Sa pag-aalburoto ng 2 bulkan NOTICE TO AIRMEN PINALAWIG NG CAAP

PINALAWIG ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang inisyung Notice to Airmen (NOTAM) hanggang kahapon (Oktubre 13, 2022) dahil sa patuloy na pag-aalburoto ng Mayon Volcano at ng Mount Bulusan. Ang naturang Notice to Airmen ay ang B3147/22, B3 147/22 para sa Mayon, kasunod ang B3148, B3 148/22 para naman sa Bulusan Volcano. Nakasaad sa NOTAM ang mahigpit na pagbabawal sa mga eroplano o ‘flights to operate’ na hindi bababa sa 10,000 libong piye (feet) mula sa bunganga ng mga bulkang ito. Ito ay upang maiwasan ang ano mang…

Read More

SUMAKLOLONG TRAFFIC AIDE BINARIL NG PULIS, PATAY

patay

INIHAYAG ni Quezon City Police District (QCPD) Director, P/BGen. Nicolas D. Torre III ang pagkakaaresto sa isang pulis sa kaugnay sa pamamaril na ikinamatay ng isang traffic enforcer sa EDSA, Brgy. Veterans Village, Quezon City. Kinilala ni P/LT. Col. Imelda Reyes, commander ng PS-2, ang pulis na si P/Lt. Felixberto Rapana Tiquil, nakatalaga sa District Anti-Carnapping Unit (DACU) ng Manila Police District (MPD). Ayon sa ulat, inihayag ng testigo na si Paul Timothy Delos Reyes, isang Lalamove rider, nag-deliver siya ng package sa Paco, Manila. Ngunit pagkatapos niyang mag-deliver ay nasira…

Read More

CLAIMANT NG P1.3-M KUSH, LAGLAG SA PDEA

INARESTO ng pinagsanib na mga tauhan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Inter-Agency Drug Task Force at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang claimant ng high grade marijuana o kush, habang tinatanggap ang ilegal na droga sa isinagawang controlled delivery operation ng mga awtoridad. Kinilala ang suspek na si Juanito Jose Remulla III, 38, residente ng BF Homes, Parañaque City. Batay sa inisyal na imbestigasyon ng NAIA-PDEA IADITG, ang marijuana ay ipinadala ng isang nagngangalang Benjamin Huffman na may address na #1524 Hornblend St., San Diego, California, USA. Nakumpiska sa…

Read More

3 TIKLO SA HUMAN TRAFFICKING, 3 BIKTIMA NASAGIP

INANUNSYO Quezon City Police District (QCPD) Director, P/BGen. Nicolas D. Torre III, ang pagkakaaresto sa tatlong suspek sa human trafficking at nailigtas ang anim na biktimang kababaihan sa entrapment operation na isinagawa ng mga tauhan ng District Women and Children Concern Section (DWCCS) kahapon ng umaga sa Cubao, Quezon City. Kinilala ni P/Maj. Sheryl Bautista, hepe ng DWCCS, ang mga suspek na sina Ariel Orongan Medidas, 42; Jennefer Sarte Dela Cruz, 37, at Aiza Moreno Alegre, 30-anyos. Ayon sa ulat, ang DWCCS ay nakatanggap ng tips mula sa isang concerned citizen kaugnay sa paglaganap ng human trafficking activities…

Read More

DAGDAG-BAON PARA SA MGA MAG-AARAL SA TONDO, KASADO

PAGKATAPOS pangitiin ang 35 natatanging mag-aaral mula sa Delos Reyes Elementary School, pinasadahan naman ng Manila Police District (MPD) ang mga estudyante mula sa isa pang pampublikong paaralan sa Tondo, Maynila. Sa kalatas ni Lt. Col. Harry Ruiz Lorenzo lll na tumatayong station commander ng MPD-Moriones Police Station, 10 estudyante mula sa Gen. Gregorio Del Pilar Elementary School ang tumanggap ng kanilang unang buwanang “baon” sa ilalim ng isahang programa sa pagitan ng mga pulis-Moriones kasama ang Rotary Club ng Makati. Matapos ang simpleng seremonya, binigyang pagkilala rin ni Lorenzo…

Read More

ONE BANGSAMORO SA ILALIM NG MARCOS ADMINISTRATION

SA ika-100 araw ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang pinuno ng bansa nitong Oktubre 7, isa sa pinakamahalagang tagumpay ng kanyang administrasyon – na “unity” ang campaign battlecry noong eleksyon – ay ang pagkakaroon ng one Bangsamoro government. Ito ay naisakatuparan dahil sa pagtatalaga ng mga miyembro na bubuo sa reconstituted Bangsamoro Transition Authority (BTA), ang interim government ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), na nagmula hindi lamang sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) kundi maging sa dalawang malaking paksyon ng Moro National Liberation Front (MNLF), ang…

Read More

2 PEKENG EMPLEYADO NG BFP TIKLO SA EXTORTION

RIZAL – Tiklo ang dalawang lalaking nagpakilalang konektado sa Bureau of Fire Protection (BFP), makaraang mangikil sa mga negosyante. Agad inaresto ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng Philippine National Police, ang mga suspek na sina Joben Brian Gutietez at Henry Halaghay sa entrapment operation nang kukunin na ang pera sa remittance center sa Rodriguez, Rizal. Ayon kay BFP Region 3 director, F/Supt. Roy Aguto, ginagamit ng dalawang suspek ang kanyang pangalan upang makapag-solicit ng pera sa ilang negosyante para sa isang gagawin umanong aktibidad, kaya agad siyang nakipag-ugnayan…

Read More

PASYENTE NALAGLAG SA OSPITAL, PATAY

 QUEZON – Binawian ng buhay ang isang pasyente ng Quezon Medical Center sa Lucena City makaraang mahulog mula sa ikatlong palapag ng nasabing ospital noong Martes ng hapon. Ayon sa report ng Lucena City Police, malubhang napinsala ang ulo ng 42-anyos na biktimang si Exequiel Rioflorido, at nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas. Lumabas sa imbestigasyon, naiwang nag-iisa ang pasyente habang nag-aayos ng papel ang kasama nito para sa kanilang paglabas sa ospital. Nagulat na lamang  ang mga nakakita nang bumagsak ito sa lobby sa ground floor mula sa overlooking area sa ikatlong…

Read More

REMULLA SINOPLA SA RED-TAGGING

KINONTRA ng mga militanteng mambabatas sa Kamara si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na nagsabing bahagi ng demokrasya ang red-tagging. “Red-tagging will never be a part of democracy. It is attacking citizens pushing for legitimate demands of the people,” ani House Deputy Minority Leader at ACT party-list Rep. France Castro. Sinabi ng mambabatas na bahagi ng mapanupil na sistema ang red-tagging kaya pag-atake ito sa demokrasya na ginarantiyahan ng Saligang Batas  para ihayag ng mga Pilipino ang kanilang saloobin sa gobyerno. Aniya, ginamit na paraan ng nakaraang administrasyon ang red-tagging…

Read More