MAGPINSAN PATAY SA PAMAMARIL SA QUEZON

QUEZON – Patay ang isang 14-anyos na estudyante at pinsan nito matapos na pagbabarilin ng kanilang kaalitan sa bayan ng Candelaria sa lalawigang ito, noong Sabado ng gabi. Kinilala ang mga napatay na sina Jimber Perez, Grade 8 student, at Alexander Perez, 18-anyos, parehong residente ng Brgy. Masin Sur. Batay sa report ng Candelaria Police, nangyari ang pamamaril sa vulcanizing shop na pinagtatrabahuan ng biktimang si Alexander sa Cabuñag Street, Brgy. Poblacion dakong alas-08:20 ng gabi. Dumating umano ang suspek na si John Peter De Villa, 23, taga Brgy. Pahinga Sur, na armado ng…

Read More

BANGKA ITINAOB NG ALON, LOLO PATAY

CAVITE – Bangkay na lumutang ang isang 70-anyos na karpintero nang itaob ng malakas na alon ang kanyang bagong bangka na ipinalaot upang subukan ang kapasidad nito sa dagat sa Cavite City noong Sabado ng hapon. Hinihinalang may ilang oras nang patay nang natagpuan ng ilang mangingisda ang bangkay ng biktima sa gilid ng dagat, na kinilalang si Rolando Camasoza ng Cavite City. Ayon sa ulat ng Cavite City Police, dakong alas-5:45 ng hapon nang magpaalam ang biktima sa misis nitong si Edna De Silos, na papalaot ito sa dagat…

Read More

MAGPINSAN PATAY SA PAMAMARIL SA QUEZON

patay

QUEZON – Patay ang isang 14-anyos na estudyante at pinsan nito matapos na pagbabarilin ng kanilang kaalitan sa bayan ng Candelaria sa lalawigang ito, noong Sabado ng gabi. Kinilala ang mga napatay na sina Jimber Perez, Grade 8 student, at Alexander Perez, 18-anyos, parehong residente ng Brgy. Masin Sur. Batay sa report ng Candelaria Police, nangyari ang pamamaril sa vulcanizing shop na pinagtatrabahuan ng biktimang si Alexander sa Cabuñag Street, Brgy. Poblacion dakong alas-08:20 ng gabi. Dumating umano ang suspek na si John Peter De Villa, 23, taga Brgy. Pahinga Sur, na armado ng…

Read More

SEGURIDAD SA CUSTODIAL CENTER PINATITIYAK NI PBBM

INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Philippine National Police (PNP) na tiyakin na wala nang mangyayaring karahasan sa pasilidad nito matapos i-hostage ng tatlong inmates si dating Senator Leila de Lima, Linggo ng umaga. Hinostage ng tatlong preso si de Lima matapos saksakin ang pulis na nagrarasyon ng pagkain sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa loob ng Camp Crame. “President Ferdinand R. Marcos Jr. has directed Camp Crame to enforce all measures necessary to ensure that no act of violence in said facility and all other PNP…

Read More

Pulis, 1 pa arestado 990 KILO NG SHABU NASAMSAM SA MAYNILA

PINAKAMALAKING bulto ng shabu na tinatayang halos isang tonelada ang nahuli sa isinagawang anti-drug operation sa lungsod ng Maynila nitong Linggo. Itinuturing nina Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos at Philippine National Police chief General Rodolfo Azurin Jr., na pinakamalaking huli ito ng kapulisan dahil tinatayang umaabot sa P6.7 bilyon ang halaga ng nasamsam na shabu na nakuha sa isang high value target. “This afternoon will be historic in our country. This is probably the biggest drug haul in the history of the Philippines… Halos isang toneladang droga (o)…

Read More

PULIS, SIBILYAN TIMBOG SA P13-M SHABU

NATIMBOG ng magkakasanib na puwersa ng pulisya ang isang 48-anyos na miyembro ng Special Operation Group, Philippine Drug Enforcement Unit ng National Capital Region Police Office, sa isinagawang hot pursuit operation hinggil sa ilegal na droga sa Quezon bridge sa Quiapo, Manila nitong Linggo ng madaling araw. Unang naaresto ang isang Rey Atadero, nasa hustong gulang, residente ng Tondo, bandang alas-4:45 ng hapon noong Sabado. Nakumpiska sa kanya ang dalawang kilo ng umano’y shabu na P13 milyon ang halaga sa loob ng lending office sa Jose Abad Santos St. sa Sta. Cruz,…

Read More

BOC, WAGI SA BILIS-TUGON

GINAWARAN ng pagkilala ng Civil Service Commission (CSC) ang Bureau of Customs (BOC) bilang isa sa mga ahensyang nagpamalas ng mataas na antas ng mabilis na pagtugon sa mga dinudulog na suliranin at reklamo sa nakalipas na 10 taon. Sa kalatas ng CSC, partikular na tinukoy ang kagyat na solusyon sa 517 sa 542 dokumentadong reklamo na inihain sa kawanihan para sa 95.39% “solution efficiency” na nagsilbing hudyat para gawaran ang BOC ng natatanging parangal isang linggo na ang nakaraan. “The Bureau of Customs is issued a certificate of recognition…

Read More

DAGDAG PANTUGIS SA KARAGATAN VS. SMUGGLERS – BOC

SA hangaring ganap na maisakatuparan ang direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., humirit ang Bureau of Customs (BOC) ng karagdagang modernong kagamitan sa pagpapatrolya sa karagatan at pagtugis ng mga smuggler. Sa isang kalatas ng ahensya, iginiit sa pamahalaan na dagdagan ang 20 fast patrol vessels na mayroon ang kanilang kawanihan para mas mabantayan ang mga karagatan kung saan karaniwang itinatawid papasok ng bansa ang mga ilegal na kontrabando. “The acquisition of more FPVs (fast patrol vessels) would further boost our efforts to enforce the laws on the country’s geographical…

Read More

CLAIMANT, TIMBOG SA P0.8-M ECSTASY

TIMBOG sa pinagsanib na operasyon kontra droga sa Lungsod ng Parañaque ang isang claimant ng bagaheng naglalaman ng nasa halos isang milyong halaga ng party drugs na mas kilala sa tawag na ecstasy. Sa ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), arestado sa kinasang controlled delivery operation sa Better Living Don Bosco sa Parañaque ang 29-anyos na call center agent na kinilala sa pangalang Jan Vino Siwa sa aktong pagtanggap ng bagaheng naglalaman ng 495 pirasong pildoras. Kumpiskado rin mula sa suspek ang tatlong botelyang plastik, limang silver pouches na…

Read More