MAIINGAY NA TAMBUTSO KINALAWIT SA MAYNILA

NAGSAGAWA ng operasyon ang mga tauhan ng ng Manila Police District- Raxabago Police Station laban sa mga sasakyan na maiingay ang muffler/exhaust pipe o tambutso sa erya na kanilang nasasakupan sa Tondo, Manila. Ang pagkilos ay isinagawa sa pangunguna ni Police Lieutenant Joseph Villafranca, kasama ang ilang mga tauhan ng pulisya at mga miyembro ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB). Ayon kay Police Lieutenant Colonel Rosalino Ibay Jr., Station Commander, bandang alas-9:00 ng gabi noong Linggo nang magsimula ang kanyang mga tauhan na manita at tinikitan ang mga may-ari…

Read More

Nagsa-shabu para alerto sa trabaho ARMY HQ GINAWANG DRUG DEN NG 13 OBRERO

UMABOT sa 13 construction workers ang nadakip sa ikinasang anti-narcotics operation ng Philippine Army Intelligence Team, katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), sa construction site sa loob ng Headquarters ng Philippine Army sa Fort Bonifacio, Metro Manila na sinasabing ginawa ring drug den ng mga obrero. Ilang heat sealed plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P100,000, ang nasamsam sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad. Katuwiran ng nahuling construction workers, nag-aambag-ambagan lamang sila para makabili ng shabu para mapanatiling alerto sila at aktibo sa…

Read More

LASON SILAT SA MACTAN

HINDI nakalusot sa mga alistong kawani ng Bureau of Customs (BOC) sa Mactan ang mapaminsalang kemikal na lulan ng isang barko mula sa bansang South Korea. Sa kalatas ng BOC-Port of Cebu, kumpiskado ang tinata­yang P1.5 milyong halaga ng ha­zardous chemical matapos ang isinagawang inspeksyon bunsod ng natanggap na impormasyon hinggil sa kargamentong target idiskarga sa Subport of Mactan. Sa salaysay ng mga kawani ng Subport of Mactan, isang timbre ang natanggap ng kanilang Customs Intelligence and Investigation Service ang nagtulak sa mga operatiba para magsagawa ng pagsusuri sa tinukoy…

Read More

September collection sumipa P79.5B PARA LANG SA ISANG BUWAN!

boc pera

ALINSUNOD sa pangako ni Acting Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr, pumalo sa P79.5 bilyon ang kabuuang pondong nalikom ng Bureau of Customs para sa buwan ng Setyembre. Sa datos ng Department of Finance (DOF) – kagawarang may direktang mandatong pangasiwaan ang BOC – lumabis pa ng P17.6 bilyon (katumbas ng 28% increase) ang kabuuang pondong nalikom ng kawanihang inatasang mangolekta ng P61.9 bilyon para sa nakalipas na buwan. Lumalabas din malayo ang P79.5 bilyong nakolekta ng BOC noong nakalipas na Setyembre kumpara sa P57.6 bilyong…

Read More

UGNAYANG BOC, CHINESE EMBASSY MAS PINALAKAS

KAPWA nanindigan ang pamunuan ng Bureau of Customs (BOC) at Embahada ng bansang Tsina na higit na angkop na palakasin ang bilateral relations partikular sa mga pinaiiral na “customs policies.” Sa isang pulong kamakailan, tinalakay nina Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz at Economic and Commercial Counsellor of the Embassy of China in the Philippines Counsellor Yang Guoliang ang mga mekanismong magbibigay-daan para maisakatuparan ang 7-point agenda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Kabilang sa mga adyendang isinusulong ng Pangulo ang zero-tolerance para sa mga sindikato sa likod ng pagpupuslit ng droga,…

Read More

BOC-CEBU WAGI SA SEPT TARGET

TUMATAGINTING na P4.49 bilyon ang isinampang pondo ng tanggapan ng Bureau of Customs (BOC) sa Cebu, para lang sa buwan ng Set­yembre. Sa datos ng BOC Financial Service Office, lumalabas na lumabis pa ng mahigit isang bilyong piso ang kabuuang halagang nalikom ng naturang distritong naatasang mango­lekta ng P3.354 bilyon mula sa buwis at taripang kalakip ng mga pumapasok at lumalabas na kargamentong dumadaan sa Port of Cebu. Sa pagtataya ng BOC Financial Service Office, umabot naman sa 33.81 ang naitalang surplus collection ng BOC-Cebu para sa nakalipas na buwan.…

Read More

Nasabat na P6.7B droga, sampol pa lang PUSLIT DROGA SA PINAS HINDI PALALAMPASIN

boc

Ni JOEL O. AMONGO ASAHAN ang mas madalas at mas malaking operasyon kontra droga, ayon kay Acting Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz, kasabay na pagbibigay ng pagkilala sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) na kapwa sumang-ayon na pangunahan ang naturang operasyon sa Tondo, Maynila. Sa isang pahayag, binigyang halaga ni Ruiz ang pagsasanib pwersa ng tatlong ahensya – PDEA, PNP at Bureau of Customs (BOC). Aniya, naging maingat ng bawat kilos ng tatlong ahensya sa hanga­ring panatilihin lihim ang bawat detalye ng operasyon batay sa…

Read More

BOC, PINASOK NA NG MGA MARITES

boc

(JOEL O. AMONGO) HINDI ko lubos maisip kung bakit walang puknat ang pagpapakalat ng tsismis sa Bureau of Customs. Ayon sa mga tinaguriang “Marites,” nakatakda anilang palitan ang liderato ng kawanihan. Susmaryosep! Kung kailan nakatisod ang BOC ng isang mahusay na komisyoner, saka niyo naman siya gustong palitan? Sa tinagal-tagal ko bilang peryodistang nakatutok sa kawanihan, ngayon lang ako nakakita ng mga komisyoner na mula sa baba. Sa kanyang ipinamalas na husay mula pa sa pinagmulang ahensya, hinirang siyang pamunuan ang Enforcement of Security Service (ESS) ng kawanihang nangangasiwa sa…

Read More

BANGKA ITINAOB NG ALON, LOLO PATAY

CAVITE – Bangkay na lumutang ang isang 70-anyos na karpintero nang itaob ng malakas na alon ang kanyang bagong bangka na ipinalaot upang subukan ang kapasidad nito sa dagat sa Cavite City noong Sabado ng hapon. Hinihinalang may ilang oras nang patay nang natagpuan ng ilang mangingisda ang bangkay ng biktima sa gilid ng dagat, na kinilalang si Rolando Camasoza ng Cavite City. Ayon sa ulat ng Cavite City Police, dakong alas-5:45 ng hapon nang magpaalam ang biktima sa misis nitong si Edna De Silos, na papalaot ito sa dagat…

Read More