NAAKTUHAN ng driver ng Department of Public Safety (DPS) ng Manila City Hall, ang dalawang lalaki habang sinisipsip ang krudo mula sa tangke ng kanilang truck sa Malate, Manila nitong Sabado ng umaga. Kinilala ang mga suspek na sina John-john Arcilla, 29, alyas “Epong”, miyembro ng Bahala Na Gang (BNG) at Philip Tigtig, 30, alyas “Nognog”, kaanib ng Batang City Jail (BCJ). Batay sa ulat na nakarating kay Police Lieutenant Colonel Salvador Tangdol, commander ng Manila Police District-Malate Police Station, bandang alas-12:30 ng madaling araw nang sipsipin ng mga suspek…
Read MoreAuthor: admin 2
HILING NG DOH: HEALTH PROTOCOL IPATUPAD SA CHRISTMAS SEASON
HINILING ng Department of Health sa publiko na ipatupad pa rin ang health protocol laban sa Covid-19 sa nalalapit na Christmas season. Ito ay bunsod ng pagpapaluwag ng pamahalaan sa health restrictions sa matataong mga lugar sa pamamagitan ng boluntaryong pagsusuot ng facemask sa loob at labas ng mga establisimyento. Ayon kay DOH-OIC Maria Rosario Vergeire, ngayong patuloy nang pinagagaan ang paghihigpit tulad nang boluntaryong pagsusuot ng face mask sa indoors at outdoors, dapat ipabatid sa lahat na mataas pa rin ang risk level sa Covid-19 kaya mas makabubuting magsuot pa…
Read MoreSUNDALO PATAY SA ANTI-DRUG OPERATION
NAPATAY ang isang aktibong miyembro ng Philippine Army na sinasabing kasapi ng organized drug group na kumikilos sa Bicol Region, sa inilunsad na anti-narcotics operation ng Philippine Drug Enforcement Agency. Kinilala ng PNP Regional Police Office 5 ang napaslang na sundalo na si Corporal Aaron Magbuhat, 33-anyos, miyembro ng Rigo-Magbuhat drug group at sinasabing isang high value target at kabilang sa Regional Watchlist sa Bicol. Ayon kay P/Maj. Larry Niño Prepotente, hepe ng Guinobatan MPS, isang joint buy-bust operation ang inilatag ng PDEA at PNP laban sa suspek. Subalit nauwi…
Read MoreDENTAL CLINIC SA CAVITE HINOLDAP NG ‘PASYENTE’
CAVITE – Tinutugis ng Cavite Police ang isang 27-anyos na lalaki na nagpanggap na pasyente sa isang dental clinic makaraang holdapin ang nasabing establisimyento at tinangay ang P25,000 cash at gadgets sa Dasmariñas City, Huwebes ng gabi. Personal na dumulog sa tanggapan ng pulisya ang mga biktimang sina Ria Anne Valenzuela y Animas, 25, dentista; Patricia Kaye Mendoza y Sambrano, 25, dental assistant, at Melody Dela Cruz y Gustilo, 30, pasyene. Kinilala naman ang suspek sa pamamagitan ng gallery ng pulisya na si Jeffrey Encarnacion y Malimban, ng Satellite II, Brgy. Sabang…
Read More4 TRABAHADOR NAKURYENTE, 1 PATAY, 3 SUGATAN
QUEZON – Isa ang patay habang tatlo ang sugatan matapos makuryente habang naglalagay ng poste ng solar lights sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Brgy. Talisay, sa bayan ng Tiaong sa lalawigang ito, noong Huwebes ng hapon. Idineklarang dead on arrival sa ospital ang biktimang si Christian Caalaman, residente ng Lucena City, dahil sa mga pinsala sa ulo at katawan. Nalapnos naman ang ilang bahagi ng katawan ng tatlo pang mga biktimang sina Arnel Dela Cruz, 42, kapatid nitong si Ronel Dela Cruz , 34, at Jomel Benuza, 23, pawang taga Lopez, Quezon. Base sa imbestigasyon ng…
Read MoreAKTIBONG PULIS HULI SA SEXTORTION
ISANG aktibong kasapi ng Philippine National Police ang inaresto sa loob ng motel ng mga tauhan ng PNP-Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) sa San Jose Del Monte, Bulacan. Ito ay matapos na ireklamo ng kanyang dating karelasyon na pinagbantaang ikakalat ang kanilang mga sex video kung hindi makikipagtalik sa kanya. Kinilala ni IMEG Director Police Brig. Gen. Warren de Leon ang suspek na si Patrolman Julius Ramos na nakatalaga sa Service Support Division, Intelligence Group sa PNP Headquarters sa Camp Crame. Huli sa akto sa ikinasang entrapment operation ang pulis…
Read MoreOPERATOR NG SABUNGAN PATAY SA PANANAMBANG
BATANGAS – Nalagutan ng hininga ang isang negosyanteng operator ng isang sabungan matapos tambangan ng hindi kilalang mga suspek habang pauwi sa kanilang bahay sa Tanauan City sa lalawigang ito, noong Huwebes ng gabi. Namatay habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang biktimang si Joselito de Chavez dahil sa mga tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Batay sa report ng Tanauan City Police, dakong alas-8:30 ng gabi, minamaneho ng biktima ang kanyang pick-up pauwi sa kanilang bahay mula sa sabungan, nang tadtarin ng bala ang…
Read MoreWELDER PATAY SA KATAGAY
PATAY ang isang 44-anyos na welder nang saksakin ng katrabaho sa Valenzuela City. Pinagkakapehan na ang biktimang si Arnel Dante, habang ibinalibag sa selda ang suspek na si Jeffrey Boco, 35-anyos. Ayon sa ulat ng pulisya, nangyari ang insidente noong Nobyembre 9 sa Mabini St., Barangay Karuhatan, ng lungsod, kung saan nagtalo Ang dalawa matapos makipag-inuman sa iba pang mga kasamahan. Naawat naman umano ang dalawa ngunit sinundan ng suspek ang biktima nang matutulog na ito. Muling nagkaroon ng komosyon at nang puntahan ng iba pang trabahador ang kaguluhan ay bumulaga…
Read MoreNAKIPAGSAKSAKAN, PINAGLAMAYAN
PATAY ang isang lalaki nang makipagsaksakan sa matagal nang kaalitan sa Valenzuela City noong Miyerkoles. Bangkay na itinanghal si Samuel Repuya, 41, ng Barangay Canumay East, ng lungsod, habang arestado naman ang suspek na si Roberto Galera, alyas “Obet”, 47, ng Barangay Lingunan, Valenzuela City. Nangyari ang krimen noong Nobyembre 9 sa Acacia St., Barangay Lingunan, kung saan kinompronta ng biktimang sakay ng motorsiklo ang suspek sa dahil sa dati nilang alitan. Humantong ito sa mainitang pagtatalo hanggang sa saksakin ni Galera si Repuya. Gumanti naman ng saksak si Repuya at tumakbo…
Read More