NAHAHARAP sa kasong Acts of Lasciviousness ang isang municipal councilor matapos ireklamo ng kanyang kaibigang babae sa Unisan, Quezon. Ayon sa Unisan police, ipinagharap ng sakdal ng 23-anyos na dalaga ang 51-anyos na konsehal na si Ruel Manalo matapos umano siyang paghihipuan nito sa maseselang bahagi ng katawan habang sila ay nag-iinuman sa isang bahay sa kanilang barangay noong maghahating gabi ng November 9. Nitong nakalipas na Biyernes isinampa ang kaso laban sa konsehal. (NILOU DEL CARMEN) 398
Read MoreAuthor: admin 2
DAGDAG X-RAY SCANNERS VS. SMUGGLERS
SA hangaring mas paigtingin pa ang pagbabantay sa mga pumapasok at lumalabas na bagahe at kargamento, nagtalaga ng mas maraming X-ray scanners ang Bureau of Customs (BOC) sa mga pinangangasiwaang pantalan at tanggapan ng kawanihan sa iba’t ibang paliparan. Sa kalatas ng BOC X-Ray Inspection Project, kabilang sa mga pinostehan ng makabagong X-ray scanners ang Boracay International Airport kung saan lumalapag ang mga turistang layong masilayan ang natatanging white-sand beach sa bayan ng Malay, lalawigan ng Aklan. Dagdag Nuctech mobile container X-ray scanner naman ang ipinadala sa Port of Cebu,…
Read MorePRIBILEHIYO NG OFWs, ‘WAG ABUSUHIN – BOC
MATAPOS sumingaw ang alingasngas kaugnay ng paghahatid ng mahigit 7,805 balikbayan boxes sa mga kaanak ng mga Pilipinong manggagawa sa ibayong dagat, agad na ipinag-utos ni Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz na tapusin ang free delivery bago pa man sumapit ang mismong araw ng Pasko. “What our commissioner did was come up with a system to ensure the balikbayan boxes will reach the OFWs’ intended beneficiaries. Before they were just abandoned and subjected to auction, but now, the commissioner has given the assurance that they will be delivered free of…
Read MoreClaimant dakip sa controlled delivery ops DAMO NALAMBAT SA PARAÑAQUE
HINDI na nagawang pumalag ng isang 25-anyos na claimant matapos dakpin ng pinagsanib na pwersa ng Bureau of Customs (BOC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa aktong pagtanggap ng isang bagaheng naglalaman ng high-grade marijuana, sa Lungsod ng Parañaque. Kinilala ang suspek sa pangalang Kristoffer Angelo Delgado na residente ng Barangay Don Bosco ng naturang lungsod. Sa isang kalatas ng BOC, Oktubre 24 nang dumating sa Port of Clark sa Pampanga ang drogang nagkakahalaga ng P925,000. Nabisto diumano ang kargamentong idineklarang lambat matapos isalang sa X-ray scanner, trace detector…
Read More13 SAKOTE, P4M SMUGGLED YOSI TIMBOG SA MINDANAO
TILA hinahamon ng mga sindikato ang kampanya ng Bureau of Customs (BOC) laban sa mga malawakang cigarette smuggling sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Patunay nito ang kabi-kabilang tangkang magpalusot ng mga imported na sigarilyo sa Maguindanao at Davao. Sa isang kalatas, muling nanawagan si Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz sa 17 district collectors na pag-ibayuhin ang pagtugis at pagsawata sa mga cigarette smuggler, kasunod ng matagumpay na operasyon sa mga naturang lalawigan. Pinakamalaki ang nahagip sa Davao City kung saan aabot sa P3-milyong halaga ng mga smuggled na yosi…
Read MoreSa pagtatapos ng Nobyembre RECORD-HIGH P900B TARGET
Ni JOEL O. AMONGO BAGAMA’T nakasisiguro na ang Bureau of Customs (BOC) na mahahagip ng kawanihan ang 2022 target revenue, puntirya naman ng liderato ng nasabing ahensya ang makapagtala ng “all-time high” revenue collection sa pagtatapos ng buwan ng Nobyembre. Sa isang pahayag, sinabi ni Customs spokesperson Arnaldo Dela Torre na asam ngayon ni Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz na makapagsampa ng P800 hanggang P900 bilyong ganansya mula sa buwis at taripang kalakip ng dumadagsang kargamento. “My guess is that our Commissioner’s prayer is that we reach the PHP 800…
Read MoreBATA NALUNOD, 2 PINSAN NASAGIP SA QUEZON RIVER
QUEZON – Nalunod ang isang 10-anyos na batang lalaki habang nailigtas ang dalawa nitong batang pinsan habang naliligo sa ilog sa bayan ng Candelaria sa lalawigang ito, noong Sabado ng umaga. Ayon sa report ng Candelaria Police, dakong alas-11:30 ng umaga, naliligo ang tatlo sa Masin River sa Sitio Baloyboy, Brgy. Masin Sur, nang mapunta ang mga ito sa malalim na bahagi ng ilog. Nakita naman ng mga bystander ang pangyayari na mabilis na sumaklolo. Agad sinagip ang tatlo at isinugod sa ospital subalit idineklarang dead on arrival ang batang lalaki. Nasa…
Read More2 ARESTADO SA P244M SHABU SA CAVITE
CAVITE – Tinatayang umabot sa P244 milyong halaga ng umano’y shabu ang nasamsam sa arestadong dalawang suspek sa isinagawang buy-bust operation sa Imus City noong Sabado ng gabi. Kinilala ang dalawang arestado na sina Datu Ali Sampulna y Dayo, 38, at Almira Sampulna y Karao, 30, online seller, kapwa ng Poblacion 7, Cotabato City. Ayon sa ulat ni Corporal Archie Agustin ng Imus City Police Station, dakong alas-7:20 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang pinagsanib na puwersa ng mga operatiba ng PDEG, SOU 4B (lead unit), at Imus CPS sa Block 1, Lot…
Read More19 SUSPECTS TIMBOG SA ONE-DAY ANTI-DRUG OPS NG LAGUNA PNP
LAGUNA – Arestado ang 19 indibidwal sa isinagawang one day anti-illegal drugs operations ng Laguna PNP noong Biyernes. Ang one day anti-illegal drugs operations ng Laguna PNP ay nagresulta sa pagkakaaresto sa 19 drug personalities, sa isinagawang 14 operasyon sa buong probinsiya, kumpiskado naman ang 9.62 gramo ng hinihinalang shabu at 52 gramo ng hinihinalang marijuana, na may kabuuang halaga na umabot sa P46,190. Kasalukuyang nasa kustodiya ng kanya-kanyang operating units ang naarestong mga suspek habang ang kumpiskadong mga ebidensya ay isusumite sa Crime Laboratory para sa forensic examination. Nahaharap ang…
Read More