SANIB-PUWERSA ang Manila Department of Social Welfare (MDSW) at mga tauhan ng Manila Police District – Raxabago Police Station sa pagsagip sa 300 indibidwal na pawang mga Badjao noong Sabado ng gabi. Ito ay kaugnay sa “Oplan Sagip Kalinga” ng pamahalaang lokal ng Maynila alinsunod sa inilabas na Executive Order. Ayon kay MDSW Director Asuncion “Re” Fugoso, nakatanggap sila ng report kaugnay sa pagdagsa ng mga Badjao na bumabalik sa lungsod sa tuwing magpa-Pasko upang mamalimos sa pangunahing mga lansangan na karaniwang gamit pa ang kanilang sanggol bilang pagmamakaawa. Dahil dito, nakipag-ugnayan si…
Read MoreAuthor: admin 2
SARIWANG GULAY NG CAINTA FARMERS IBINIDA
BILANG suporta sa urban farming program ng lokal na pamahalaan, ang mga persons with disabilities (PWDs) ng bayan ay nagtatanim din ng mga gulay sa bakuran ng munisipyo ng Cainta sa lalawigan ng Rizal. “It’s nice to see your own farm produce growing at the municipal grounds vacant area,” post sa social media ni Edwin P. Bayani, isa sa mga PWD. “Kami pong mga PWD ay nagtanim ng patola, okra, papaya, upo, ampalaya at iba pang gulay sa bakanteng espasyo sa tabi ng opisina ng PWD,” aniya. Sinabi ni Cainta…
Read MoreSALISI NA-BROADCAST SA ARENA, TIKLO
CAVITE – Ipinanawagan sa buong arena ang pagnanakaw ng isang construction worker na tumangay ng P10,000 cash sa betting booth na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto sa Imus City sa lalawigang ito, noong Linggo ng hapon. Kinilala ang suspek na si Sonny Lacno y Catarus, 29, isang construction worker, na inireklamo ng pamunuan ng Imus Sports Arena sa Brgy. Anabu 2 D, Imus City, Cavite. Ayon sa ulat, dakong ala-1:20 ng hapon nang pumasok ang suspek sa nasabing arena at nagpanggap na isang bettor. Subalit nang nakakuha ng tiyempo, pumasok ito…
Read MoreCASHIER GRINIPUHAN NG HOLDAPER
LAGUNA – Isang 20-anyos na cashier ang pinagsasaksak ng holdaper sa loob ng Tea Fryday Food Store sa Bonifacio St., Brgy. Canlalaya, sa Biñan City sa lalawigang ito, noong Linggo ng umaga. Base sa ulat ng pulisya, kinilala ang biktimang si Annalyn Bajado , residente ng Brgy. Canlalay ng lungsod na ito. Nasa mabuti nang kalagayan ang biktima sa Perpetual Help Medical Hospital, na tinamaan ng mga saksak leeg, kamay at dibdib. Ayon sa paunang imbestigasyon, pumasok sa nasabing food store ang hindi kilalang suspek na nakasuot ng itim na jacket, green t-shirt, itim…
Read MoreVAN SUMALPOK SA TRUCK 2 PATAY, 4 SUGATAN
BATANGAS – Dalawa ang patay habang apat ang sugatan matapos na sumalpok ang isang van sa hulihang bahagi ng isang truck sa national highway sa Barangay Tulo, sa bayan ng Taal sa lalawigang ito, noong Linggo ng umaga. Batay sa report ng Taal Police, nakahinto ang truck sa gitna ng highway habang naghihintay ng pagkakataon na makaliko pakaliwa nang sumalpok dito ang van na sinasakyan ng magkakapamilyang biktima dakong alas-7:00 ng umaga. Sa lakas ng pagkasalpok, nawasak ang unahang bahagi ng van at napinsala sa iba’t ibang bahagi ng ulo at katawan ang mga…
Read More2 SUSPEK SA HOLDAP, RAPE SA MAGKASINTAHAN SA CALIRAYA TIMBOG
QUEZON – Naaresto na ng mga tauhan ng Lumban Police ang dalawang suspek na nagholdap at nambugbog sa magkasintahang namamasyal sa Caliraya Lake at gumahasa sa babaeng biktima, noong Biyernes ng gabi. Sa follow-up operation ng noong Sabado ng umaga, natimbog sa checkpoint ang mga suspek na isang 38-anyos na construction worker na si Danilo Barimbad Jr. na taga Barangay Lewin, Lumban, at isang 35-anyos na welder na si Joseph delos Reyes na taga Brgy. Bagong Silang, Lumban, Laguna, matapos tumugma sa description ng sasakyang ginamit sa krimen, ang tricycle na sinasakyan…
Read MoreOVERSTAYING CANADIAN HULI SA PANINIRA NG ARI-ARIAN
INARESTO ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) ang isang overstaying Canadian dahil sa umano’y paninira ng mga ari-arian sa kanilang subdivision. Kinilala ni BI Commissioner Norman Tansingco ang dayuhan na si Andrew Clark Stewart, 62, naaresto noong nakaraang Oktubre 18 dakong alas-10:00 ng umaga sa harapan ng kanilang bahay sa Angeles City, Pampanga. Ayon kay Tansingco, ang pag-aresto ay kasunod ng reklamo na isinampa laban kay Stewart para sa kanyang ‘unbecoming conduct’ sa subdivision kung saan siya nakatira. “When our officers approached Stewart, he failed to present a valid passport or…
Read MoreQC COP, SIGA PATAY SA ENGKWENTRO SA KANKALOO
NAGLULUKSA ang mga miyembro ng Quezon City Police District (QCPD) sa ilalim ni P/BGen. Nicolas Torre III, sa pagkamatay ng kanilang kasamahan sa QCPD SWAT Team na nagresponde sa walang habas na pagpapaputok ng baril sa nasabing lungsod noong Linggo. Kinilala ni Torre ang napatay na si Police Corporal Noel Ogano, habang sugatan naman ang kanyang kasamahan na si P/Lt. Col. Jerry Castillo, pawang nakatalaga sa QCPD SWAT. Lumalabas sa report na ang suspek na kinilalang si Martin Luther Nuñez, 42-anyos, dating Philippine Merchant Marine Academy (PMMA) cadet at residente…
Read MorePBBM SUPORTADO DENUCLEARIZATION NG KOREAN PENINSULA
SUPORTADO ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagsisikap ng South Korea para sa denuclearization ng Korean Peninsula. Nagpahayag naman siya ng pangamba sa patuloy na missile testing ng North Korea. “This is of great concern and we are fully supportive of the Republic of Korea in all your efforts to denuclearize North Korea,” ang naging pahayag ni Pangulong Marcos sa idinaos na bilateral meeting kasama si South Korean President Yoon Suk Yeol sa Sokha Hotel sa Phnom Penh, Cambodia sa sidelines ng 40th at 41st ASEAN Summit and Related Summits,…
Read More