CAVITE – Hindi umubra ang modus operandi ng tatlong miyembro ng budol-budol gang, nang maaresto sa follow-up operation matapos na biktimahin ang isang 72-anyos na lola sa Bacoor City sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng hapon. Nahaharap sa kasong swindling (budol-budol), at paglabag sa RA 10591 at RA 9516 ang mga suspek na sina Rolando Samson y Dalisay, 53; Mark Sanchez y De Luna, 33, at Marilyn Geroy y Bañas, 50, dahil sa reklamo ni Jacinta Uriarte y Miranda ng Brgy. Molino IV, Bacoor City, Cavite. Ayon sa reklamo ni…
Read MoreAuthor: admin 2
TINEDYER PATAY, 1 SUGATAN SA AKSIDENTE SA MOTORSIKLO
LUCENA CITY – Patay ang isang 16-anyos na binatilyo habang sugatan naman ang angkas nito nang ang sinasakyan nilang motorsiklo ay sumalpok sa poste ng kuryente sa Brgy. Ibabang Dupay sa lungsod na ito, nitong Huwebes ng umaga. Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang biktimang si Darren Menchero, residente ng Cotta, Lucena City, dahil sa pinsala sa ulo at leeg. Sugatan naman ang backrider nito na si Angelo Pedragosa, 20, residente ng Barangay Mayao Silangan. Batay sa report ng Lucena PNP, dakong alas-5:00 ng umaga nang sumalpok…
Read MoreCAGAYAN NAGHAHANDA SA PANANALASA NI PAENG
NAPANATILI ng Tropical Depression Paeng ang taglay nitong lakas ng hangin, habang nananatili sa karagatan ng Pilipinas, bunsod nito, naghahanda na ang lalawigan ng Cagayan na posibleng tamaan ng bagyo. Naitala ang lokasyon ni Paeng sa layong 845 km sa silangan ng Eastern Visayas. Pero maaaring tamaan ng landfall nito ang Cagayan Valley sa weekend. Sa ngayon ay taglay ng TP Paeng ang lakas na 55 kph at may pagbugsong 70 kph pero pinangangambahang magiging ganap itong tropical storm bunsod na rin nang mabagal na pagkilos nito pa-kanluran sa bilis na…
Read MoreINIHAING KASO NG CALOOCAN PNP VS ‘PEKENG’ KIDNAPPING IBINASURA
IBINASURA ng Office of City Prosecutor ng Caloocan City ang mga kasong isinampa ng Caloocan City Police Station (CCPS) laban sa isang babaeng inakusahan ng pulisya na pineke ang tangkang pagdukot sa kanya noong nakaraang buwan. Dinispatsa ni Assistant City Prosecutor Marni Rose D. Zatarain ang habla ng CCPS laban kay Samantha Pargad dahil sa kakulangan ng probable cause. Noong Setyembre, kinasuhan ng CCPS si Pargad ng ‘unlawful means of publication and unlawful utterances’ sa ilalim ng Article 154 ng Revised Penal Code (RPC), at libel sa ilalim ng Art.…
Read MoreDRUG SYNDICATE MEMBER TIKLO SA P1-M DROGA, BOGA
ARESTADO ang isang sinasabing miyembro ng sindikato sa ilegal na droga makaraang inguso at mahulihan ng baril at mahigit sa P1 milyong halaga ng umano’y shabu at marijuana sa Navotas City. Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang suspek na si Eduardo Monroy, 32, umano’y kasapi ng Saragoza drug group, na dinaluhong ng mga parak sa kanyang bahay sa Barangay Tangos North, ng lungsod dakong alas-11:50 ng umaga noong Miyerkoles, Oktubre 26. Hinalughog ang bahay ng suspek sa…
Read MoreTAGUIG INMATES BINISITA NG MAG-ASAWANG CAYETANO
BINISITA kamakailan ng mag-asawang Senator Alan Peter at Mayor Lani Cayetano ang mga bilanggo sa Taguig City Jail sa Camp Bagong Diwa, Taguig City. Kasabay nito, namahagi ang mag-asawang Cayetano ng hygiene kits. Sasailalim din ang mga bilanggo sa computer skills training program na magiging bahagi ng human development initiative sa mga namamalagi sa Taguig BJMP. “Gusto namin na kahit sa maliit na paraan mapasaya namin kayo,” ani Mayor Lani. Taon-taon ay namamahagi ng regalo sa Taguig BJMP residents si Senador Alan bilang bahagi ng kanyang birthday celebration. (DANNY BACOLOD)…
Read More5 TIMBOG SA DRUG DEN SA STA. ANA, MANILA
LIMANG indibidwal ang binitbit ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Manila Police District, kaagapay ang mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), sa isinagawang pagsalakay sa umano’y drug den sa Punta, Sta. Ana, Manila noong Martes ng hapon. Kinilala ni P/Brigadier General Andre Perez Dizon, Director ng MPD, ang target ng operasyon na si Arnold Tana, 45, ducting installer, residente ng Barangay 900, Punta, Sta. Ana. Habang arestado rin ang dalawang umano’y kasabwat nito na sina Benjamin, 63, kapatid, at Christopher, 44, pinsan, Natimbog din…
Read MoreAll Treats, No Tricks this Super Halloween at SM Supermalls
This October 31, get ready for a treat-filled celebration at your favorite SM mall. Enjoy #FAMomentsAtSM with a Halloween costume contest, a PAWrade for the Super FurBabies, and grab super treats for everyone at the much-awaited #SuperHalloweenAtSM2022. Dress up as your favorite superhero Kids aged 12 and below can join the parade dressed as their favorite superhero, fantasy, or scary character. Whether you want to be a hero like Captain America, Spiderman, Wonder Woman, or be the creepy-looking doll or scarecrow, you are welcome at SM! Get confident while you…
Read MoreBATA PATAY SA SUNOG SA LUCENA CITY
LUCENA CITY – Patay ang isang 11-anyos na batang lalaki sa sunog na tumupok sa kanilang bahay sa Barangay Ibabang Dupay sa lungsod na ito, noong Martes ng gabi. Ayon sa Lucena City Police, nagsimula ang sunog dakong alas-9:00 ng gabi sa dalawang palapag na residential house na pag-aari ng 58-anyos na si Teresa De Vera, sa loob ng University Site Village. Nakita na lamang ng mga kapitbahay na naglalagablab ang bahay at may sumisigaw at humihingi ng tulong sa loob subalit hindi nakapasok ang mga nais tumulong dahil sa…
Read More