3 SMALL TIME DRUG PUSHERS IBINALIBAG SA SELDA

IBINALIBAG sa selda ang tatlong hinihinalang small time drug pushers makaraang matiklo sa buy-bust operation sa Malabon City. Haharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang mga suspek na sina Josefino Almocera, 56; Marilou Perez alyas “Loloy”, 51, at Marlon Dela Cruz, 44, pawang ng Caloocan City. Bandang 1:45 ng umaga noong Nobyembre 16 nang isagawa ang operasyon sa M.H. Del Pilar St., Brgy. Tugatog, Malabon City at agad dinamba ang mga suspek nang paiskorin ng P500 halaga ng umano’y shabu ang isang undercover cop. Kinumpiska sa…

Read More

4 TULAK NASILO SA DRUG DEN

APAT na hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang sinakote sa nilansag na isang drug den sa Valenzuela City. Arestado ang itinuturong drug den maintainer na si Anthony Dalida, 42; at sina Reynaldo PJ Tadaya, 28; Mark Anthony Buan, 32, at Randy Peteza, 34, sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad dakong alas-7:30 ng gabi sa Villa Barretto, Barangay Canumay West, ng lungsod noong Martes, Nobyembre 15. Ilang buwan umanong minanmanan ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga galaw ng target na si Dalida bago isinagawa ang buy-bust…

Read More

BIKER, NAPISAK SA TRACTOR HEAD

NAMATAY noon din ang isang 19-anyos na binatilyo makaraang mabundol at pumailalim sa tractor head na may hatak na trailer, sa southbound lane ng Mel Lopez Boulevard sa panulukan ng Gate 6, Port Area, Manila noong Miyerkoles ng gabi. Kinilala ang biktimang si Allen Baraguir ng Meneses St., Bagong Lupa, Baseco Compound, Port Area. Samantala, kusang-loob namang sumuko sa tanggapan ni Police Lieutenant Colonel Rodel Borbe, commander ng Manila Police District- Baseco Police Station 13, ang driver ng truck na si Marvin Alcubilla, 40, binata, ng Talon  1, Las Piñas…

Read More

Sangkot sa illegal gambling 17 CHINESE, ISINALANG SA DEPORTASYON

INANUNSYO ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco ang deportasyon sa 17 Chinese nationals noong Nobyembre 16 ng hapon. Ang grupo ay pinasakay sa isang Philippine Airlines flight patungong Wuhan, China, ito ang pangatlong batch ng illegal online gambling-related deportations. Matatandaang noong Oktubre, ang BI ay nagpa-deport ng 6 Chinese nationals, habang 21 iba pa ang ipina-deport noong Nobyembre 2. Ang 17 dayuhan ay bahagi ng mahigit sa 300 foreign nationals, karamihan sa kanila ay Chinese citizens, na ipina-deport ng BI matapos na maaresto ang mga ito ng local law…

Read More

CKD ikapitong dahilan ng pagkamatay ng mga Pinoy DIALYSIS CENTERS PARA SA BAYAN ILULUNSAD

PATULOY na nananalasa ang chronic kidney disease (CKD) kaya kailangang tulungan ang mga tao lalo na ang mahihirap na dumaranas ng nasabing sakit, para mapahaba pa ang kanilang buhay. Ito ang tinuran ni Quezon City Rep. Marvin Rillo kasunod na paglalagda ng memorandum of agreement (MOA) sa Passion Healthcare Philippines Inc., para sa implementasyon ng ‘Dialysis Centers Para Sa Bayan’ nitong Huwebes. “We are absolutely determined to improve the quality of life of CKD patients, and we want them to enjoy longer lives with their loved ones,” pahayag ng mambabatas, dahil mabigat…

Read More

Pork Producers Agree to Support Government Initiatives for Local Pork Industry

Pork producers have agreed to support the Department of Agriculture’s (DA) initiatives and programs for the local pork industry in an effort to have a more cohesive action plan to protect and further develop the sector. In a courtesy call to Agriculture officials, officers and members of the Pork Producers Federation of the Philippines, Inc. (Pork Producers) discussed various concerns afflicting the pork industry. Present during the meeting were DA Senior Undersecretary Domingo Panganiban, OIC-Director Dr. Paul Limson of the Bureau of Animal Industry and OIC-Director Dr. Clarita Sangcal of…

Read More

P20 KADA KILO NG BIGAS POSIBLE NA – PRES. MARCOS JR.

SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na malapit nang makamit ng Pilipinas ang hangarin nito na mapababa ang presyo ng bigas sa P20 kada kilo. Inihayag ito ni Pangulong Marcos sa paglulunsad ng Kadiwa ng Pasko project na naglalayong maibenta ang mga produkto ng mga magsasaka sa mas murang halaga habang binibigyan naman ng access ang publiko ng “affordable at high-quality products.” Gayunman, pag-amin ng Pangulo, marami pa silang dapat gawin para mapagtagumpayan ang hangarin nitong mapababa ang presyo ng bigas. Nangako si Pangulong Marcos na sisikaping ibaba sa P20…

Read More

ANTI-BALIMBING BILL LUSOT NA SA KAMARA

LUMUSOT na sa committee level sa mababang kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas laban sa mga balimbing na politiko. Sa pagdinig ng House committee on suffrage and electoral reform na pinamumunuan ni Mt. Province Maximo Dalog Jr., agad pinagtibay ang House Bill (HB) 488 na inakda ni Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo. Kasunod ito ng mosyon ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga na gamitin ang Section 48 Rule 10 of the House Rules kung saan hindi na kailangang habaan ang deliberasyon sa panukala dahil noong nakaraang Kongreso ay pinagtibay na ito…

Read More

CONGRESSIONAL OVERSIGHT COMMITTEE SA PAGBUSISI SA CONFI AT INTEL FUND PINABUBUO

ISINUSULONG ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang pagbuo ng senate oversight committee na bubusisi kung paano ginagamit ng ilang tanggapan ng gobyerno ang inilaan sa kanilang confidential at intelligence fund. Inihain ni Zubiri ang resolution sa gitna ng patuloy na plenary deliberation ng Senado sa proposed 2023 national budget kung saan isa sa pinag-uusapan at pinuna ay ang malalaking confidential at intelligence funds ng ilang ahensya ng pamahalaan tulad ng Office of the Vice President, Department of Education at Office of the Solicitor General. Ayon kay Zubiri, matagal nang…

Read More