5 GURO SA BACOOR NA INIREKLAMO NG SEXUAL HARASSMENT KINASUHAN NA

CAVITE – Pormal nang sinampahan ng kaso ng Department of Education ang lima sa pitong high school teachers na inakusahang ng sexual harassment sa Bacoor City. Ayon kay DepEd spokesman, Attorney Michael Poa , ang limang guro ng Bacoor National High School  ay nahaharap sa mga kasong grave misconduct, conduct prejudicial to the best interest of the service, at violation of  DepEd Order 40, Series of 2012. Sinabi rin ni Poa na suspendido na ng 90-days ang hindi pa pinangalanang  mga akusado. Ipinatutupad ang zero-tolerance policy sa lahat ng pang-aabusong ginagawa sa mga paaralan lalo…

Read More

BINATILYO NABITAG SA P.5-M SHABU

CAVITE – Tinatayang mahigit sa P500,000 halaga ng umano’y shabu ang nasamsam matapos na maaresto ang isang 18-anyos na binatilyo sa buy-bust operation sa Dasmariñas City noong Huwebes ng gabi. Kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang kinahaharap ng suspek na si Jam Balanon ng Brgy. San Antonio De Padua 2, Dasmarinas City, Cavite. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Wilson Candaba ng Dasmariñas City Police Station, alas-9:30 ng gabi, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Unit (PDEU) Cavite Police Office…

Read More

Sa Singapore visit ni PBBM $6.54-B INVESTMENT DEALS SINELYUHAN

(CHRISTIAN DALE) NANGUNA sa listahan ng Singaporean investments sa Pilipinas ang electronic tricycles na nagkakahalaga ng USD5 billion. Ayon sa Malacanang, ito ang bunga na aanihin ng Pilipinas mula sa USD6.54 billion (P374.57) investment deals mula sa two-day state visit ni Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. sa naturang bansa. Ang byahe ng Pangulo sa Singapore ay nagresulta ng paglagda sa ilang letters of intent na mamuhunan sa Pilipinas sa idinaos na Singapore business roundtable meeting, nitong Miyerkoles. Ang nasabing letters of intent ay inaasahan na makalilikha ng 15,000 hanapbuhay para sa…

Read More

1,162 indibidwal arestado sa OTBT operation ILLEGAL GAMBLING TALAMAK PA RIN SA CALABARZON

ARESTADO ang 1,162 indibidwal sa isinagawang malawakang One Time Big Time (OTBT) operation laban sa illegal gambling noong Setyembre 6, 2022 sa Calabarzon region. Ayon sa ulat, nagsagawa ang mga awtoridad sa rehiyon ng Calabarzon ng 496 na operasyon sa magdamag na nagresulta sa pagkakaresto sa mga nagsusugal katulad ng sabong, cara y cruz, pusoy, tong-its, lucky 9, mahjong, video karera, bookies at iba pang ilegal na sugal at nakumpiska ang P290,873 halaga ng taya ng mga sugarol, mananaya at operator. Ayon kay PRO CALABARZON Acting Regional Director, Police Brigadier Jose Melencio…

Read More

3 PATAY SA MOTOR NA SUMALPOK SA TRUCK

patay

BATANGAS – Tatlong magkakaibigan na sakay ng motorsiklo ang namatay matapos na ang kanilang sasakyan ay sumalpok sa likuran ng truck na nakaparada sa bayan ng Taal sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng madaling araw. Kinilala ang mga biktimang sina Jenny Lyn Alvarez, 29; Daniella Tracy Alava, 21, at ang nagmamaneho ng motorsiklo na si Billy Joe Aquino, 27-anyos. Ayon sa pulisya, tinatahak ng mga ito ang highway nang sumalpok ang sinasakyan nilang motorsiklo sa hulihan ng truck na nakatigil at nasiraan sa Diversion Road sa Barangay Latag. Grabeng napinsala ang ulo at…

Read More

Akala ay kanyang mister GINANG MUNTIK MA-RAPE NG TIYUHIN

QUEZON – Isang 26-anyos na ginang ang muntik nang magahasa ng kanyang tiyuhin habang natutulog sa kanyang kuwarto sa kanilang bahay sa Barangay Rizal, sa bayan ng Panukulan sa lalawigang ito. Nahaharap sa kasong attempted rape ng suspek na si Amado Venida matapos na ipagharap ng sumbong ng biktima sa Panukulan Police Station noong Miyerkoles ng umaga. Ayon sa biktima, nangyari ang insidente noong nakaraang buwan. Habang natutulog aniya siya sa kwarto nang maramdamang may humihipo at yumayakap sa kanya at kalaunan ay pumatong sa kanyang katawan. Sa pag-aakalang ang kanyang mister…

Read More

SANGKOT SA ILLEGAL STL ARESTUHIN – DILG

IPINAAARESTO ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. ang mga sangkot sa ilegal na small town lottery (STL) sa bansa. Tugon ito ni Abalos sa isang Palace briefing nitong Miyerkoles, matapos matanong sa polisiya ng DILG hinggil sa STLs na walang lisensiya mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ngunit patuloy na nag-o-operate sa ilang lugar. Hinikayat din ni Abalos ang publiko na agad isumbong sa mga kinauukulan kung may nalalaman silang sangkot sa ilegal na STL upang madakip ang mga ito. “STLs are…

Read More

MAGDYOWANG TULAK TIKLO SA BUY-BUST

HUMANTONG sa karsel ang isang magkarelasyon sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Malabon City. Ibinalibag sa magkahiwalay na selda sina Princess N. Ong, 33, ng Tondo, Maynila, at Joshua C. Bondad, 22, ng Barangay Longos, Malabon City. Ayon sa ulat, dakong alas-2:00 ng madaling araw noong Setyembre 6 nang isagawa ang operasyon laban sa mga suspek sa Chico Road, Barangay Potrero ng nasabing lungsod. Nakumpiska sa mga suspek ang tatlong sachet ng umano’y shabu, at isang P500 bill na ginamit bilang buy-bust money. Tumitimbang ng 6.2 gramo ng ilegal…

Read More

SINITA SA ‘NO FACE MASK’, KALABOSO SA DAMO

DINAKIP ang isang lalaki nang makumpikshan ng ‘damo’ o pinatuyong dahon ng marijuana sa Caloocan City. Pasado alas-4:00 ng madaling araw noong Setyembre 7 nang arestuhin sa Moises St., Barangay 150, ng lungsod si Dante V. Avila, 29, ng Barangay 150, Bagong Barrio, Caloocan.. Napag-alaman, nagsasagawa ng Oplan Galugad ang mga pulis sa nasabing lugar para sa pagpapatupad ng mga ordinansa ng lungsod at sa kampanya laban sa kriminalidad, kung saan nakita nila ang suspek na walang suot na face mask. Agad nilang nilapitan ang suspek upang alamin ang pagkakakilanlan…

Read More