POLICE CHIEF NA TAMAD SIBAK AGAD – PNP CHIEF

PARA kay Philippine National Police Chief General Rodolfo Azurin, walang lugar sa pulisya ang mga hepeng tamad at bingi sa dulog ng mamamayan. Panawagan ni Azurin sa publiko, isumbong ang mga pulis na hindi gagalaw sa mga dulog ng sumbong at reklamo, kasabay ng pagtitiyak na kakastiguhin ang sinumang pulis – kesehodang heneral o ordinaryong pulis. Babala pa ni Azurin, hindi siya magdadalawang isip na sibakin agad-agad ang mga pabaya sa sinumpaang tungkulin. Bukod sa nagkabisalang ordinaryong pulis, kabilang din ang kanilang hepe sa mananagot at posibleng dalhin sa kangkungan…

Read More

COLEGIO DE SAN LORENZO STUDENTS TATANGGAPIN SA QCU

MARIING tiniyak ng Quezon City government na tutulungan ang mga mag-aaral, magulang, guro at empleyado ng Colegio de San Lorenzo matapos ipahayag ng paaralan ang permanenteng pagsasara nito noong Lunes, Agosto 15. Binanggit ng pamunuan ng paaralan ang kawalang-katatagan ng pananalapi at kawalan ng kakayahan nito sa pinansyal dulot ng patuloy na pandemya at pinalala ng pare-parehong mababang turnout ng nagpapatala (enrollment) bilang dahilan ng pagsasara. Kaugnay nito, inatasan ni Mayor Joy Belmonte ang City Legal Department na pinamumunuan ni City Attorney Orlando Paolo Casimiro, na mabilis na tingnan kung…

Read More

CHOPPER CRASH SA PAMPANGA, 1 PATAY

NASAWI ang piloto habang sugatan ang dalawang aircraft mechanic ng bumagsak na helicopter sa Clark Freeport Zone sa Mabalacat, Pampanga, iniulat ng pulisya at local disaster risk reduction office kahapon. Kinilala ang piloto na si Diosdado Lumandan habang ang mga sugatan ay sina Ivan Abiong na isang mekaniko at Rodney Esogon. Base sa imbestigasyon ng Clark Development Corporations public safety, sumailalim sa pagkukumpuni ang 1973 model MD369HS helicopter. Pagkaraan ay naaprubahan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang test flight bandang alas-10:30 ng umaga kaya pinalipad ni Lumandan,…

Read More

MAKULIT NA LASING, PATAY SA BOGA NI UTOL

LAGUNA – Patay ang isang lalaki matapos na barilin ng kanyang nakatatandang kapatid sa Brgy. Bagong Pook, sa bayan ng Santa Maria sa lalawigang ito, noong Lunes ng gabi. Dead on the spot ang biktimang si Dennis Pujanes habang sugatan ang isang bystander na aksidenteng tinamaan ng bala matapos na sunod-sunod na magpaputok ang suspek. Lumalabas sa imbestigasyon ng Sta. Maria Police, nakainom ang biktima nang komprontahin nito ang nakatatandang kapatid na si Mario Pujanes. Nauwi sa pagtatalo ang usapan ng magkapatid hanggang sa magbunot ng baril ang suspek. Hindi…

Read More

4 ESTUDYANTE PATAY SA VAN VS TRUCK

patay

TAYABAS CITY – Apat na estudyante ang patay matapos na ang kanilang sinasakyang van ay sumalpok sa likuran ng truck sa Maharlika highway sa lalawigang ito dakong alas -3:00 ng  madaling araw nitong Miyerkoles. Kinilala ng Tayabas City Police ang mga namatay na sina Juan Carlos Alvarez, 22; Enrique Garcia, 20; Marga Elayne Ramirez, 18, at Michaela Jeuel Solomon, 23, pawang mga estudyante at residente ng Candelaria, Quezon. Lumabas sa imbestigasyon ng Tayabas City Police, mabilis ang takbo ng Toyota Innova van na sinasakyan ng mga biktima nang sumalpok ito sa sinusundang forward truck…

Read More

P25.4-M DROGA, 251 LOOSE FIREARMS NASAMSAM SA CENTRAL VISAYAS

NASAMSAM ng PNP ang P25.4 milyong halaga ng ilegal na droga at 251 loose firearms habang 700 katao ang naaresto sa 24-oras na operasyon ng Central Visayas PNP. Ayon kay PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr., narekober ang mga nabanggit sa 24-oras na Synchronized Enhanced Managing Police Operations (SEMPO) sa nabanggit na lalawigan. Dagdag pa nito, ang SEMPO ay malawakang koordinasyon at serye ng mga operasyon laban sa mga kriminal, para matiyak ang ligtas na kapaligiran sa mamamayan. Iniulat din ni Gen. Azurin, ang SEMPO ay isinagawa mula ika-12:01 ng…

Read More

US TRIP NI PBBM PINAPLANTSA NA

NAGPAPATULOY ang paghahanda para sa US trip ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nakatakda sa susunod na buwan. Dadalo ang Pangulo sa United Nations General Assembly sa New York para sa kanyang ‘first foray’ sa international diplomatic arena kung saan inaasahan siyang magtatalumpati. Sinabi ni Philippine Ambassador to Washington Jose Manuel Romualdez na may ilang bilateral meetings ang nakalinya na dadaluhan ng Chief Executive subalit hindi naman binanggit kung kasama ang side meeting kay US President Joe Biden. Nauna rito, binanggit ni Romualdez na nais niya ang hiwalay na inaugural…

Read More

HYBRID WORK ARRANGEMENTS PINABIBIGYANG PAGKAKATAON

NANAWAGAN si Sen. Grace Poe sa buong gobyerno na “mag-isip sa labas ng kanilang sulok” at hayaan ang makabagong teknolohiya para sa “hybrid work arrangements” sa bansa na lumakas tungo sa inklusibong paglago ng ekonomiya. Sa kanyang privilege speech, sinabi ni Poe, “Ang hybrid work ay hindi isang radikal o ‘futuristic’ na ideyang hindi pa napapanahon. Ito ay isang matagal nang kaibigan na kumakatok muli sa ating pintuan.” Ipinaliwanag ng tagapanguna ng Senate committee on economic affairs na tulad ng mga nakalipas na panahon, ang “versatility” ng remote work ay…

Read More

UKAY-UKAY GAWIN NANG LIGAL?

INILUTANG ni Senador Raffy Tulfo ang ideya na gawin nang legal ang pag-aangkat ng ukay-ukay upang mapatawan din ng buwis ang mga nagpapasok nito sa bansa kahit ito ay ilegal. Sa gitna ito ng pagbatikos ni Tulfo sa pag-target ng Bureau of Internal Revenue sa mga vlogger at online sellers. Sinabi ni Tulfo na kung talagang nais ng pamahalaan na makakolekta ng dagdag na buwis, mas makabubuting pagtuunan ng pansin ang mga big fish tulad ng bigtime oil smugglers. Kasabay nito, pinuna ni Tulfo ang Bureau of Customs sa naglipanang…

Read More