CAVITE – Hawak na ng Cavite Police ang 25-anyos na suspek sa pagpatay sa kanyang live-in partner sa kanilang bahay sa isang subdibisyon sa bayan ng Tanza sa lalawigang ito, noong Lunes ng madaling araw. Kasong murder ang isinampa laban sa suspek na si Glen Fuentes y Manili, dahil sa pagpatay sa live-in partner na si Rutchie Elegio Jamero, 41, kapwa residente ng Brgy. Biga, Tanza, Cavite Si Rutchie ay binaril at napatay ng suspek dakong alas-3:00 noong Lunes ng madaling araw sa kanilang bahay Ayon sa ulat ni…
Read MoreAuthor: admin 2
3 NPA PATAY SA BAKBAKAN SA QUEZON
QUEZON – Tatlong hinihinalang miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army ang nalagas sa engkwentro sa pagitan ng mga tropa ng pamahalaan at mga kasapi ng rebeldeng grupo sa bayan ng General Nakar sa lalawigang ito, noong Martes. Batay sa report ng General Nakar Police, nagsasagawa ng focus military operation ang isang platoon ng Army sa pamumuno ng isang 1Lt. Genosolanggo, nang makasagupa ng mga ito ang hindi pa matiyak na bilang ng mga rebelde sa Kimaloab, Sityo Lagak, Barangay Pagsangahan, General Nakar dakong ala-1:00 ng hapon. Tumagal ng ilang minuto ang labanan hanggang sa umatras…
Read MoreAKTOR INARESTO SA PAGLABAG SA CYBERCRIME ACT
LAGUNA – Inaresto ng mga tauhan ng Biñan City Police ang actor na si Dindo Arroyo dahil sa kasong paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012, noong Martes ng gabi. Ayon kay Police Colonel Randy Glenn G. Silvio, Officer-In-Charge, Laguna PPO, ang 61-anyos na si Arroyo o Conrado Manuel Ambrosio II sa totoong buhay, ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Presiding Judge Rosauro Angelito Sicat David, ng Regional Trial Court, Branch 101, Santa Rosa City, Laguna. Si Arroyo na kontrabida sa teleserye na “Ang Probinsyano”,…
Read MoreGINANG NA NAGBENTA NG ANAK, KASABWAT TIMBOG
ILOILO CITY – Dalawang babae ang dinakip ng mga aworidad matapos na mahuli sa aktong nagbebenta ng sanggol sa lungsod na ito, noong Martes ng hapon. Ayon sa PNP Criminal Investigation and Detection Group -Iloilo City Field Unit, kasamang dinakip ang 29-anyos na ginang na ina mismo ng limang araw pa lamang na sanggol. Nabatid na natunton ang ina ng sanggol nang tiktikan ng PNP-CIDG ang 53-anyos na babae na matagal nang sinusubaybayan dahil sa umano’y pagbebenta nito ng mga sanggol. Nakatangap ng impormasyon ang mga pulis na nagbebenta umano ulit…
Read MoreLTFRB PLANONG MAGBUKAS PA NG HIGIT 50 DAGDAG NA RUTA
PLANO ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na magbukas pa ng mahigit 50 ruta sa Metro Manila. Aminado si LTFRB Chairperson Cheloy Garafil na hindi sapat ang higit 100 ruta na kanilang binuksan noong magsimula ang balik-eskuwela kaya naman plano pa nila itong dagdagan sa mga susunod na buwan. “Kasi ‘yong unang inilabas namin, ‘yong more than 100 routes, it’s just to address ‘yong pag-open ng classes [noong August 22],” ayon kay Garafil sa isang panayam. “Noong tinitingnan namin, kasi continuous naman ‘yong pag-aaral namin sa mga ruta,…
Read MoreActive cases umakyat sa 260 2 TUMBA SA COVID SA VALENZUELA
MULING nakapagtala ng dalawang namatay sa COVID-19 sa Valenzuela City at sumipa sa 260 ang active cases sa lungsod matapos na 81 bagong kaso ang iniulat, ayon sa pinakahuling ulat ng City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU). Ayon sa CESU, hanggang 11:59 pm noong Setyembre 20 ay 962 na ang COVID deaths sa lungsod. Pumanhik naman sa 46, 242 ang cumulative confirmed cases at 45,202 ang recovered matapos na 43 pasyente ang gumaling. Sa 260 active cases naman ay 206 ang naka-home quarantine, 42 ang nasa isolation facility at 12 ang nakaratay…
Read MorePEKENG DSWD EMPLOYEE TIKLO SA 4Ps SCAM
ARESTADO ang isang babaeng pekeng empleyado ng Department of Social Welfare Development (DSWD) at nagre-recruit ng mga magiging kasapi ng 4Ps, sa entrapment operation sa Caloocan City kahapon ng umaga. Iniharap sa mga mamamahayag nina Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Ponce Rogelio Peñones Jr. at Caloocan Police chief, Col. Ferdinand Del Rosario, ang suspek na si Myra Mangitngit, 43, ng Brgy. 12, Caloocan City. Ayon kay Del Rosario, nakatanggap sila ng reklamo mula kina Ruth Mediana at isang Mrs. Racquel, Product Development Officer ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o…
Read MoreHirit ng kampo ni Cornejo VHONG NAVARRO ILIPAT SA TAGUIG JAIL
HINILING ng kampo ni Deniece Cornejo na sa Taguig City Jail pansamantalang ikulong ang aktor na si Vhong Navarro, habang nililitis, kasabay ng pagkuwestiyon kung bakit nananatili siya sa detention facility ng National Bureau of Investigation (NBI). Igiit ni Atty. Ferdinand Topacio, abogado ni Cornejo, dapat sa Taguig City jail ikulong si Navarro, bilang pagsunod sa batas, makaraang masampahan ng kasong rape at acts of lasciviousness . Nabatid pa na ang mga puwede lang makulong sa NBI ay ang mga naaresto ‘in flagrante delicto’ o nahuli sa akto sa paggawa ng krimen at…
Read MoreTIRADOR NG SIMBAHAN SA BULACAN ARESTADO
CAMP GEN ALEJO S SANTOS, City of Malolos, Bulacan — Bumagsak sa kamay ng mga otoridad ang suspek sa serye ng pagnanakaw sa mga Simbahang Katoliko matapos sumalakay sa isang simbahan sa lungsod ng San Jose Del Monte, madaling araw ng Sabado. Sa report ni PCol. Relly Arnedo, Officer-In-Charge ng Bulacan Police Provincial Office (PPO), nakilala ang nadakip na si Samuel Lorenzana, residente ng Brgy. Fatima 3, City of San Jose Del Monte. Base sa panimulang imbestigasyon, ninakawan ni Lorenzana ang Cross Over Christian Ministry Church na matatagpuan sa Brgy.…
Read More