PANSAMANTALANG ipinasara ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang Laoag Airport matapos masira ang ilang pasilidad bunsod ng magnitude 6.4 na lindol sa Abra bandang alas-10:59 ng gabi noong Martes. Batay sa report ni Area Manager Ronald Estabillo ng Laoag Airport, naapektuhan o nagkaroon ng mga pinsala ang ilang building structures, at ang runway ng naturang airport. Kasabay nito, nag-isyu ng Notice to Airmen (NOTAM) ang CAAP, magmula nitong araw ng Miyerkoles hanggang Biyernes habang ‘on going’ ang rehabilitasyon sa mga apektadong parte ng paliparan. Dahil sa malakas na…
Read MoreAuthor: admin 2
PAGHAHANDA NG LTO AT PNP SA REGION 4A SA UNDAS
PUSPUSAN ang paghahanda ng CALABARZON PNP katuwang ang Land Transportation Office (LTO) – Region 4A sa inaasahang pagdagsa ng mga bakasyunista na magtutungo sa kani-kanilang probinsya at babagtas sa mga pangunahing lansangan sa Southern Tagalog. Layunin nito na panatilihing ligtas ang mga lansangan sa darating na Undas. Isa sa mga paghahanda na ginagawa ng mga awtoridad ang pinaigting na motor vehicle road worthiness inspection o ang pagtiyak na nararapat bumiyahe ang isang sasakyan sa kalsada, lalo na ang mga pampublikong transportasyon tulad ng mga bus at jitney. Sa Laguna, nitong…
Read MoreBUMBERO SUGATAN SA SUNOG SA QC
LIGTAS na mailabas ng mga bumbero ang 49 kataong naipit sa naglalagablab na gusali sa Quezon City kahapon ng umaga. Gayunpaman, isang miyembro ng QC Fire Department ang nasugatan habang binubutas ang isang bahagi ng gusali kung saan padadaanin ang mga nakulong na indibidwal. Kinilala ang biktimang si Fire Officer 2 Joselito Cabote na magtamo ng pinsala sa kamay sa pagresponde sa nasusunog na Alphabase Bldg. sa panulukan ng Scout Rallos at Tuazon St. sa Barangay Laging Handa sa nabanggit na lungsod. Ayon kay QC Fire Marshal Sr. Supt. Gary…
Read MorePasahero nagsimula nang dumagsa TRANSPORT TERMINALS ININSPEKSYON
ININSPEKSYON na ng Land Transportation Office (LTO) ang mga transport terminal bilang bahagi ng kanilang “Oplan Undas.” Kasabay nito ang random drug test sa mga terminal. Ayon kay Atty. Alex Abaton ng LTO – Special Legal Assistant to the Office of the Assistant Secretary, layon nitong matiyak ang roadworthiness ng mga pampublikong sasakyan para sa ligtas na pagbiyahe ng mga pasahero. Bukod sa pagsuri sa kondisyon ng mga PUV, mahigpit ding babantayan ng LTO ang posibleng paglabag sa overloading at overcharging. Pinayuhan naman ni Abaton ang mga pasahero na iwasang…
Read More4 TIMBOG SA P224K SHABU
UMABOT sa mahigit P.2 milyong halaga ng umano’y shabu ang nakumpiska sa arestadong apat na hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa magkakahiwalay na buy-bust operation sa mga lungsod ng Valenzuela at Navotas. Ayon kay Valenzuela City Police chief, Col. Salvador Destura Jr., dakong alas-4:00 ng hapon nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU), sa pangunguna ni P/Lt. Joel Madregalejo, ng buy-bust operation sa Santolan Service Road, Brgy. Gen T. De Leon sa lungsod. Kaagad sinunggaban ng mga operatiba ang kanilang target na si Jun-jun Setazate…
Read More2 PULIS-PASIG TIMBOG SA EXTORTION
SA halip na baril, malamig na rehas ang hinihimas ngayon ng dalawang miyembro ng Philippine National Police (PNP) matapos dakpin ng mga kabaro makaraang kikilan ang isang ginang na inakusahang sangkot sa kalakalan ng ilegal na droga sa Pasig City. Ayon sa ulat ng mga operatiba mula sa Integrity Monitoring and Enforcement Action Team (IMEAT) ng PNP, arestado ang dalawang pulis-Pasig na kinilalang sina Sgt. Michael Familara ng Pasig PNP Station 7, at Cpl. Nathaniel San Buenaventura ng Pasig PNP Station 2. Timbog din sa nasabing operasyon sa Barangay San…
Read MoreABOGADO, 9 PANG WANTED TIKLO SA QCPD
INANUNSYO ni Quezon City Police District Director, P/BGen. Nicolas Torre III ang pagkakaaresto ng isang abogado at siyam na iba pa sa operasyon laban sa wanted persons na isinagawa ng iba’t ibang tracker teams ng QCPD. Kinilala ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) sa ilalim ng pamumuno ni P/Maj. Rene Balmaceda, ang nadakip na abogado na si Atty. Constantino Reyes, 60, residente ng Brgy. Lourdes, Quezon City, noong Oktubre 25, 2022 sa Sta. Mesa Heights, Brgy. Lourdes, Quezon City, dahil sa kasong falsification of public documents. Habang dalawang station level…
Read More5 RAPE SUSPECTS ARESTADO SA CIDG OPERATIONS
Camp Vicente Lim, Calamba City – Lima ang inarestong most wanted persons (MWPs) na may kasong rape at sexual abuse, sa isinagawang mga operasyon noong Lunes ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG). Kinilala ni CIDG chief, Brig. Gen. Ronald Lee ang naarestong mga suspek na sina John Lester Gado, Jonathan Nolasco, Arnel Binas, Bernard Posadas, at isang menor de edad, sa ikinasang “Oplan Pagtugis”. Si Gado ay nabibilang sa no. 3 most wanted person sa kasong rape o sexual assault, sa lalawigan ng Batangas, at natimbog ng mga awtoridad sa Barangay Piña, Taysan, Batangas.…
Read MoreSUV SINALPOK NG BUS 3 PATAY, 10 SUGATAN
QUEZON – Tatlo ang patay habang sampu ang sugatan matapos salpukin ng isang bus ang isang SUV sa Maharlika Highway sa Brgy. Balubad, sa bayan ng Atimonan sa lalawigang ito, noong Lunes ng gabi. Ayon sa report ng Atimonan Police, patungong direksyon ng Maynila ang SUV na may pitong sakay, nang masalpok ito ng kasalubong na ALPs bus na nag-slide sa kalsada dakong alas-10:40 ng gabi. Matapos masalpok, naitulak pa ng bus ang SUV pabalik at sumalpok sa nakaparadang trailer truck sa gilid ng highway. Dumanas ng mga grabeng pinsala sa iba’t ibang…
Read More