ARESTADO ang isang lalaki makaraang apat na beses na saksakin ang umawat na kapitbahay dahil sa pagwawala ng suspek bunsod ng nakabalagbag na bisikleta sa Valenzuela City. Sinakote ng mga awtoridad ang suspek na si Marc Ale B. Canuto, 29, habang itinakbo sa Valenzuela Emergency Hospital at inilipat sa Valenzuela Medical Center kung saan nananatiling nakaratay ang biktimang si Jayrald Cabrera, 38-anyos. Nangyari ang insidente dakong umaga noong Oktubre 27 sa Dela Cruz St., Dulong Tangke, Malinta, ng lungsod, kung saan nagwala umano si Canuto dahil may nakaharang na bisikleta sa daanan niya.…
Read MoreAuthor: admin 2
Grupo ng kababaihan nangangalap na ng pirma PETISYON KONTRA 12% VAT SA PAGKAIN IKINASA
MANGANGALAP ng lagda ang grupo ng kababaihan para sa ihahaing petisyon sa Palasyo ng Malacanang para igiit kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na sertipikahan bilang urgent ang panukalang batas na alisin ang 12% value added tax (VAT) sa pagkain. Bukod dito, isasama sa petisyon ang House Bill (HB) 4898 o pagkakaroon ng national minimum wage sa pribadong sektor sa gitna ng lumalalang krisis sa pagkain dahil sa pagtaas na presyo ng mga pangunahing bilihin. Ayon sa grupo ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas, mula noong Huwebes ay inilunsad nila…
Read MoreOBRERO BUKING SA BARIL, PEN GUN
TIMBOG ang isang 33-anyos na construction worker makaraang makumpiskahan ng baril at pen gun sa isinasagawang “Oplan Galugad” ng mga operatiba ng District Special Operation Unit ng Manila Police District sa Isla Puting Bato, Tondo, Manila noong Sabado ng hapon. Kinilala ni MPD Director Brigadier General Andre Perez Dizon ang suspek na si Ronilo Jay Cacharo, ng Purok 2, Isla Puting Bato, Barangay 20, Zone 2 sa Tondo. Base sa ulat ni P/Major Rommel Purisima, hepe ng DSOU ng MPD, bandang ala-1:00 ng hapon nang mamataan ang suspek na kahina-hinala…
Read MoreTOP 4 MOST WANTED PERSON, NASILAT
ARESTADO ang isang ginang na top 4 most wanted person sa kasong ilegal na droga, sa ikinasang Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation ( SACLEO ) ng mga operatiba ng Intelligence and Warrant Section ng Manila Police District sa Sampaloc, Manila. Bukod sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002), nahaharap din ang ginang sa kasong paglabag sa Cybercrime Prevention Act (RA 10175) at theft. Ayon kay Police Lieutenant Colonel Wilson Villareal, commander ng MPD-Sampaloc Police Station 4, ang hindi na pinangalanang suspek ay pang-apat sa…
Read MoreHabang humahagupit ang Bagyong Paeng sa Or Mindoro MAYOR TEVES NAG-IKOT SA COASTAL BARANGAYS
SA gitna ng malakas na hagupit ng hangin at ulan dala ng Severe Tropical Storm Paeng, hindi nag-atubili ang grupo ni Naujan, Oriental Mindoro Mayor Henry Joel C. Teves na mag-ikot upang malaman ang kalagayan ng kanyang mga kababayan partikular iyong mga nasa coastal areas. Kasama si Private Secretary Warly Jose Panganiban, binisita ni Mayor Teves ang coastal barangays kabilang ang Barangay Estrella, San Jose, Melgar A at Melgar B. Inalam ng alkalde ang kalagayan ng mga residente at pinaalalahanan sila na maging laging handa at alerto sa anomang pwedeng…
Read MoreSuspek nabuking habang katalik si misis MISTER PINALAKOL NG KAINUMAN
CAVITE – Sugatan ang isang 31-anyos na magbubukid nang palakulin sa balikat ng kabaro nito matapos maaktuhan ng biktima ang suspek habang katalik ang kanyang live-in partner sa kanilang bahay sa bayan ng Mendez sa lalawigang ito, nitong Linggo ng madaling araw. Nilalapatan ng lunas sa Ospital ng Tagaytay ang biktimang si Edgar Dayaganon Endozo, 31, ng Brgy. Anuling Cerca 2, Mendez, dahil sa tama ng palakol sa balikat. Arestado naman ang suspek na si Samuel Dalaguit Valdueza, 29, isa ring magbubukid. Ayon sa ulat ni Corporal Mark Lester Anacan ng Mendez…
Read More3 CAFGU PATAY SA AMBUSH
COTABATO – Dead on the spot ang tatlong kasapi ng Citizen Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) nang tambangan ng armadong kalalakihan kahapon ng umaga sa lalawigang ito. Ayon sa ulat ng military at ng Cotabato PPO, bandang alas-5:30 ng umaga isinagawa ng hinihinalang lawless element ang pag-ambush sa grupo ng paramilitary. Agad na namatay sa insidente sina Ariel Cedino Jr., Uy-uy Mancera at Joel Chavez, pawang kasapi ng CAFGU sa ilalim ng 90th Infantry (Bigkis-Lahi) ng Battalion Philippine Army. Lumitaw sa pagsisiyasat ng Philippine Army 602nd Brigade, sakay ng motorsiklo…
Read More50 PAMILYA NA-TRAP NG BAHA SA QUEZON
TINATAYANG 50 pamilya na binubuo ng mahigit 150 indibidwal, ang na-trap sa isang sityo sa Brgy. Manggalang Bantilan, sa bayan ng Sariaya sa lalawigan ng Quezon, matapos na maanod ng baha ang kanilang tanging daanan na isang hanging bridge, sa kasagsagan ng paghagupit ng Bagyong Paeng. Ayon sa isang residente ng Sityo Sinturisan na si Rodel Triviño, dakong alas-4:00 noong Sabado ng hapon nang bumigay ang 30 metrong habang hanging bridge dahil sa lakas ng agos ng tubig-baha na sumalpok dito. Sa huling text message na naipadala nito, binaha rin ang…
Read MoreMANILA EAST ROAD SA MABITAC, LAGUNA ‘DI NA MADAANAN DAHIL SA BAHA
HINDI na madaanan ng maliliit na mga sasakyan ang bahagi ng Manila East Road sakop ng bayan ng Mabitac sa lalawigan ng Laguna. Ito ay dahil sa mataas na baha sa lugar na sakop na Barangay Naguma na nag-uugnay sa mga bayan ng Famy-Siniloan at Mabitac na patungo sa Rizal at Metro Manila via Pililla. Ayon kay Mabitac Police chief, P/Capt. Earl Jangalay, mula alas-7:00 ng umaga nitong Sabado ay tumaas na ang tubig-baha at nadadaanan pa ng maliliit na mga sasakyan. Pero dakong alas-11:00 ng tanghali ay umabot na sa…
Read More