RAPE SUSPECT NALAMBAT SA MALABON

DINAMBA ng Malabon City Police ang isang lalaking wanted sa kasong rape sa lungsod. Kalaboso ang suspek na si Nico Fernando, 21, binata, obrero, ng Brgy. Bayan-bayanan, Malabon City. Ayon sa ulat, dakong alas-6:00 ng gabi noong Nobyembre 9 nang dakpin ng mga awtoridad si Fernando sa kanyang bahay. Hinuli ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Abigail Santos Domingo-Lylo, ng Malabon City RTC, sa kasong rape. Walang inirekomendang pyansa ang korte para sa kaso ng nasabing suspek. (ALAIN AJERO) 248

Read More

2 EX-MTPB MEMBERS TIMBOG SA EXTORTION

ARESTADO ang dalawang dating  miyembro ng Manila Traffic and Parking Bureau ( MTPB) sa aktong nangongotong ng mga motorista sa Quirino Avenue, Pandacan, Manila noong Biyernes ng madaling araw. Kinilala ang mga suspek na sina Rocky Macarian, 34, may asawa, ng Bo. Barona St., Pandacan, at Jeromie Millel, 43, may asawa, ng Concha Street, Tondo. Ayon kay Police Major Edward Samonte, hepe ng District Investigation Division-Special Mayor’s Reaction Team ( SMaRT) ng Manila Police District, bandang alas-4:30 ng madaling araw nang maaktuhan ang dalawa habang nagmamando ng trapiko sa nasabing lugar.…

Read More

OBRERO NAKURYENTE, DEDO

NANGISAY hanggang sa namatay ang isang 21-anyos na construction worker sa isang construction site sa Malacañang Park noong Huwebes ng hapon. Kinilala ang biktimang si Leonard Bulado Jr., binata, tubong Masbate City, at stay-in sa EP Clubhouse barracks sa loob ng Malacañang Park. Base sa ulat na isinumite ni Det. Jason Ibasco kay Police Lieutenant Dennis Turla, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, bandang alas-3:10 ng hapon nang makuryente ang biktima. Ayon sa imbestigasyon ni Det. Ibasco, may hawak ng kaso, bumalik umano ang biktima sa itinatayong gusali matapos itong …

Read More

TRAFFIC ADVISORY NOVEMBER 11, 2022 METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

DPWH TO CONDUCT WEEKEND ROAD REBLOCKING The Department of Public Works and Highways will undertake reblocking and repairs on the following roads starting 11pm tonight, November 11, until November 14: 1. EDSA NB, Quezon City Boni Serrano flyover Service Rd. Boni Serrano to Main Ave. 1st lane from sidewalk, after P. Tuazon flyover to before EDSA/Aurora Blvd. tunnel 2nd lane from center island (fast lane), EDSA-Kamuning Bus Carousel Station Bus Carousel lane, after Aurora Blvd. to near New York St. 3rd lane from sidewalk (intermittent section) 2. Commonwealth Avenue Southbound…

Read More

Meralco, nagsagawa ng malawakang aktibidad para lalong palakasin ang distribution network

Makikita sa larawan ang mga tauhan ng Meralco habang nagsasagawa ng malakihang maintenance project na nakakasakop sa sampung (10) barangay sa lungsod ng Pasay.  Bahagi ang proyektong ito ng kanilang grid resiliency at storm-hardening program na naglalayong mapabuti ang system reliability at service delivery ng Meralco.  121 na mga line crew ang nag install ng 9.3 kilometrong covered conductors, overhead shield wires, at nag palit ng mga poste.  Tuluy-tuloy sa pagta-trabaho ang Meralco at ang mga subsidiaries nito upang palakasin ang distribution system nito para makapag-hatid ng ligtas, sapat, maaasahan,…

Read More

GINANG TINADTAD NG MANUGANG

KALUNOS-LUNOS na kamatayan ang sinapit ng isang ginang matapos pagtatagain ng kanyang manugang sa isang coastal barangay sa Mariveles, Bataan, Martes ng hapon. Ang biktima ay si Lorna Macayan, 47-anyos habang sugatan naman ang asawa nito na si Jonathan Mahinay, 40-anyos, isang mangingisda. Sa inisyal na imbestigasyon ng Mariveles police, unang pinagtataga ng suspek na si Toto Catunda ang kanyang biyenang lalaki habang ito ay nagpapahinga sa duyan sa kanilang bahay sa Sitio Pitas Island, Brgy. Ipag dakong alas-5:45 ng hapon. Bagama’t tinamaan sa ulo ay nagawang makatakbo ni Jonathan…

Read More

ASPIRING RAPPER BINARIL SA ULO

patay

ANTIPOLO CITY – Dead on the spot ang isang binata matapos na barilin  sa ulo ng hindi kilalang suspek sa lungsod na ito noong Miyerkoles ng gabi. Kinilala ang biktimang si John Mark Cinco, 18, isang aspiring local rapper at residente ng Antipolo City. Batay sa report ng Antipolo City Police, dakong alas-7:30 ng gabi, nakatambay ang biktima sa harap ng isang sari-sari store sa Sitio Ruhat 5 Upper, Brgy. Mambugan kasama ang ilang kaibigan nang dumating ang nag-iisang suspek. Bumili muna ng juice sa tindahan ang suspek at saka biglang bumunot ng baril…

Read More

68-ANYOS PATAY SA SUNTOK NG 64-ANYOS

patay

CAVITE – Nawalan ng malay at nalagutan ng hininga ang isang 68-anyos na lolo makaraang suntukin ng isang 64-anyos na senior citizen sa Cavite City noong Miyerkoles ng umaga. Idineklarang dead on arrival sa Bautista Hospital ang biktimang si Rogelio Maluto y Guinto, binata, driver, ng Brgy. 17, Cavite City dahil sa suntok mula kay Romeo Bautista y Olores, 64, binata, isa ring driver, ng Brgy. 44, Cavite City. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Elfe Galit ng Cavite City Police, dakong alas-11:30 ng umaga nang mangyari ang insidente sa parking ng…

Read More

PAGBABALIK MUNISIPYO NG EX-MAYOR NAUDLOT SA BARIKADA

NAPURNADA sa dami ng nakabarikadang residente ang pagbabalik sa munisipyo ng dating mayor sa malayong bayan ng Jomalig sa lalawigan ng Quezon. Sa panayam sa mga residenteng nakapalibot sa gusali ng pamahalaang bayan, nanawagan ang mga kinatawan ng iba’t ibang sektor kay dating Jomalig Mayor Rodel Espiritu na maging mahinahon kasabay ng pakiusap na idaan sa legal ang usapin hinggil sa naging resulta ng nagdaang halalan. Nitong nakalipas na Sabado, tinungo ng mga residente mula sa limang barangay ang poblacion kung saan sila nananatili sa hangaring pigilan ang di umano’y…

Read More