DRUG COURIER TIKLO SA P92-M SHABU

kulong

UMABOT sa P92 milyong halaga ng umano’y shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad sa isang babaeng dayuhan na umano’y drug courier, sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 sa Pasay City noong Biyernes ng gabi. Ang nasabing 40-anyos na babae na mula South Africa at may kasamang menor de edad, ay nadakip ng magkasanib na puwersa ng Bureau of Customs (BOC), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) at nakumpiska ang P92.24 milyong halaga ng umano’y shabu. Napag-alaman, bandang alas-11:00 ng gabi noong Biyernes nang…

Read More

BAKWET SA QUEZON UMABOT NA SA 8K KATAO

UMABOT na sa mahigit 8,000 katao mula sa 2,670 na pamilya ang inilikas sa evacuation centers sa Lalawigan ng Quezon. Ito ay matapos na magsagawa ng preemptive evacuation sa 20 bayan sa nasabing lalawigan. Pinakamarami sa mga inilikas ay mula sa bayan ng Mulanay na may 3,034 evacuees, at mula sa bayan ng Panukulan na may 1,521 lumikas. May mga inilikas rin sa mga bayan ng Tayabas City, 40; Agdangan,13; Atimonan, 942; Burdeos, 176; Calauag, 173; General luna, 139; Guinayangan, 120; Gumaca, 490; Jomalig, 80; Lopez, 8;  Patnanungan, 90; Perez, 369; Pitogo, 857; Plaridel, 183;…

Read More

4 TULAK NABITAG SA MALABON

KALABOSO ang apat na drug personalities makaraang matiklo sa buy-bust operation kahapon ng madaling araw sa Malabon City. Magkakasunod na ibinalibag sa selda ang mga suspek na sina Albert Teel alyas “Buboy,” 35; Paolo Piamonte, 43; Jayson Mendoza alyas “Son,” 30, at Ryan Jay Muring, 41, pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. Ayon sa ulat, dakong alas 2:00 nang madaling araw nang isagawa ang operasyon sa Gen. Luna, Brgy. Ibaba, at nang tanggapin ang P500 marked money mula sa isang undercover cop, kapalit ng isang plastic sachet…

Read More

PNP-NBI SANIB-PWERSA SA IMBESTIGASYON SA LAPID CASE

WELCOME kay Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. ang hakbang na joint investigation ng PNP at National Bureau of Investigation (NBI) sa Percy Lapid slay case maging sa pagkamatay ng middleman na si Jun Villamor. Naniniwala si Azurin na positive development ito para magkaroon ng closure ang kaso ng pagpatay sa beteranong brodkaster. Patunay rin aniya ito na nagkakaisa ang lahat ng kinauukulang ahensiya ng gobyerno para makamit ang katarungan hindi lamang para sa naulilang pamilya ni Lapid, kundi maging sa pamilya ni Jun Villamor. Paliwanag pa…

Read More

31 reported casualties dahil sa baha at landslides VISAYAS AT MINDANAO INILUBOG NI TYPHOON PAENG

HINDI pa ganap na bumabagsak sa kalupaan ang bagyong Paeng ay inilubog na nito ang maraming lugar sa Visaya at Mindanao nang lumikha ito ng flashfloods at landslides. Sa pinagsama-samang  ulat na nakalap at kasalukuyang pang bineberipika ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, sinasabing nasa 31 ang reported casualties sa Maguindanao (16 sa Datu Odin Sinsuat, 10 sa Datu  Blah, at lima sa  Upi). Nabatid na walang typhoon signal na ibinaba sa bahagi ng Maguindanao kaugnay sa paparating na pananalasa ng bagyong Paeng subalit maraming  lugar sa Cotabato…

Read More

11TH OFW & FAMILY SUMMIT 2022 ITINAKDA SA NOV. 18, 2022

INIMBITAHAN ni Sen. Cynthia A. Villar ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs), Seafarers, at kanilang pamilya na lumahok sa 11th OFW & Family Summit 2022 sa November 18, 2022. Idaraos ang summit na may temang “BAGONG SIMULA SA SARILING BANSA,” sa The Tent, Vista Global South, C5 Extension Road, Las Piñas City. Tatalalayin sa summit ang wise investments at mga negosyong maaring simulan ng OFW at miyembro ng kanilang pamilya. Ipinahayag ng senador na kilala sa pangangalaga ng karapatan at kapakanan ng ating migrant workers na kailangan silang magpa-rehistro para…

Read More

LIGTAS NA F2F CLASSES PINATITIYAK

PINATITIYAK ni Senate Committee on Health and Demography chairman Christopher ‘Bong’ Go ang pagpapatupad ng nararapat na mga hakbangin at polisiya upang matiyak ang ligtas na pagbabalik ng face-to-face classes simula sa Nobyembre. “Suportado ko ang desisyon ng ehekutibo at tiwala ako sa kakayahan nilang ipatupad ito nang maayos. Gayunpaman, muli akong nananawagan sa pamahalaan at sa mga school authorities na tiyakin ang kalusugan at kapakanan ng ating mga estudyante sa kanilang pagbabalik sa mga silid-aralan,” apela ni Go. “Bilang Chair ng Senate Committee on Health at miyembro ng Senate…

Read More

Apela sa PDLs ANOMALYA, KONTRABANDO SA KULUNGAN ISUMBONG

HINIKAYAT ni Senador Alan Peter Cayetano ang lahat ng persons deprived of liberty (PDL) kabilang ang mga nasa New Bilibid Prison na lumantad at isumbong sa awtoridad ang nalalaman nilang anomalya o pagpupuslit ng kontrabando sa loob ng piitan upang masawata ang anomang maling gawain. Sa kanyang pagdalo sa selebrasyon ng National Correctional Consciousness Week sa Taguig City Jail kasabay ng kaarawan nito, sinabi ni Cayetano kailangan isumbong sa awtoridad ang anomang illegal na gawain upang hindi na muling mangyari ang katulad ng pagpaslang kay broadcaster Percy Lapid. “Kung mayroon…

Read More

Nasiraan ng radar equipment CHINESE CARGO VESSEL NAPADPAD SA TAYABAS BAY

NAPILITANG dumaong ang isang Chinese cargo vessel sa karagatan ng Tayabas Bay sakop ng bayan ng Pitogo sa lalawigan ng Quezon matapos na ito umano ay masiraan ng kanilang radar equipment at para umiwas sa Bagyong Paeng. Ayon sa report ng Pitogo Police, tanghali pa noong Miyerkoles nang mamataan ng mga mangingisda ang nasabing barko na humimpil sa territorial waters ng nasabing bayan. Agad itong pinuntahan ng mga miyembro ng Pitogo PNP upang magsagawa ng inspeksyon at alamin kung ano ang ginagawa nito sa lugar. Napag-alaman na may sakay na 21 crew…

Read More