KAMAY NG FACTORY WORKER, ‘KINAIN’ NG MAKINA

NABALIAN ng buto sa kanang kamay ang isang factory worker matapos aksidenteng ‘kainin’ ng makina ang suot niyang guwantes sa kanyang pinagtatrabahuang pabrika sa Navotas City noong Linggo ng hapon. Nilalapatan ng lunas sa Orthopedic Medical Center (OMC) sa Banawe, Quezon City ang biktimang si Marlon Policarpio, 28, ng Sta. Maria, Bulacan. Sa pahayag ng biktima kay P/Cpl. Florencio Nalus, habang ginagawa niya ang kanyang trabaho sa Columbia Candy Factory Corp. sa #128 Escoda St., Brgy. San Rafael Village, Navotas City nang aksidente umanong maipit ang suot niyang guantes sa makina…

Read More

2 LOLO NATAGPUANG WALANG BUHAY

BANGKAY na nang matagpuan ang dalawang lolo sa mga lungsod ng Malabon at Navotas noong Linggo. Dakong 7:24 ng umaga nang matagpuan sa 300 Gov. A. Pascual St., Brgy. San Jose, Navotas, ang labi ng senior citizen na si alyas “Dodong”. Walang sugat sa katawan o ano mang palatandaang dumanas ang matanda ng karahasan. Samantala, habang nagpapakain ng kanilang panabong na manok ang saksing si Roland Padarunon, 53, sa C4 Road, Brgy. Tañong, Malabon City dakong 2:30 ng hapon, nakita niyang hindi na humihinga ang biktimang si alyas “Johnny,” nasa 60 hanggang…

Read More

Reresponde sa loob ng 15 minuto 14K BAGONG PULIS SA 2023

KUKUHA ng karagdagang puwersa na aabot sa mahigit 14,000 pulis ang Philippine National Police (PNP) sa susunod na taon upang marespondohan umano ang distress call sa loob lamang ng 15 minuto. “Siyam sa bawat sampung krimen ang lulutasin. ‘Yan ang promissory note ng PNP. Nangako rin sila na kapag nag-S.O.S. ka sa pulis, wala pang kinse minutos, nandyan na sila,” ani Deputy Speaker Ralph Recto kaya hindi tinutulan sa Kamara ang planong ito ng PNP. Gayunpaman, umaasa ang mambabatas na tutuparin ng PNP ang kanilang pangako na marespondehan agad ang…

Read More

MMDA TRAFFIC ENFORCER TIMBOG SA SEXTORTION

ARESTADO ng mga operatiba ng Manila District Anti- Cybercrime Team ng Manila Police District, kasama ang ilang tauhan ng Northern District Anti-Cybercrime Team, ang isang 28-anyos na traffic enforcer ng Metro Manila Development Authority (MMDA) makaraang ireklamo ng ‘sextortion’ ng isang 21-anyos na estudyante, sa inilatag na entrapment operation sa lungsod ng Caloocan noong Linggo ng hapon. Kinilala ang suspek na si Ronnie Javier Jr. y Cruz, binata, ng Panghulo, Obando, Bulacan. Ayon sa ulat ni P/Major Reynaldo T. Salim, team leader ng MDACT , nagtungo sa kanilang tanggapan ang…

Read More

SMB HARI MULI NG ALL-PINOY CUP

NABAWI ng San Miguel Beermen ang PBA All-Filipino crown mula sa TNT Tropang GIGA, Linggo ng gabi sa Araneta Coliseum. Umabot sa decider Game 7 ang 2022 PBA Philippine Cup Finals ngunit sa huli ay namayani  ang SMB kontra TNT, 119-97. Huling pinagharian ng Beermen ang Philippine Cup noong 2019, matapos ang limang sunod na All-Filipino titles. Makaraan ito’y nagkaroon ng transition ang team at na-trade ang dalawa sa tinaguriang “Death Five” na sina Arwind Santos at Alex Cabagnot, na pinalitan nina CJ Perez, Vic Manuel at Simon Enciso. Samantala,…

Read More

MPD STATION COMMANDERS BINALASA

UPANG mas lalong palakasin ang hanay ng mga pulis ng Manila Police District, binalasa ni MPD Director, Police Brigadier General Andre Perez Dizon ang anim na commander ng Stations 3, 4, 7, 10, 11 at 12, makaraan ang simpleng turnover ceremony sa bulwagan ng MPD- Headquarters sa United Nations Avenue, Ermita, Manila. Sa Station 3, inalis si P/Lt. Col. Jonathan Villamor at inilipat sa Station 7, habang si P/Lt. Col. Ramon Czar Solas ay itinalagang commander ng Station 3. Si P/Lt. Col. Robert Domingo na dating commander ng Station 7, ay na-assign…

Read More

GINANG KUMALAS SA KILUSAN

ISANG 51-anyos na ginang ang kusang-loob na isinuko ang sarili bilang pagtalikod sa magulong pamumuhay sa pag-anib sa communist organization. Bandang alas-3:40 noong Biyernes ng hapon nang magtungo sa Barangay Hall ng Brgy. 649 sa Baseco Compound, Port Area si Sarah Lagarap y Estoso kasama ang mga tauhan ng Intelligence Operation Section ng MPD Station 13, na pinamumunuan ni P/Lt. Col. Rodel Borbe, bilang station commander. Si Lagarap ay residente ng Brgy. 649 sa Baseco Compound, Port Area. Ayon kay Lt. Col. Borbe, matagal nang isinasailalim sa surveillance operation ang…

Read More

PARKING ATTENDANT ITINUMBA

patay

PATAY ang isang parking attendant makaraang dalawang beses na paputukan sa Maria Orosa St. sa panulukan ng United Nations Avenue, Ermita, Manila noong Sabado ng madaling araw. Kinilala ang biktimang si alyas “Arman”, walang tiyak na tirahan sa lungsod. Ayon sa ulat na nakarating sa tanggapan ni P/Lt. Dennis De Jesus, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, bandang alas-2:15 ng madaling araw nang pagbabarilin ang biktima ng gunman na lulan ng pulang Toyota Vios na walang plaka Ayon sa pahayag ng isang Francis Abela, 42, isa ring parking attendant, habang…

Read More

6 TIMBOG SA ANTI-DRUG OPS SA MAYNILA

ANIM na umano’y hinihinalang sangkot sa bentahan ng ilegal na droga ang nabitag ng mga tauhan ng District Drug Enforcement Unit ng Manila Police District sa inilatag na buy-bust operation sa Ligaya St., Sampaloc, Manila noong madaling araw ng Sabado. Nakumpiska sa mga suspek ang 43 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na halagang P292,740. Base sa ulat na isinumite ni P/Major Inocencio Richard Villanueva, hepe ng District Anti-Illegal Drug Enforcement Unit, kay MPD Director, P/Brigadier General Andre Perez Dizon, bandang alas-4:00 ng madaling araw nang isagawa ang…

Read More