LOLA KRITIKAL SA BUNDOL

INOOBSERBAHAN sa Philippine General Hospital ang kalagayan ng isang 67-anyos na lola makaraang mabundol ng isang pick-up vehicle sa panulukan ng MH Del Pilar St. at Pedro Gil St. sa Ermita, Manila noong Huwebes ng gabi. Kinilala ang biktimang si alyas “Lola Dulce”, liaison officer at residente ng Western Bicutan, Taguig City. Samantala, nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in physical injuries ang suspek na si Mark Jay Nidoy, 40, company driver, ng Pagdaraoan, San Fernando, La Union, nasa kustodiya na ng Manila District Enforcement Unit. Batay sa ulat na…

Read More

Nangmolestiya ng nene ENFORCER ARESTADO HABANG NAGMAMANDO NG TRAPIKO

INARESTO sa bisa ng warrant of arrest ang isang traffic enforcer na umano’y nangmolestiya ng isang nene, habang nagmamando ng trapiko noong Huwebes ng hapon sa Navotas City. Kinilala ang arestado na si Jaidelito Robles, 45, residente ng Kapalaran 1, Brgy. San Roque, ng lungsod. Dinamba si Robles ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) at Sub-Station 3 ng Navotas Police sa joint manhunt operation dakong alas-2:15 ng hapon sa kanto ng M. Naval at P. Gabriel Streets, Brgy. Sipac-Almacen, Navotas City. HInuli ang suspek sa bisa ng warrant of…

Read More

Kapag bumigay ang Bustom Dam DELUBYO SA BULACAN PINANGANGAMBAHAN

LIBU-LIBO katao ang pinangangambahang magbuwis ng buhay, habang 80 barangay at mahigit sa 15 ektaryang sakahan ang mapipinsala at malulubog sa baha sa Bulacan sa oras na tuluyang bumigay ang depektibong rubber gates ng Angat Afterbay Regulation Dam o Bustos Dam. Kaugnay nito, nagbigay ng ultimatum si Governor Daniel Fernando ng 10-araw sa mga kontratista ng nasirang rubber bladder ng Bustos Dam upang aksyunan ang kanyang demand letter at kung hindi ay sasampahan niya ang mga ito ng kasong sibil at kriminal. “We must act now. We demand the immediate removal and replacement of all six gates under…

Read More

DROGA, BARIL NASABAT SA CAVITE

CAVITE – Umabot sa 37 sachet ng hinihinalang shabu at baril ang nasamsam sa isinagawang buy-bust operation sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigang ito. Ayon sa ulat ng Cavite Police Provincial Office (PPO), isinagawa ang buy-bust operation sa pagitan ng alas-10:30 ng gabi noong Huwebes hanggang alas-2:30 nitong Biyernes ng madaling araw sa tatlong lungsod at apat na bayan sa lalawigan. Sa bayan ng Naic, apat na hinihinalang tulak ang naaresto habang tig-tatlo naman sa Imus City, Bacoor City at Kawit at tig-dalawa sa General Mariano Alvarez (GMA) at Gen. Trias…

Read More

RIDER SUMALUBONG SA VAN, PATAY

LAGUNA – Dead on the spot ang isang lalaking nakamotorsiklo matapos na bumangga sa kasalubong na utility van sa Maharlika Highway sa Barangay Makiling, Calamba City sa lalawigang ito, noong Huwebes ng gabi. Kinilala  ang biktimang si Almanzor Alvin Dimaunahan. Batay sa report ng Calamba City Police, bigla na lamang inokupa ng motorsiklo ang linya ng pa-southbound na van kaya nangyari ang head on collision ng dalawang sasakyan. Hindi na naisugod sa ospital ang biktima at namatay noon din dahil sa grabeng pinsalang sa ulo at katawan. (NILOU DEL CARMEN)  …

Read More

MAGSASAKA PINATAY NG KAPATID

patay

QUEZON – Patay ang isang magsasaka makaraang barilin ng nakababatang kapatid dahil sa matagal nang alitan sa kanilang lupang sakahan sa bayan ng San Francisco sa lalawigang ito, noong Huwebes ng gabi. Kinilala ang biktimang si Michael dela Cruz, 39, residente ng Sitio Labrahan, Brgy. Don Juan Vercelos, idineklarang dead on arrival sa ospital dahil sa dalawang tama ng bala sa likod at sa tiyan. Batay sa report ng San Francisco Police, ang biktima ay pinagbabaril ng kanyang kapatid na si Melencio Yare, 37, malapit sa bahay ng suspek  sa Sitio Labrahan,…

Read More

PAGPUPUGAY, FINANCIAL AID SA BULACAN FALLEN HEROES

ISANG espesyal na pagpupugay bilang parangal sa limang rescuer na namatay habang gumaganap ng tungkulin sa pananalasa ng Super Typhoon Karding ang igagawad para sa kanilang kabayanihan sa “Luksang Parangal” na gaganapin ngayon (Biyernes, Setyembre 30, 2022), sa Capitol Gymnasium sa Lungsod ng Malolos, Bulacan. Ang programa ay tinawag na “Salamat at Paalam… Bayaning Tagapagligtas! Luksang Parangal para sa mga Yumaong Lingkod Bayan” na dadaluhan ng pamilya ng mga biktima, mga empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamumuno nina Gov. Daniel R. Fernando at Vice Gov. Alexis C. Castro,…

Read More

Nais nang makipagkalas 18-ANYOS, PINATAY NG LIVE-IN PARTNER

LAGUNA – Patay ang isang 18-anyos na babae matapos na ito at ang kanyang pinsan ay pagsasaksakin ng live-in partner ng una sa Brgy. Langkiwa, Biñan City sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng madaling araw. Kinilala ang biktimang napatay na si Rochelle Ann Flores, isang estudyante, may tatlong tama ng saksak sa katawan. Sugatan naman ang 14-anyos na pinsan  nito na si Jimsher Soriaga na kasama nitong nakatira sa bahay. Batay sa report ng Biñan City Police, dakong alas-4:00 ng madaling araw nang pwersahang pasukin ng 21-anyos na suspek na si John…

Read More

MGA SENADOR UMAYUDA SA MGA NASALANTA NI ‘KARDING’ SA BULACAN

PERSONAL na tinungo nila Senador Christopher Lawrence “Bong” Go, Robinhood Padilla at Ronald “Bato” Dela Rosa ang bayan ng San Miguel, Bulacan upang maghatid ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong ‘Karding nitong Huwebes. May inisyal na 500 pamilyang benepisyaryo ang tumanggap ng tig-P5 libong Assistance to Individuals on Crisis Situation mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), tig-iisang food packs kada pamilya mula sa tanggapan ni Senador Go. Mayroon namang ipinadala na 3,300 food packs ang tanggapan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD)  at 500…

Read More