NAKATAKDANG BAR EXAMS TULOY

WALANG pagbabago sa isasagawang bar examination ngayong 2022 mula sa orihinal na iskedyul, ayon sa Supreme Court (SC). Pahayag ito ng SC matapos lumutang ang mga agam-agam na posibleng masuspinde ang pagsusulit dahil sa naging pinsala ng bagyong Paeng sa iba’t ibang parte ng bansa. Ayon kay SC spokesperson Brian Hosaka, tuloy ang pagsunod nito sa inilabas na Bar Bulletin No. 6, S. 2022 ni Associate Justice Alfredo Benjamin Caguioa, na pagdaraos ng mga pagsusulit sa Nobyembre 9, 13, 16 at 20. Ipagpapatuloy rin ng SC ang paggamit ng Examplify,…

Read More

UNDAS 2022 GENERALLY PEACEFUL – PNP

PAYAPA at matiwasay na nairaos ang paggunita sa All Saints’ Day at All Souls Day sa bansa, ayon sa Philippine National Police. Sa datos na ibinahagi ni PNP spokesperson Police Col. Jean Fajardo, walang naitalang krimen o karahasan ang pambansang kapulisan habang ginugunita ng sambayanang Pilipino ang Undas. Wala rin umanong nakalap na anomang security threat ang PNP. Sa dalawang araw na mahigpit na pagbabantay ng mga awtoridad ay may mga nakumpiska lamang na mga ipinagbabawal na kagamitan mula sa mga taong nagtutungo sa mga sementeryo para maglinis at bumisita…

Read More

6 PATAY SA BAGYONG PAENG SA QUEZON

patay

QUEZON – Anim na katao ang naitalang namatay sa pananalasa ng Bagyong Paeng sa lalawigang ito. Ayon kay Quezon PDRRMO head Dr. Melchor Avenilla Jr., lima sa mga biktima ay nalunod sa mga bayan ng Dolores, Guinayangan, Pagbilao, Padre Burgos, Infanta at Lucena. Nalunod sa ilog sa Barangay Boboin sa bayan ng Infanta  si Jerald Sinar habang ito ay namumulot ng inaanod na mga kahoy. Kinilala naman ang nalunod sa Barangay Ligpit Bantayan sa bayan ng Guinayangan na si Michael Perez, 49-anyos. Nalunod naman sa bayan ng Padre Burgos ang 58-anyos na si…

Read More

KAPATID SINAGIP, ESTUDYANTE NALUNOD

QUEZON – Nalunod ang isang 20-anyos na babaeng estudyante nang tangayin ng alon matapos na sagipin ang kanyang kapatid sa isang beach resort sa Sitio Aplaya, Brgy. Bignay 1, sa bayan ng Sariaya sa lalawigang ito, noong Undas. Kinilala ang biktimang si Patricia Macinas, residente ng Brgy. Masalukot 5, bayan ng Candelaria. Batay sa report ng Sariaya Police, nag-picnic ang magkakamag-anak kasama ang biktima sa resort kasabay ng paggunita sa Undas. Subalit habang naliligo ang biktima at kapatid nitong babae sa tabing dagat, biglang natangay ang mga ito ng mga alon patungo sa malalim…

Read More

8 TONELADANG RELIEF GOODS NAIPAMAHAGI NG PCG

AGAD ipinamahagi ng Philippine Coast Guard (PCG) sa mga nasalanta ng bagyong “Paeng” ang nakalap na mahigit walong toneladang relief goods mula sa donation drive ng pamahalaan. Nasa 3,600 family packs buhat sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang ibiniyahe nitong Martes ng BRP Melchora Aquino (MRRV-9702) mula Maynila papuntang Iloilo. Kasabay nito ang BRP Romblon (SARV-3503) na may sakay namang 50 sako ng tig-50 kilo ng bigas. Tatanggapin ito ng DSWD Region VI para sa agarang pamamahagi sa mga pamilyang nasalanta ng Bagyong Paeng sa rehiyon. Sa…

Read More

4 KALABOSO SA P.2M SHABU

KALABOSO ang apat na hinihinalang tulak ng ilegal na droga nang makumpiskahan ng mahigit P.2 milyong halaga ng umano’y shabu sa magkakahiwalay na buy-bust operations sa Navotas City. Dakong alas-7:30 ng gabi nang masakote sa operasyon sa Langaray St., Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS), Dagat-Dagatan sina John Claudy Labongray alyas “Daboy,” 20, at Thelma Israel, 52, kapwa ng Tondo, Manila, at nakumpiskahan ng 10.2 gramo ng shabu na P69,360 ang halaga, at P300 marked money Bandang alas-7:45 ng gabi naman nang isagawa ang operasyon sa Tanigue Ext., Brgy. NBBS, Dagat-dagatan…

Read More

NAGSUGAL KAHIT UNDAS, 8 SABUNGERO SWAK SA REHAS

NADAKIP ang walong sabungero sa ikinasang operasyon ng mga operatiba ng District Special Operation Unit ng Manila Police District sa isinasagawang tupada sa Aroma Compound, Barangay 105, Tondo, Manila, noong Martes ng umaga, habang ginugunita ang Araw ng Undas. Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 (d) ng Presidential Decree 448 (Cockfighting Law of 1974) na inamiyendahan sa PD 1602 (illegal gambling) ang walong sabungero na pawang mga residente ng Aroma Compound at Vitas sa Tondo, Manila habang nag-iisa lamang ang residente ng Navotas City. Batay sa ulat ni Police Major Rommel…

Read More

LALAKI TIKLO SA P100K SHABU

KALABOSO ang isang lalaki nang makumpiskahan ng mahigit P100,000 halaga ng umano’y shabu sa Caloocan City. Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Act of 2002 ang suspek na si Mahid M.Condaraan, 33, ng Barangay 188, Tala, ng lungsod. Dinamba ang suspek sa MRH Site Four, Barangay 188, ng lungsod, dakong alas-2:30 ng madaling araw noong Nobyembre 1. Nasamsam sa dinakip ang 15 gramo ng umano’y shabu na may presyong P102,000, at buy-bust money. (ALAN AJERO) 399

Read More

KONGRESO NAKALIKOM NG P35M PARA SA APEKTADO NI PAENG

NAGPAHAYAG si House of Representatives, Speaker, Martin Romualdez nang kalungkotan sa hindi inaasahang pagbayo sa buong bansa ng bagyong Paeng na nanalanta sa kabuhayan ng marami nating kababayan lalo sa mga apektadong lugar. Agad na pinakilos ni Romualdez ang kanyang tanggapan na tutukan at magsagawa ng round the clock meetings sa kaukulang ahensya at Local Government Units upang masiguro ang kaligtasan at pangangailangan ng mga apektadong pamilya ng tropical storm na bumulaga sa bansa sa hindi naging magandang long weekend sa paggunita sa araw ng mga namayapa. Sinabi ni Romualdez,…

Read More