DALAWANG babaeng hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang nabuslo sa kulungan ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Manila Police District-Barbosa Police Station 14 ,sa ikinasang buy-bust operation at nakumpiska ang tinatayang P4 milyong halaga ng umano’y shabu sa Quiapo, Manila noong Huwebes ng hapon Kinilala ang mga suspek na sina Monera Malido y Taug, at Jalila Banggolo y Ayob, kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 Comprehensive Drugs act of 2002. Base sa ulat na isinumite ni Police Major Gil John Lobaton, hepe ng SDEU…
Read MoreAuthor: admin 2
WANTED SA MURDER NAKORNER
ARESTADO sa mga tauhan ng Manila Police District ang isang 37-anyos na tricycle driver sa bisa ng warrant of arrest dahil sa kasong murder, sa J.P. Rizal St., Barangay Tejeros, Makati City noong Huwebes ng umaga. Kinilala ni MPD Director, Police Brigadier General Andre Perez Dizon ang suspek na si Ruderick Aljecera y Vergara, binata, residente ng Sta. Ana, Manila. Base sa ulat na isinumite ni Police Lieutenant Ramel Lucero, hepe ng Investigation Division, kay Police Lieutenant Colonel Maria Agbon, commander ng MPD Pandacan Police Station 10, bandang alas-1:20 ng hapon…
Read MorePagsasanib-puwersa ng operators, regulators sa pagbuo ng mga polisiya para sa e-sabong iminungkahi.
HIGIT na magiging pulido ang mga polisiya para sa e-sabong kung magiging magkatuwang ang mga regulator at ang mga operator sa pagbuo nito, ayon sa opisyal ng isang gaming technology. Sa isang panayam, sinabi ni Jade Entertainment and Gaming Technologies, Inc. Chief Executive Officer Joe Pisano na nakahanda ang kanyang kompanya na makipag-ugnayan sa mga mambabatas para makatulong sa pagtugon sa panawagan ng publiko hinggil sa e-sabong. “We’re happy to work with the lawmakers. I believe there’s a lot we can contribute to help form regulations and to help drive…
Read MoreP3.4-M SHABU NASAMSAM SA HVI SA BATANGAS
AABOT sa P3.4 million halaga ng shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa buy-bust operation sa Brgy. Alangilan, Batangas City nitong Miyerkoles ng hapon. Ayon sa Batangas City police, kabilang sa itinuturing na High Value Individual (HVI) ang naarestong si Noel Mangubat, 45. Kasama nitong naaresto si Ainsley Asi na kabilang din sa talaan ng drug personalities ng Batangas PNP. Ayon sa Batangas City police, nakuha sa mga suspek ang humigit kumulang 500 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P3,450,000.00 sa operasyon ng mga tauhan ng Regional Drug…
Read MoreIMPROVISED BAG NG MGA ESTUDYANTE SA QUEZON KINATUWAAN
PATOK ang event na isinagawa ng isang secondary school sa Sariaya, Quezon dahil naging kwela ang kanilang No Bag Day o hindi pagdadala ng mga tradisyunal na bag sa kanilang pagpasok. Nakita ang ‘wittiness’ at ‘creativeness’ ng mga mag-aaral mula sa Saint Joseph Academy of Sariaya, Quezon (SJASQ) na nagdulot ng kasiyahan sa mga sumaksi sa programa at maging sa mga netizen na nakita ang event sa social media page ng eskwelahan. Sa nasabing aktibidad, kailangang magdala ng mga mag-aaral ng ‘unusual bags’ o kakaibang bag na maaaring paglagyan ng…
Read MoreMarcos Jr. nanguna sa pagtatanim ng mga puno BALIK-KAGUBATAN SA DATING BASURAHAN
SA gitna ng kabi-kabilang kalamidad na dulot ng pagkawasak ng kalikasan, inilunsad ng Palasyo ang isang agresibong programang magbabalik “alindog” ng luntiang kagubatan. Bilang pambungad, pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kasama ang mga lokal na opisyal ng lalawigan ng Rizal, mga alkalde ng 14 na lokalidad, Environment Sec. Ma. Antonio Yulo, Interior and Local Government Sec. Benhur Abalos, at mga pulis mula sa Rizal Provincial Police Office, sa pagtatanim ng mga puno sa 108-ektaryang lupain sa Sitio Pintong Bukawe, sa bayan ng San Mateo. Partikular na tinukoy ng Pangulo…
Read MorePBBM BINIGYAN NI VILLAR NG LIBRO SA FARM SCHOOLS
BINIGYAN ni Senador Cynthia Villar si President Bongbong Marcos, Jr., ng libro hinggil sa farm schools, ang A Book of Directory of Farm Schools, Tourist Farms and Learning Sites in the Philippines. Tinanggap ni Pangulong Marcos ang libreo sa ginanap ng signing ceremony ng executive order hinggil sa Moratorium on the Annual Amortization of Agrarian Reform Beneficiaries, nitong September 13, 2022, sa Malacanang. Bahagi ang directory ng pagkilos ni Villar sa pagtataguyod ng farm tourism at farm schools sa bansa. Magsisilbi din ito bilang reference guide para sa farm enthusiasts,…
Read MoreTASK FORCE IWAS-SUNOG BINUO SA QC
SUNOD-SUNOD na insidente ng sunog ang nagtulak sa Quezon City government na bumuo ng bagong tanggapan na ang tanging mandato’y suriin ang integridad ng mga istruktura sa lungsod kasabay ng pagbalangkas ng mga angkop na hakbang para maiwasan ang pinsala at ari-arian at peligro sa mamamayan. Ayon sa kalatas ng Quezon City government, umarangkada na ang Task Force on Fire Prevention and Preparedness (TFFPP) kasama ang lokal na konseho,Meralco, Manila Water at Maynilad na sabayang kikilos para tugunan ang pangunahing sanhi ng sunog. Bahagi rin ng mandato ng TFFPP ang…
Read MoreLIBRONG TUMATALAKAY SA KAGUTUMAN INILUNSAD
INILUNSAD ngayong linggo ang librong “Leave Nobody Hungry” na sinulat ng dating mamamahayag na si Virginia R. Rodriguez. Tumatalakay sa mga makabagong teknolohiya at organikong pamamaraan ng pagsasaka, layon ni Rodriguez makatulong sa maliliit na magsasaka at kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., tumatayo rin Kalihim ng Department of Agriculture (DA). Nagbigay ng virtual message si Press Sec. Trixie Cruz Angeles sa pasinaya ng libro. Umaasa si Sec. Angeles na makatutulong nang malaki sa milyun-milyong magsasaka sa bansa ang nilalaman ng libro para mapataas ang kanilang ani. Dumalo sa okasyon…
Read More