang pet owner ang tatlong aso at pitong pusa sa Paco, Manila, Linggo ng gabi. Nagawang maisalba ng mga kapitbahay sa pamamagitan ng pagdaan sa bintana ang senior citizen na si Cristela Ong habang nilalamon ng apoy ang kanyang unit sa gusali sa Angel Linao Street, Paco. Sa ulat ng Manila Fire Department, nagsimula ang sunog bandang 10:29 ng gabi. Pag-aari umano ni Ong ang nasunog na sari-sari store sa nasabing gusali. Nang magsimula ang apoy ay natutulog ang matanda sa…
Read MoreLIBONG PAMILYANG NAAPEKTUHAN NI BAGYONG PAENG NAKATANGGAP NG AYUDA
UMABOT SA 12,068 pamilyang Bulakenyo na pawang nasa coastal area ng mga bayan ng Calumpit at Hagonoy sa lalawigan ng Bulacan na lubhang naapektuhan sa nakaraang Bagyong Paeng ang nakatanggap ng ayuda sa isinagawang relief operation ng Provincial Government katuwang ang Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) nitong nakaraang Biyernes at Sabado. Pinangunahan nina Governor Daniel Fernando at Vice Gov. Alexis Castro kasama ang mga kawani ng PSWDO sa pamumuno ni Rowena Tiongson at barangay officials ang relief distribution na unang isinagawa sa bayan ng Calumpit. Ang mga pinamigay…
Read MoreKAGAWAD, 4 PANG WANTED SA RAPE TIMBOG SA BATANGAS
BATANGAS – Lima katao na pawang wanted sa kasong rape ang magkakasunod na naaresto ng mga awtoridad sa lalawigang ito, noong araw ng Linggo. Ayon sa Batangas Provincial Police Office, kabilang sa arestado ang apat na regional most wanted person at isang barangay kagawad. Kinilala ang barangay kagawad na naaresto na si Jun Atienza, 47-anyos, residente ng Barangay Dita, sa bayan ng Lemery, na inaresto noong Linggo ng gabi, sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court Branch 5, ng Lemery noon Nobyembre 8, 2022. Samantala, naaresto naman ng mga…
Read More3 DEDBOL SA BUNDOL NG SUV SA ILOCOS NORTE
ILOCOS NORTE – Tatlo katao ang namatay matapos masalpok ang mga ito ng isang SUV sa Barangay Davila sa bayan ng Pasuquin sa lalawigang ito, noong Sabado. Kabilang sa mga namatay ang isang 14-anyos na dalagita at dalawang senior citizen matapos mabangga ng SUV na puting Geely Coolray sa national highway. Ayon sa report ng Pasuquin Police, unang nabangga ng SUV ang isang nakahintong motorsiklo nang mag-overtake ito sa isang sasakyan gamit ang outer lane ng kalsada. Nawalan ng kontrol ang driver ng SUV at nabangga rin ang naglalakad na mag-lola at saka bumangga…
Read MorePanukala ni Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos 40-TAON HATOL PARA SA AGRI-SMUGGLING
Ni angel f. jose HINDI biro ang dagok na dulot ng malawakang cigarette smuggling sa hanay ng mga magsasakang Pilipino, ayon kay Senior Deputy Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos III. Kaya naman ang kanyang mungkahi sa Kamara de Representantes, mas mabigat na parusa sa mga napatunayang nagkasala sa kasong smuggling. Sa pagdinig ng House Committee on Agriculture and Food, inaprubahan ang House Bill 3917 na naglalayong patawan ng parusang pagkabilanggo hanggang 40 taon ang mga smuggler na aniya’y pumapatay sa kabuhayan ng mga magsasaka sa…
Read MoreBOC, BUMIDA SA P150-M MUNTINLUPA DRUG OPS
ASAHAN ang mas marami – kung hindi man mas malaking huli kontra droga, pagtitiyak ni Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz kasunod ng matagumpay na anti-illegal drug operation kamakailan sa Lungsod ng Muntinlupa. Para kay Ruiz, malaking bentahe sa kampanya ng gobyerno laban sa mga sindikato sa likod ng kalakalan ng ipinagbabawal na gamot ang sabayan at sama-samang pagkilos ng kawanihang pinamumunuan, ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at iba pang katuwang na tanggapan ng pamahalaan. Katunayan aniya, ang matagumpay na P150-million drug bust sa Muntinlupa ay bunga ng palitan ng…
Read MorePUSLIT-YOSI BISTADO SA SULU, KONTRABANDO KUMPISKADO!
SANDAMAKMAK na abandonadong smuggled na sigarilyo ang sinamsam kamakailan ng mga operatiba ng Philippine Coast Guard (PCG) sa isinagawang inspeksyon ng pampasaherong barkong patungo sana sa Zamboanga. Sa paunang imbestigasyon, aabot sa 10 malaking kahon na naglalaman ng 300 reams – katumbas ng halagang P210,000 – ang sinasabing inabandona ng isang pasaherong lulan ng MV Ever Queen of the Pacific na noo’y nakadaong sa Port of Siasi sa lalawigan ng Sulu. Batay sa kalatas ng PCG, nagsasagawa umano ng inspeksyon kontra droga ang mga operatiba nang hindi sinasadyang napansin ang…
Read More33 AGRI-IMPORTERS KINASUHAN SA DOJ
Nasa 33 importers na pinaniniwalaang sangkot sa malawakang pagpupuslit ng mga produktong agrikultura ang sinampahan ng Bureau of Customs (BOC) ng patong-patong na kasong kriminal sa Department of Justice (DOJ) kamakailan. Bukod sa mga bulilyasong importer, kabilang din sa mga inasunto ang 11 licensed customs brokers na hinihinalang kasabwat sa agri-smuggling na ayon mismo kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ay labis na nagpapahirap sa mga magsasakang Pilipino. Sa 33 kaso, 22 ang isinampa sa paglabag sa Republic Act 10845 (Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016). Sa datos ng ahensya, tinatayang aabot…
Read More