MGA PULIS SA SHABU COVER-UP WALANG ‘BALLS’ – BATO

pulis

NAPIKON si Senate committee on public order and dangerous drugs Chairman Ronald ‘Bato’ Dela Rosa sa ilang pulis na dumalo sa pagdinig kaugnay sa sinasabing cover-up sa nakumpiskang P6.7 billion na droga sa lungsod ng Maynila. Tinawag pa ni dela Rosa na walang ‘balls’ ang mga pulis makarang magturuan kung kanino nanggaling ang impormasyon na naging sanhi ng operasyon laban kay dating P/Staff Sergeant Rodolfo Mayo. Hindi rin napiga ng mga senador ang mismong sangkot sa operasyon ng droga na si Mayo makaraang ilang ulit nitong igiit ang kanyang right…

Read More

PUGANTENG TAIWANESE TIKLO SA ERMITA

ARESTADO ng mga tauhan ng Fugitives Search Unit (FSU) ng Bureau of Immigration (BI) ang puganteng Taiwanese na wanted sa Taipei dahil sa pagkakasangkot sa large scale fraud. Kinilala ang suspek na si Yin Chih Chou, 49, nasakote noong Mayo 11 sa kanyang tinitirahan condominium sa Adriatico St., Ermita, Manila. Batay sa report, si Chou ay may warrant of arrest na inisyu ng Taiwan Hsinchu district prosecutors office bago tumakas papuntang Pilipinas, bunsod ng paglustay sa pera sa kanyang mga biktima Ayon sa impormasyon, si Chou ay dumating sa bansa…

Read More

USEC EGCO ET AL KINASUHAN SA ALITAN SA LUPA

SINAMPAHAN ng dalawang kaso sa Cabanatuan City Prosecutors’ Office si dating Presidential Communications Operations Office (PCOO) Undersecretary, Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) chief, at Spokesperson for National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Jose Joel Sy Egco at iba pa dahil sa umano’y pananakop ng lupa ng iba. Ayon kay Bethzaida Pelias Lactao, kapatid nina Noe Pelias at Ian Pelias, nagtungo sila sa Cabanatuan City Prosecutors’ Office noong Biyernes, Mayo 12, 2023 para isampa ang kasong malicious mischief (Art. 328) at trespass to property (Art. 280 and…

Read More

Publiko ‘di dapat maalarma SHOOTING INCIDENTS SA QUEZON ISOLATED CASE LANG – PNP

TINIYAK ng Quezon Police Provincial na walang dapat ipangamba ang publiko sa napaulat na ilang barilan sa lalawigan ng Quezon. Ito ay matapos tiyakin ng Quezon Police na nakatutok sila sa sitwasyon at sinabing ang mga naganap na insidente ay isolated case lamang. Sa pahayag ni PCol. Ledon D. Monte, Provincial Director ng Quezon Police Provincial Office (PPO), hindi aniya dapat maalarma ang publiko sa nagdaang pamamaril dahil hindi konektado sa isa’t isa ang mga pangyayari. Gayunman, tiniyak ni PCol. Monte na tututukan at bibigyang pansin nila ang mga nangyaring…

Read More

LALAKI SINAKSAK NG UTOL, PATAY

CAVITE – Patay ang isang 27-anyos na lalaki matapos sasakin ng kanyang nakatatandang kapatid makaraang nagtalo hinggil sa problema sa kanilang pamilya sa Gen. Trias City noong Linggo ng gabi. Isinugod sa Gentri Doctors Hospital ang biktimang si Barry Evora Cabrera, residente ng Brgy. San Francisco, Gen. Trias City subalit namatay habang nilalapatan ng lunas dahil sa mga tama ng saksak mula sa kanyang nakatatandang kapatid na si Billy Jan Evora Cabrera, 31, ng nasabi ring lugar. Bago ang insidente, nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo ang magkapatid hinggil sa problema…

Read More

71-ANYOS NA BRGY. LUPON MEMBER, ITINUMBA

QUEZON – Isang 71-anyos na lola ang namatay matapos barilin sa kanyang bahay sa Sitio Catmon, Barangay San Diego, sa bayan ng Buenavista sa lalawigang ito, noong Biyernes, Mayo 12, 2023. Kinilala ang biktimang si Carmelita Monterey, miyembro ng Barangay Lupon at residente ng naturang lugar. Ayon sa pulisya, iniulat ng anak ni Monterey na si Felix ang insidente dakong alas-2:00 ng madaling araw noong Mayo 13. Base sa report, nakarinig si Felix ng putok ng baril bandang alas-7:00 ng gabi noong Mayo 12 ngunit wala siyang nakita nang siya ay mag-imbestiga. Nang…

Read More

TRUCK SWAK SA BANGIN 3 PATAY, 2 SUGATAN

BUTUAN CITY – Tatlo ang namatay kabilang ang magkapatid na babae, habang dalawa pa ang sugatan sa matapos mahulog sa bangin ang isang truck sa provincial road, sa Brgy. San Mateo sa lungsod na ito. Dead on arrival sa ospital ang mga biktima na parehong negosyante at isang helper ng truck habang sugatan naman ang driver at isa pang helper. Kinilala ang mga namatay na sina Alicia Pancho at Bebelyn Alampaya. Namatay rin sa aksidente ang menor de edad na helper ng truck na si Jay Mar Pancho. Ayon sa imbestigasyon ng…

Read More

5 finalists ng StartUp QC Program P1-M SA TAGISAN NG PATOK PROGRAMANG KABUHAYAN

NI JOEL AMONGO MAHIGIT limang buwan makaraang ilunsad ng Quezon City government ang StartUp QC Program na naglalayong isulong ang lungsod bilang sentro ng negosyo, kinilala ang limang finalists na uusad sa susunod na yugto ng paligsahan para sa garantisadong P1 milyong handog ng pamahalaang lungsod. Ayon sa Public Affairs and Information Services Department (PAISD), lima sa 70 kalahok ang nakapasa sa mahigpit at metikulosong pagsusuri ng ‘innovative business models’ na isinumite ng mga bago pa lang sa larangan ng pagnenegosyo. Para kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, malaking tulong sa isinusulong na 14-point…

Read More

TSINO INARESTO SA TALBOG NA TSEKE

MAKALALAYA kung maglalagak ng piyansa sa halagang P132,000.00 ang 60-anyos na Chinese National na inaresto sa kasong paglabag sa Batas Pambansa bilang 22 (talbog na tseke) sa loob ng Century Park sa Malate, Manila nitong Linggo ng hapon. Ang suspek ay kinilalang si Albert Abaya, isang negosyante, ng Biak na Bato Street, Quezon City. Sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Salvador Tangdol, commander ng Manila Police District – Malate Police Station 9, bandang 3:30 ng hapon nang masukol ang suspek. Sa report ni Tangdol, sa pangunguna ng kanyang tauhan na…

Read More