HIGH GRADE MARIJUANA HULI NG PDEA, BOC

TINATAYANG mahigit P52,000 halaga ng kush marijuana o high grade marijuana ang nasamsam ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) Port of Clark at Philippine Drug Enforcement Agency. Sa report na ibinahagi ng PDEA, ang kontrabando ay mula sa Pennsylvania, USA na idineklarang naglalaman ng “goodies”. Nang dumaan sa x-ray inspection at K9 sweeping ay na-trace na naglalaman ng ilegal na droga. Sa physical examination, nadiskubre ang walong canisters na naglalaman ng dried buds at usbong ng high-grade marijuana. Ibinigay sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang sample nito para…

Read More

MANDATORY FACE MASK SA SENIORS, MAY COMORBIDITY LABAG SA BILL OF RIGHTS – KSMBPI

NANINIWALA si Dr. Mike Aragon, chairman ng Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas, Inc. (KSMBPI) na isang paglabag sa Article 3 Section 1 ang mandatory face mask sa mga senior citizen at immunocompromised individual sa mga indoor place at public utility vehicles dahil walang batas na nagtatakda rito. Sa ginanap na Kapihan sa Manila Hotel, sinabi ni Aragon na labag sa karapatan na malayang makapamuhay ng isang indibidwal ang puwersahang pagpapasuot ng face mask. Ang pahayag ni Aragon ay batay na rin sa rekomendasyon ng legal team ng KSMBPI na suportado ng dating Pangulo…

Read More

KONGRESO KATUWANG SA MGA PROGRAMA NG OVP AT DEPED – ROMUALDEZ

LAKING pasasalamat ni House Speaker Martin G. Romualdez sa pagbisita kahapon ni Vice President Inday Sara Duterte sa kanyang tanggapan sa Speaker’s Office at malaking karangalan aniya na makasama sa paglalakbay nito sa larangan ng serbisyo publiko. “You have exhibited once more your exemplary brand of leadership by showing up at the House committee on appropriations hearing to defend the budget of the Office of the Vice President (OVP) and the Department of Education (DepEd),” ani Romualdez. Ayon kay Speaker Romualdez, makakaasa ang Vice President at DepEd Secretary na katuwang…

Read More

MAAGAP NA SERBISYO SA OFWs TINIYAK NI QUIÑO

PAG-IIBAYUHIN at gagawin ding maagap ang serbisyo ngayon ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa overseas Filipino workers. Ito ang layunin ni bagong Deputy Administrator ng OWWA na si Mary Melanie “Honey” Quiño. Si Quiño ay galing sa mundo ng pelikula. Isa siyang lawyer at film producer kung saan ang kanyang natutulungan ay mga manggagawa sa pelikula na nawalan ng trabaho. Kaya naman nang italaga siya ni Pangulong Bongbong Marcos sa OWWA ay agad niyang naisip na mas marami siyang matutulungan sa bago niyang posisyon. Pag-aari ni DA Honey ang…

Read More

OBRERO TINUTUGIS SA PAGPATAY SA DALAGITA

CAVITE – Tinutugis na ng mga tauhan ng Cavite Police ang isang 33-anyos na construction worker matapos na inguso na isa sa mga suspek sa pagpatay sa isang 16-anyos na dalagita na natagpuan ang bangkay sa ilalim ng tulay sa Trece Martires City noong Lunes ng hapon. Ipinag-utos ni Cavite Police Provincial Office (CPPO), Officer-In-Charge, Police Colonel Christopher Olazo kay P/Lt. Col. Jonathan Asnan, hepe ng Trece Martires City Police, na hanapin at dakpin si Elden Alegria, 36, tubong Talisay, Negros Occidental, hinihinalang kabilang sa mga pumatay kay alyas “Angel”, Grade 9…

Read More

MAGSASAKANG BULAKENYO TUMANGGAP NG CASH AID

CASH AID. Pinangunahan nina Gobernador Daniel R. Fernando at Bise Gobernador Alexis C. Castro kasama si Gloria Carillo, hepe ng Provincial Agriculture Office (PAO) ang pamamahagi ng Rice Competitiveness Enhancement Fund- Rice Farmers Financial Assistance (RCEF-RFFA) 2022 mula sa Kagawaran ng Agrikultura (DA) sa pamamagitan ng Regional Field Office nito sa nasa 1,803 benepisyaryong magsasaka ng palay mula sa Unang Distrito sa Bulacan Sports Complex, lungsod ng Malolos, Bulacan nitong Setyembre 12, 2022.   UPANG punan ang kawalan sa kita ng mga magsasaka dahil sa pagbaba ng presyo ng palay…

Read More

UMBAGERONG PULIS INIREKLAMO NG ‘EX’

pulis

QUEZON – Nahaharap sa kasong physical abuse ang isang pulis matapos na ireklamo ng kanyang dating live-in partner na kanya umanong binugbog sa bayan ng Lopez sa lalawigang ito, noong Linggo ng madaling araw. Noong Martes, dumulog sa pulisya ang biktimang si alyas “Ana” at ipinagharap ng reklamo ang kanyang dating ka-live-in na miyembro ng Lopez MPS na may ranggong police corporal. Ayon dito, dakong alas-2:30 ng madaling araw nang dumating ang pulis sa kanyang bahay at nagkaroon ang mga ito ng mainitang pagtatalo na nauwi sa pambubugbog ng suspek. Tinakot pa ito ng pulis…

Read More

2 TRIKE SINALPOK NG TRUCK, 4 PATAY

patay

QUEZON – Apat na katao  ang namatay at lima  ang nasugatan matapos makasalpukan ng isang truck ang dalawang tricycle sa Maharlika highway sa Barangay Ikirin, sa bayan ng sa lalawigang ito, nitong Miyerkoles. Batay sa imbestigasyon ng Pagbilao Police, dakong alas-9:00 ng umaga, nasabitan  ng elf truck  na minamaneho ng 42-anyos na si Junior Rafael Jovinal , ang tricycle na minamaneho ng 24-anyos na si Marvin Aro Lopez  na may apat na pasahero,  kabilang ang isang bata. Base sa kuha ng CCTV sa lugar, galing sa kurbadang bahagi ng highway ang tricycle at halos sakop nito ang kabilang lane kaya bumangga ito sa kasalubong na northbound…

Read More

DALAGITA NATAGPUANG PATAY SA ILALIM NG TULAY

patay

CAVITE – Nagsasagawa ng malalimang imbestigasyon ang Cavite Police upang matukoy at maaresto ang mga suspek sa pagpatay sa isang 16-anyos na dalagita na natagpuang patay sa ilalim ng tulay sa Trece Martires City sa lalawigang ito, noong Lunes ng umaga. Apat na mga kalalakihan ang ‘persons of interest’ ng pulisya sa pagkamatay ng biktimang si “Angel”, isang Grade 9 student, at residente ng Trece Martires City. “Yung apat na menor de edad na naunang persons of interest ay pinakawalan na namin dahil wala namang maiuugnay sa kanila, pero meron…

Read More